Share

Chapter 43

Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.

Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.

Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled.

"I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito.

"Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.

Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng mahigpit si Aedin sa harapan nila at hinalikan pa talaga niya sa pisngi at noo na para bang wala siyang pakialam.

Tuwang tuwa ding yumakap si Aedin sa leeg ng ama niya.

"We will go to Jollibee!" Masaya pa nitong balita kay Niko na akala mo ay matagal na niya itong kilala!

"Really? Can I come with you?" Nakangiting sabi naman ni Niko habang sinusuklay ng kamay niya ang buhok ni Aedin na nagulo.

Kunwari namang nag-isip ito at tumingala pa sa taas. Kuhang kuha niya pati style niyang ganyan sa ama niya!

"Hmm yes! Come on, mommy!" Sabi naman nito sa akin at hinila na nga niya si Niko na agad naman ding tumalima!

I can't believe you, anak! Napasinghap na lang ako nang lumabas silang dalawa na tila walang anumang nangyari! Ni hindi nagpaalam si Niko sa girlfriend niyang nakamaang pa sa inakto niya.

Si lolo ang bumasag sa katahimikan nang makalabas ang mag-ama.

"I'm sorry, Jazmin. I told them not to come but here they are!" At tila ito naiinis pa sa mga bagong dating.

"I-it's okay, lolo. Mauuna na po kami ni Aedin."

"Okay, apo. I'll call you, alright?"

Tumango na lang ako at ngumiti. Hindi ko na din nilingon ang mga nagulat na bagong dating.

Sino ba namang hindi magugulat.. kung bigla silang makakakita ng batang kamukhang kamukha ni Niko?

Pagkalabas ko ay nagtatawanan at naghaharutan na ang mag-ama. Parang may mainit na bagay na humaplos sa puso ko pero pilit ko itong iwinaksi! Hindi dapat ako makaramdam ng ganito.

"Halika na, anak, hinihintay na tayo ni tito Drew." Tawag ko sa anak ko dahil karga karga siya ni Niko.

Sinabi ko na lang na nandiyan si Andrew para hindi na ulit magpilit na ihatid kami.

"Uh can I come with you?" Parang maamong tupa nitong tanong.

"No, we can manage. Bumalik ka na sa loob." Mataray kong sagot sa kanya at mabilis kong kinuha si Aedin mula sa kanya.

"But mommy he said he's gonna buy me french fries and ice cream!" Nakanguso namang sabi ni Aedin.

"Mommy will just buy that for you." Sabi ko naman sa kanya at tumalikod na.

Napalingon naman ako sa likod dahil humahagikhik si Aedin. Napamaang na lang ako nang makitang sumusunod siya sa amin! Hindi ko na lang siya pinansin at mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"Wait for me, I'll just get the car." Sabi nito na tila walang anuman at mabilis nang naglakad papunta sa parking!

Hindi ba niya narinig ang sinabi kong hindi namin siya kailangan?!

Sana may taxi na! Please naman!

Lumipas ang ilang sandali pa pero sasakyan niya ang tumigil sa harapan namin! Ugh. Hindi kami sasakay diyan!

Mabikis siyang nakababa sa sasakyan niya at lumapit sa amin pero sinimangutan ko lang siya! Hindi ba siya marunong makinig?!

"Sakay na kayo Jaz..please." Pakiusap pa nito na akala mo ay napakaamong tao! Iyon naman pala ay nang-iiwan! Para na akong bata sa pagrarason ko pero hindi ko maiwasan!

"Umalis ka na. Hindi kami sasakay diyan." Pasuplada kong sabi sa kanya.

"Mommy, come on!" Sabi naman ni Aedin at hinihila pa niya ako sa leeg!

"Mommy!" Sabi na nito nang nakanguso!

Ano bang ginawa ng lalaking 'to at ganito na kakomportable si Aedin sa kanya?! Wala naman siyang naitulong kundi ang maging sperm donor!

"Jaz..please.." Pakiusap naman nito sa akin.

Akma pa akong tatanggi nang magpabuhat na si Aedin sa kanya! Hay, anak! Anak ka talaga ng tatay mo! Wala na nga akong nagawa at sumakay na lang din kami.

Habang nagmamaneho siya ay patingin tingin sya sa amin sa rear view mirror. Naiilang ako kaya tumingin na lang ako sa labas.

Pagkarating namin sa mall ay nagtatatalon na naman siya na akala mo ay matagal na hindi nakakapasyal.

Hinawakan ko siya sa kanang kamay niya para hindi mawala pero nagulat ako nang abutin din niya ang kamay ni Niko at excited na siyang pumasok sa loob.

Nagpabigat pa talaga siya kaya awtomatiko naming naitaas nang sabay ang mga kamay namin. Tuwang tuwa naman siyang naglambitin kaya hindi ko napigilang mapangiti. Heto na naman ang puso ko!

Dumiretso naman kami agad sa Jollibee dahil atat na atat na ang bata. Pagkarating namin ay si Niko na ang nag boluntaryong mag order ng pagkain namin. Hindi na din ako nagmatigas dahil wala na ako sa mood makipagtalo pa.

"Yehey! French fries! Thank you..What's your name?" Tanong nito kay Niko.

"Niko, anak." Ako na ang sumagot dahil ibinababa pa ni Niko ang mga pagkain sa mesa.

"Thank you tito Niko!" Magiliw na sabi ng anak ko.

Para akong kinurot sa puso at kahit na iniwan niya kami noon ay nasaktan pa din ako nang tawagin siyang tito ni Aedin. Lalo na nang makita ko ang dumaang sakit sa mga mata niya.

Aaminin ko namang wala akong planong ipakilala si Aedin sa kanya pero hindi ko naman inaasahang makikita niya ito. At isa pa, hindi rin naman maipagkakaila na agad napalapit ang loob ng anak ko sa kanya.

Nahalata kong pilit niyang pinapasigla ang tinig niya kapag kinakausap siya ni Aedin at tinatawag siyang..tito. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko naman pwedeng biglain si Aedin at sabihing siya ang ama niya. Masyado pa siyang bata para maintindihan 'to.

"Mommy!" Tawag sa akin ni Aedin kaya napatigil ako sa pag kain.

Napakadungis na niya dahil kumakain siya ng ice cream. Nalagyan pala ang damit niya kaya niya ako tinawag. Kaagad ko namang kinuha ang wipes sa bag para punasan siya at inilabas ko na din ang extra niyang damit.

"Let me.. please." Natigilan naman ako sa pakiusap ni Niko.

Kumislap naman ang mga mata nito nang iabot ko sa kanya ang wipes at damit ni Aedin at hinayaan ko na lang siyang punasan at bihisan 'to.

"Mommy! Cocomelon! Pleaseee!" Sabi naman nito nang matapos siyang bihisan ni Niko.

"Hay Aedin.. saglit lang ha?"

Nakakunot noo naman si Niko na nakatingin sa amin. Lihim akong napangiti dahil clueless siya sa pinag-uusapan namin ni Aedin.

Nilabas ko ang tablet niya at at plinay ang favorite nyang panoorin sa youtube.

Tamang tama namang nag play ay ang kantang skidamarink kung saan naglilinis ang mommy at daddy at nagsasabihan ng 'I love you' at may pa kiss pa sa cheeks.

Na curious si Niko kaya naki nood ito kay Aedin.

"Mommy?" Tanong niya pero nakatutok pa din sa pinapanood.

"Yes, baby?" Tanong ko naman habang kumakain ako ng fries.

"Why is it that daddy doc doesn't kiss you? The mommy and daddy here kissed like this." Saka niya inilapit ang nguso niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi!

Muntik na ako masamid kaya inabutan naman agad ako ni Niko ng inumin.

"Are you okay?" Tanong niya sa akin at hinagod pa niya ang likod ko.

Nagkatinginan tuloy kami pero ako ang unang nagbawi ng tingin.

"Enough na baby ha? Let's go home na, okay?"

"Mommy, why is it that daddy doc doesn't stay in our house?" Tanong niya ulit! Sa ganitong mga edad kasi ay matanong ang mga bata. Kinakabahan ako sa mga tanong niya! Kasama pa man din si Niko na tila naghihintay din ng kasagutan mula sa akin!

Hindi ako nakasagot agad kaya lihim akong nagpasalamat nang mag play ang song na kabisado niya kaya nakalimutan na niya iyong tanong niya.

Nakatulog kaagad si Aedin pagkaandar pa lang ng sasakyan.

"So, he doesn't stay in your house?" Napalingon ako sa kanya nang bigla na lang siyang magsalita.

"Ha?" Tanong ko naman dahil para akong na disorient sa tanong niya .

"The daddy doc." Sabi niya sa seryosong seryoso na tinig.

Natunugan ko pa ang pait sa tono ng pananalita niya.

"No." Tipid kong sabi.

Why the hell would he stay in our house?! Eh may bahay naman 'yong tao?

"Aedin is my.. son. I know he's my son." Sabi nito at humugot ng napakalalim na buntong hininga.

"Talaga lang, ha?" Sarkastiko kong sabi sa kanya.

"I'm sorry.. I just thought.." he sighed at hindi tinuloy ang sinasabi pero para akong nainsulto.

"You thought, what? Na iba tatay niya, ganoon?" I rolled my eyes in irritation.

"I..I'm really sorry Jaz.."

"Anong akala mo sa akin? Pakawalang babae na kung kani-kanino pumapatol? Ha-ha. Ang gago lang."

Kinagat ko na ang dila ko at baka kung ano pa ang masabi ko. Hindi na din siya umimik hanggang sa makarating kami sa bahay.

Kaagad siyang bumaba sa sasakyan para alalayan kami.Kinuha niya mula sa akin si Aedin at hinintay niya akong makababa.

"Pwede ba muna akong pumasok, Jaz? Gusto ko pa sanang makasama si Aedin." Tila maamong tupa itong nagpapaalam sa akin.

Iginiya ko na lang din siya papasok kahit na inis na inis ako sa kanya.

Nagulat naman ako pagkabukas ko ng pintuan nang makita ko si Ethan! Hindi ko napansin ang sasakyan niya sa labas dahil na din siguro sa inis ko kay Niko!

Agad naman niya akong nakita dahil mukhang kagagaling niya sa kusina. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ako at agad na napangiti pero natigilan siya nang makita si Niko na nakasunod sa akin at buhat si Aedin.

"Hi.." Bati niya sa akin nang makabawi siya sa pagkabigla.

"Ethan.." Parang biglang lumiit ang bahay sa presensiya nilang dalawa.

Muli namang nagliwanag ang mukha niya na parang walang nakita at kaagad na niya akong nilapitan at niyakap. Dinampian pa niya ako ng halik sa pisngi. Bahagya akong nailang dahil alam kong may nakatingin sa amin ngayon.

"I missed you and Aedin!" Aniya na tila wala ngang Niko na nakakakita.

"Uh..we..we miss you, too. Uhm Ethan, by the way, this is Niko. Niko, si Ethan." Marahan kong sabi.

Nag-aalangan pa akong ipakilala sila pero ang pangit naman kung hindi ko sila ipapakilala sa isa't isa. Napansin ko ang pagtiim bagang ni Niko pero lihim akong nagpasalamat dahil nagtanguan naman sila.

Napamaang naman ako nang umupo si Niko sa gitna ng mahabang sofa habang kandong si Aedin na tulog na tulog pa din. Para bang ayaw niya kaming paupuin ni Ethan!

“Uh Ethan, sa kitchen na lan ta-”

“No! I mean..you can just sit here.” Nagulat ako kay Niko nang bigla na lang siyang magsalita at umisod pa sa gilid!

Pero imbes na umupo ako ay doon ko pinaupo si Ethan at doon na lang ako umupo sa katabing pang-isahang upuan. Napamaang si Niko pero hindi ko siya pinansin.

"How's duty? Toxic ba?" Basag ko sa katahimikan. Ang awkward! Parang hindi na maipinta ang mukha nilang dalawa!

"Hindi naman masyado. Ikaw, how's work?" Nakangiti  na nitong sabi sa akin.

"Malapit na din akong matapos doon." Masaya ko namang balita sa kanya.

"Hmm that’s good! How’s your application? I might consider London because of you and Aedin.”

Napalingon si Niko sa amin si Ethan na halata namang nakikinig sa usapan namin pero nagkunwari akong walang pakialam at hindi ako tumingin sa kanya.

"Why not? Siguradong mami miss ka na Aedin!"

"Si Aedin lang ba?" Nanunukso naman nitong sinabi kaya ngumiti ako ng matamis. Sasagot na sana ako ng tumikhim si Niko.

"Anyway, may pasalubong ako sa inyo ni Aedin. Inabot ko na kay tita kanina. At may pinapabigay din pala si mom para kay Aedin dahil miss na daw siya nila ni dad." Natuwa naman ako dahil si Ethan na mismo ang nag-iba ng usapan.

"Aw.. thank you Ethan. Pakisabi na din kila doc, maraming salamat. Visit kami sa kanila kapag may time."

Nag-usap pa kami ng kaunti hanggang sa magpaalam na din ito at kailangan ko na daw asikasuhin si Aedin.

"I'll be back tomorrow. Labas tayo? Bawi ako sa inyo."

"Ethan, you don't have to do that. Kailangan mo din magpahinga."

"But I want to, okay? Saan niyo gusto? How about we'll go swimming? Mainit na eh?"

Tumikhim na naman si Niko kaya tumayo na si Ethan at magpapaalam na sana pero inihatid ko pa siya sa labas.

"Pasensya ka na Ethan ha?" Sabi ko at napabuntong hininga ako.

"For what?" Tila balewalang tanong naman niya pero alam ko naman na gets na niya ang ibig kong sabihin.

Hindi ako sumagot kaya napabuntong hininga na lang siya. "He's the father, right? He looked exactly like Aedin." Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata niya.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko dahil alam kong nasasaktan siya. Siya ang tumayong ama ni Aedin mula pa nang nasa sinapupunan ko pa lang ito at hanggang ngayon tapos biglang susulpot ang totoong tatay nito.

And maybe he knew na siya pa din ang nilalaman ng puso ko. Kung pwede ko lang turuan ang puso ko. Kahit ginago ako ni Niko, letseng puso ito at siya pa din talaga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status