Share

Chapter 39

"Really mommy?! You not joking?" Nabubulol at nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ng anak ko nang sinabi kong pupunta kami sa mall ngayon.

"Uh-huh! Mommy’s not joking po so get up na. Let’s take a bath na kasi lapit na si daddy doc!” Kanina ko pa kasi siya ginigising pero napasarap yata ang tulog niya ngayon.

Napasinghap naman siya at kaagad na ngang bumangon! Naku, basta pasyal talaga ay napaka alisto.

"Lagot! Di pa nakaligo ‘yang baby na ‘yan. Aalis na si daddy doc niya!" Biro naman ni tita na nasa may pintuan na pala.

"Oh no! Mommy please hurry up! I’ll take a bath now!” Natawa na lang kami ni tita sa istura niyang aburido na at nagmamadali. Nagpa cute eyes pa kaya halos matunaw naman ang puso ko.  

Pagkatapos ko siyang paliguan ay si tita na ang nag boluntaryong bihisan siya para makaligo na din ako. Napangiti na lang ako dahil excited na excited na siya at minadali pa si tita.

Pagkalabas ko ng banyo ay bihis na bihis na siya na akala mo ay isang maliit na mama sa porma! Naka khaki shorts siya at polo shirt na navy blue na pinaresan ni tita ng nike rubber shoes. Aba, naka sombrero pa siya ng nike at naka sunglass. Nakakagigil naman ang matatambok at mamula-mula niyang mga pisngi! Habang lumalaki siya ay lalo niyang nagiging kamukha ang tatay niya. Muli koi tong iwinaglit sa aking isipan at agad na din akong nagbihis.

Nagsuot ako ng mini skirt na khaki para terno kami ni Aedin at dahil wala pala akong navy blue na blouse ay nagsuot na lang ako ng white off-shoulder blouse at wedge sandals naman sa aking paa. Nilugay ko na lang ang mahaba kong buhok at kinulot ito ng kaunti dahil gustong gusto ko ang pagkaka balayage nito. Nagpakulay kasi ako ng buhok at nilagyan pa ito ng highlights nang minsang magka ayaan kami nila Jen at Max sa salon. Naglagay din ako ng blush on at lipstick para magkaroon din ng kulay ang mukha ko.

"Mommy! You done? Let's go na mommy! Mommy hurry up!" Sigaw ng anak ko mula sa baba. Naku, napaka kulit dahil kanina pa niya ako tinatawag.

"Opo! Nandiyan na po baby ko!" Sabi ko naman at mabilis ko nang kinuha ang bag ko at bumaba.

Nagulat naman ako pagkababa ko dahil naka terno pala si Ethan at Aedin! Ngunit napangiti na lang ako dahil madalas nga pala silang mag twinning. Hindi ko lang inaasahan ngayon kaya tatlo tuloy kaming naka khaki. Sigurado akong nakiusap na si Ethan kay tita. Ang cute tuloy nilang tignan na dalawa. Pareho pa silang may dimples kapag ngumingiti sila!

"Dapat pala nag navy blue polo shirt din ako?" Tumatawa kong tanong kay Ethan.

"Hmm okay na ‘yan para ikaw ang muse namin. Right, Aiden?" Sabi naman nito kay Aedin.

"Yup, daddy doc! Let's go na !" Nagmamadali naman nitong sabi at hinila na sa kamay si Ethan!

“Ingat kayo ha?” Bilin naman ni tita nang magpaalam kami ni Ethan sa kanya.

Pagkadating na pagkadating pa lang namin sa mall ay agad nang hinihila ni Aedin si Ethan papunta sa Toy Kingdom!

"Daddy doc, toy kingdom please?" Nagpapa cute eyes na siya kay Ethan na alam kong hindi rin niya matatanggihan! Parang nakalimutan na nga ako ng anak ko eh.

"Ayan ini-spoiled niyo kasi ‘yan." Natatawa ko namang sabi kay Ethan. Agad naman niyang kinarga si Aedin pero bumaling siya sa akin.

"Jaz, mauna na kayo sa toy kingdom. May pinapabili lang saglit si mom. 10 minutes lang ako para hindi na tayo maabala mamaya."

"Oh sige, text mo na lang ako at may bibilhin din muna ako sa hardware.” Katabi lang din kasi ‘yon ng toy kingdom.

“Alright.” Sabi nito sa akin at bumaling na kay Aedin at nangakong susunod siya.

"Okay, daddy doc!" Agad na din itong bumaba mula kay Ethan at humawak sa kamay ko. Hinila na niya ako pasakay sa escalator kaya nag ngitian na lang kami ni Ethan at umalis na din siya para makasunod siya sa amin kaagad.

"Baby, dito muna tayo saglit ha? Mommy will just buy something." Sabi ko naman nang makarating kami sa taas.

"Okay, mommy!" Alisto naman niyang sagot at nagpabuhat pa sa akin. Nang mahanap ko naman kung saan nakalagay ang mga hard hats ay binaba ko siya pero nakahawak ang isa kong kamay sa kanya. Malikot pa man din siya kaya hindi pwedeng bitawan.

"Excuse me miss!" Tinawag ko ang sales lady at itatanong ko kung may bago pa ba slang stocks dahil may galos itong nag-iisang white hard hat nila.

Habang nag-uusap kami ng sales lady ay may kausap na din ang anak ko pero hindi na ako nag abalang tumingin. Nasanay na din ako kay Aedin dahil halos lahat ng tao na makakasalamuha niya ay gusto niyang kausapin. Hinigpitan ko na lang ang hawak ko sa kanya.

"You gonna buy that po?" Usisa ng anak ko sa kausap niya.

"Uh-huh. What's your name, little boy?" Pamilyar ang boses ng kausap ni Aedin pero imposible kaya nagkibit balikat na lang ako.

"My name is Paul Aiden Ventura! How ‘bout you po?" Kompletong pangalan pa talaga ang sinabi niya. Sa susunod ay tuturuan ko siyang huwag makipag usap sa hindi niya kakilala dahil mahirap na.

Sinunod ko pa din siya sa apelyido ng tatay niya dahil kasal kami. Technically, Ventura pa din ako pero Gonzales ginagamit ko.

"Ma'am, mauna na lang po kayo sa counter at isusunod ko na lang po doon ‘yong bagong stock niyan. May iba pa po ba kayong bibilhin?” Tanong pa nito sa akin pero umiling ako dahil ‘yon lang talaga ang sadya ko dito.

Kaagad ko nang binalingan ang anak kong nakikipag daldalan pa sa kausap dahil kailangan na naming pumunta sa counter. "Baby, let's go na." Bumaling naman ako sa kausap niyang nakaupo na din pala para magkapantay sila.

Ngingitian ko sana ito pero imbes na ngiti ay napaawang ang mga labi ko at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang kumakausap sa kanya! Halata din ang gulat nito sa kanyang mga mata at dahan-dahan itong tumayo at tila siya nanigas sa kinatatayuan niya! Halos mahulog naman ang puso ko sa gulat at kaba kaya hindi ko sinasadyang mahila nang pabigla si Aedin!

"Ouch mommy!" Napasigaw naman siya kaya naman labis akong na guilty!

"Hey Niko sweetie! Let’s go?" Napalingon naman ako sa babaeng tumawag sa kanya at yumakap ito sa bewang niya na akala mo ay walang bata sa harapan nila.

Hindi si Gab ang babae pero napakaganda din nito at napaka sexy niya sa suot nitong summer dress. Hindi ko alam pero parang pinipiga ang puso ko sa sakit! Akala ko ba tanggap ko na pero bakit ganito? Bigla naman akong natauhan nang magsalita si Aedin.

“Toy kingdom, mommy!” Naiinip nitong sabi kaya kaagad akong bumaling sa kanya at kahit nanginginig na ako ay mabilis ko na siyang binuhat at agad na tumalikod.

"Jaz.." Narinig ko pang mahina niyang tawag sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin at kaagad nang dumiretso sa counter. Mabuti na lang at walang pila kaya kami agad ang magbabayad.

"Is daddy doc already in the toy kingdom, mommy?" Malakas na tanong ng anak ko kaya sigurado akong narinig niya ‘to.

"Shh quiet baby.. I don't know but we'll go there once we're done, okay?" Bulong ko sa kanya.

"Okay mommy shhhh." Bulong niya din sa akin at yumapos pa sa akin at hinalik halikan ako sa mukha.

"Hala ang cute naman po ng anak niyo ma'am! Napaka gwapo! Sabagay, maganda kasi si ma'am. Paniguradong gwapo din ang daddy niya!" Sabi ng cashier at tila sila kinikilig na naghagikhikan ng kasama niya. Nginitian ko lang sila ng tipid dahil gustong gusto ko nang makaalis dito ngayon mismo!

"Thank you!" Sabi ko naman nang maibigay nila ang binili ko at dali-dali na kaming lumabas at hinding hindi na ako lumingon pa!

"Daddy doc!" Pagkalabas namin ng hardware ay siya ding pagdaan ni Ethan. Mabilis na bumaba si Aedin mula sa pagkakabuhat ko at kaagad nang kumapit kay Ethan at nagpabuhat.

Napalingon ako sa tabi dahil siya ding paglabas ng taong ni sa panaginip ay ayaw kong makita! Nakaangkla sa kanya ang babae niya na akala mo ay ahas. Nakatingin siya sa amin kaya kaagad akong humawak sa braso ni Ethan at marahang iginiya paalis.

"Tara Ethan, bilis!" Sabi ko sa kanya pero tumingin siya sa akin.

"Hey, are you okay? You seemed to be in a hurry?" Napansin niya siguro ang pagkataranta ko at bahagyang panginginig!

"H-ha? Si Aiden kasi excited na kanina pa.” Sabi ko naman sa kanya nang makalayo kami sa hardware at pilit akong tumawa para mapagtakpan ang pagkataranta ko.

"Ah akala ko kung ano na eh." Sabi naman nito at tuluyan na nga kaming pumasok ng toy kingdom. Hindi na naman magkamayaw si Aedin sa pagtingin ng mga toys pero binilin ko si Ethan na isa lang ang bibilhin niya. Ayoko kasi na maging materialistic balang araw si Aedin.

Tuluyan na nga akong nawalan ng ganang maglibot libot pa at naging malikot ang mga mata ko baka kasi makasalubong ulit namin siya. Kaya para na lang tuloy akong robot na sumusunod sa dalawa. Pinilit ko pa ding magmukhang masigla para hindi na magtanong pa si Ethan. Pakiramdam ko hanggang ngayon ay napakalakas pa din ng tibok ng puso ko! Hindi ako makapaniwalang nakita ko siya! At parang gusto kong pagsisihan ang pag-oo kay Jen. Maliit na lang ang mundo naming dalawa ngayong nakabalik na pala siya ng Pilipinas.

Nakaramdam din ako ng takot na baka kunin niya sa Aedin mula sa akin lalo na at nakita niya ‘to! Pilit ko itong iwinaksi sa aking isipan dahil alam kong hinding hindi ‘yon mangyayari. Wala siyang pakialam sa amin. Inabandona na niya kami.

"Mag simba tayo bukas, Jaz?" Tanong ni Ethan pagkarating namin sa bahay.

"Hmm yeah sure. What time?"

"Around 10 para makapagpahinga ka na sa hapon. Start ka na sa Monday, right?"

"Yep." Walang kagana gana kong sagot. Kung hindi lang talaga dahil kay Jen, hinding hindi ako magta trabaho sa kumpanyang yan.

“Alright then. Akyat ko na si Aedin.” Sabi nito sa akin at inakyat na si Aedin sa kwarto dahil nakatulog na ito sa daan.

Dumiretso naman ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig dahil para akong uhaw na uhaw! Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala! Halos apat na taon kaming hindi nagkita at napakalaki ng ipinagbago niya. Wala na ang boyish na Niko na nakilala ko. He’s more matured now..and more handsome.

Bakit ganito kung makapag wala ang puso ko?! Galit lang dapat ang maramdaman mo para sa kanya, wala nang iba!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status