Share

Chapter 11

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at lumabas na ako ng bahay nila Princess. Hihintayin ko na lang si Niko sa labas. Baka kasi hindi niya alam kung saan ang exact location ko though nagtanong pala siya kanina kay Gab. Sinamahan naman ako Mike at baka may mga loko-loko daw sa labas.

"Grabe, nakapa ginaw! Mukhang di tayo giniginaw ah!” kantyaw ko naman kay Mike dahil naka tshirt lang siya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong tumawa kahit walang nakakatawa. Napadami ka na naman ako ng inom!

"Lasing ka na talaga Jaz!”  Sabi naman niya sa akin at tinatawanan ako kaya napasimangot ako sa kanya.

“Hindi ako lasing noh? Baka ikaw?” Kunwaring singhal ko sa kanya. Hindi pa din siya tumitigil sa katatawa. Mukha ba akong nakakatawa?

“Oo na, oo na, hindi ka na lasing. I remind ko lang sayo yung napag aralan natin. Ano ulit ang number one defense mechanism ng lasenggo?” naninigkit na ang mga mata nitong nangangantiyaw sa akin.

“Uy grabe ha? Lasenggo ba ako? Grabe siya! Hindi to denial noh kasi hindi naman ako lasing.” Naniningkit din ang mga mata kong nakatingin sa kanya sa inis. Paratangan ba naman akong alcoholic?

Bigla namang may bumusina at nagulat ako dahil hindi ko napansing may sasakyang tumigil sa harapan namin. Pagtingin ko ay si Niko at pababa na siya ng kotse niya. Lumakas ng bongga ang tibok ng puso ko! Napatikhim naman si Mike sabay ngisi kaya inirapan ko siya.

“Hi.” Bati ni Niko sa akin nang makalapit siya at nagtanguan naman sila ni Mike.

“Sige Jaz mauna na ako sa loob ha? Bye denial queen! Lasing yan.” Kunwaring baling niya kay Niko kaya nahampas ko siya sa balikat.

“Hindi ako sabi lasing eh! Kulit mo ha? Pumasok ka na nga!” Singhal ko sa kanya.

“Sige pre, ikaw na bahala kay Jaz ha?” Bilin nito kay Niko at nagpasalamat naman ang huli sa kanya. “Bye  Jaz! Ingat kayo.” Paalam nito.

“Bye! Kayo  na bahala kay Max ha?” Bilin ko naman sa kanya at tumango na lang siya at pumasok na sa loob.

“Are you okay, Jaz?” Tanong sa akin ni Niko habang inaalalayan niya ako pasakay sa kotse niya.

“Yeah. Don’t believe that idiot. Im not drunk! Ang kulit niya talaga. That idiot.” Napapailing kong sabi at diko mapigilang mapatawa dahil naalala ko kanina ang pinagawa sa kanya sa truth or dare.

Sinuot naman niya sa akin ang seat belt nang makaupo siya kaya naman napakalapit ng mukha niya sa akin. Napasinghap ako ng mahina dahil para akong nakukuryente na di ko maintindihan! Ang bango niya at nakakaloka ang kagwapuhan niya! Oh gosh! He’s so perfect!

“So, you’re not drunk huh?” Sabi niya na nakangiti nang maikabit niya ang seat belt ko at mag umpisa na siyang mag drive.

"Uh-huh! But you don’t believe me, do you?” Tanong ko naman sa kanya na at pinaningkitan ko siya ng mata at natawa siya ng mahina.

“Hmm okay. I believe you.” Sabi niya but his face says otherwise!

“Do I look funny huh? Ikaw ha?” Para na akong loka-lokang nakikipag usap sa kanya. Inaantok na ako at nahihilo kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

Mahihinang tapik sa pisngi ko ang nagpagising sa akin. “Hmmm?” Nakaidlip pala ako.

"Jaz, wake up. Nandito na tayo sa apartment niyo. Walang sumasagot sa loob. Wala yatang tao. Where's your key?" Tanong naman niya. Key? Oh, it’s in my bag!

"Where’s my bag?” Tanong ko sa kanya kaya napatingin kami pareho sa loob ng kotse pero wala. Gosh! I think I left my bag! Buti nadala ko ang phone ko, ka text ko kasi siya kanina.

“You left your bag?” Tanong namannito sa akin kaya napatango na lang ako. Inaantok na ako! Gusto ko nang matulog.

Napa buntong hininga na lang siya. “ Okay then, you will sleep in my apartment tonight."  Sabi nito kaya napangiti ako ng matamis! What the heck?

Dahil medyo pasuray suray ako ng lakad, binuhat na niya ako na para bang bagong kasal kami. Kumapit ako sa leeg niya para hindi ako mahulog!  Shocks ang bango niya talaga. Hindi ko napigilan ang sarili kong suminghot sa leeg niya habang buhat niya ako.

"You don't know what you're doing, baby." Sabi niya na napapaos.  Para akong nakiliti sa boses niya.

Ibinaba niya ako ng dahan dahan sa bed niya. Ang sarap namang matulog dito lalo na at kaamoy niya ang bedsheet niya at mga unan.

Dahil lagi na din kami dito sakanila ay nakapasok na din ako sa kwarto niya. Di hamak na mas malaki itong apartment nila kaya di hamak na mas malaki din ang mga kwarto nila ni Von kompara sa amin ni Jen. Simple ito sa labas kaya hindi mo aakalaing napakaganda sa loob nito at gawa ito sa high quality na wood kaya napaka cozy ng dating. Luma na to pero nakapaganda ng structure at halatang alaga din. Mahal siguro ang renta nila dito. May basement itong bahay kung saan nakatira ang care taker nitong bahay. Siya na din ang tumatayong helper ng dalawa.

Para akong lukaret dahil napangisi ako at isinubsob ang mukha ko sa unan ni Niko! Pero parang hindi pa din ako makuntento kaya tinawag ko siya. Tumingin naman siya sa akin at tila nagtatanong kung bakit ko siya tinawag.

"Pwede ka bang umupo dito sa tabi ko?” Malambing kong pakiusap sa kanya. Gusto ko lang siyang amuyin!

Agad naman siyang tumalima at umupo sa tabi ko.

"You're driving me crazy, Jaz."  Sabi niya sa akin ng seryoso at hinaplos niya ang pisngi ko. Hinuli ko ang kamay niya at.. inamoy! Napahagikhik ako sa kalokohan ko. Sana lang hindi ko pagsisisihan ang pinaggagagawa ko ngayon.

"Crazy girl!" Nakangiti niyang sabi at marahan akong kinurot sa pisngi at akmang tatayo na ulit siya.  Napabangon ako bigla para pigilan siya.  Parang ayoko pang matapos ang gabing ito.

"Jaz, bakit ka pa bumangon? Do you need anything? Water?" Tanong niya sakin.

"No, no. Niko?" Malambing kong tawag sa pangalan niya.

"Hmmm?" Sagot naman niya sa akin.

Shocks. I want to kiss him! It’s now or never!

"Can you.. can you kiss me Niko?" May pakiramdam akong namumungay pa ang aking mga mata dahil sa antok. Nabigla siya at di agad nakapag salita.

"Uh.. Jaz, you’re really drunk.." Pilit na tawa ang lumabas sa labi niya at akmang tatayo na talaga siya ulit nang hilain ko siya sa braso pabalik.

"I told you I’m not drunk!” Hindi siya nakaimik kaya muli akong nagsalita dahil nakaramdam ako ng kurot sa puso ko. “Am I really not that attractive? That nobody would ever dare kiss me? Even you, Niko? You don’t really wanna kiss me huh?” Pabulong at nagtatampo kong sabi.

Wala din pala siyang pinagkaiba kay Jeff eh. Mga paasa.

"Jaz, you dont understand.."Tila nahihirapan pa niyang sabi kaya  pinutol ko na ang sasabihin niya. 

Ano? Sasabihin din ba niya na friend lang din kasi turing niya sa akin. Magpapakita kayo ng sweetness tapos.. tapos.. naiiyak na ako! Nakakainis lang.

"Bakit ha? Pangit ba talaga ako? Anong hindi ko maintindihan? Ha?  Where's Von? Maybe if I ask him to kiss.." diko na natapos ang sasabihin ko nang... dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko!

Oh-my-gosh! Hindi ako nakakilos at para akong na estatwa! I didn't know how to react kaya para akong nanigas at di makagalaw.

Lumayo  naman siya bigla at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama.

"Oh god, im sorry Jaz.." Sabi niya na tila naiinis pa siya sa sarili niya kaya napakurap ako. Di rin ako agad makaapuhap ng sasabihin. Bat siya nag so sorry? Hindi ba talaga ako kahalik-halik?!

"S-sorry?” Napatawa ako ng pagak. Pero sa totoo lang naiiyak ako! Parang bigla akong binuhusan ng napakalamig na tubig at nawala lahat ng kalasingan ko sa katawan!

Sorry talaga? Huh! Kasi nga friend lang tingin niyan sayo. Nakakahiya ka Jazmin. Ganto na ba talaga ako desperada? Parang gusto kong lamunin na lang ako ng lupa!

He sighed heavily and sat beside me and he began caressing my face.  Iniwas ko ang mukha ko. Paasa eh.  Napabuntong hininga na lang siya.

"It's not like that Jaz. I just don’t want to take advantage, okay? You have no idea." Umiiling niyang sabi at muling napabuntong hininga. “You have no idea how much I wanted to kiss and ravish you right now." Pabulong niyang tinuloy ang kanyang sinasabi na tila nahihirapan. Parang hindi rin ako makahinga sa lakas ng kabog ng puso ko.

"Baby, I want to kiss you when you're sober because I want you to remember everything about.. our first kiss.." Hirap at putol-putol niyang sinabi. Napatitig na lang ako sa mukha niya at bumaba ang mga mata ko sa labi  niya.

"But I guessed I can no longer wait. I really wanna kiss you right now.” Paos niyang sabi at unti-unti niyang tinawid ang distansya naming dalawa. Hinapit niya ako sa bewang at lalo niyang idiniin ang mga labi niya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko pero tila may sariling isip ang mga labi namin at tila sila nagsasayaw sa ritmo ng mga puso namin.

Tila bolta-boltaheng kuryente ang kumapit sa buong  katawan ko at napayakap ako sa leeg niya. Lalo pang lumalim ang paghalik nya sa akin hanggang naramdaman ko na lang nang iangat niya ako at pinaupo sa kandungan niya. Nagkatinginan kami at parehong hinihingal.

"You are so sweet baby." Hinihingal niyang sinabi at muli niyang tinawid ang distansya namin at banayad niya akong hinalikan sa labi na tila tumitikim ng isang klase ng mamahaling alak.  Tila ako nalalasing sa mga halik niya! Muli niyang iniangat ang mukha at niya at tinignan ako ng diretso sa mata. Dinampian niya ng halik ang aking mga labi, tungki ng ilong, at noo.

"I love you, Jaz." He said straight to my eyes at muli niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ako nakapag salita at lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Yumakap naman ako ng mahigpit sa kanya.

Mahal niya ako? Did I hear him right? I’m not dreaming, am I?

Show quoted text

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status