ILANG linggo na ang nakalipas, but still, I am here, kissing my wife na para bang ilang taon siyang nawala sa akin."A-Al, ano ba!" Nagluluto siya ngayon ng pagkain naming dalawa habang ako ay nasa likuran niya at iniistorbo siya.Napatawa ako ng mahina at saka pinagpatuloy pa ang paghalik sa batok niya. Ang sarap niyang inisin. Ngunit, kailangan ko rin limitahan iyong ginagawa ko. Ayokong iwasan niya ako 'pag nagalit ko na siya ng tuluyan."Umupo ka na," utos niya. Kaagad ko siyang sinunod at saka naghintay na sa lamesa. Nakita kong umupo siya sa harapan ko. Inilapag niya iyong ilang mga naluto niya kanina noong wala pa ako.Kanina kasi nang hindi pa ako dumating sa bahay nila, ni isa wala pa siyang naluto. Sinabi sa akin ni Tito Ed na mahilig raw magluto si Thara, so I asked her kung totoo nga ba iyon ng tuluyan na akong makabisita sa kanila. Hindi niya naman iyon itinanggi kaya naging madali lang sa aking paglutuin siya para sa hapunan naming dalawa.Napangiti ako nang mukhang masa
DALI-DALI kong iniwas ang paningin ko sa lalaking kausap ng mga magulang ko malapit sa pintuan ng bahay namin. Kaunting sulyap lang naman sana ang gagawin ko, bakit ang tagal ng mga mata kong bumitaw sa perpekto niyang tindig!Hay nako!Tumayo ako sa pagkakaupo sa malapad na sofa. Naglakad ako at hindi pinahalata ang pagsulyap muli sa matangkad at mukang mahiyaing lalaki na nakatayo sa gilid ng isa ding maskuladong lalaki katulad niya. Umupo ako sa kaharap na sofa na inupuan ko din kanina. Pasulyap sulyap lang ako at paulit ulit ng tayo para umupo na naman sa kaharap na sofa.Tiningnan ko ulit ang lalaki. Nakayuko lang ito at parang sawang sawa ng nakatayo. Kanina ng lumingon ito sa akin, iba ang ekspresyon nito. Ibang iba ngayon sa pagkakayuko at pakikinig niya sa mga usapan ng matatanda sa harap niya.Sa ikalawang pagkakataon, muntik na akong tumakbo ng mabilis at sampalin ng malakas ang lalaking kanina lang ay sinusulyap sulyapan ko lang, ngayon ay lumingon na naman sa ikalawang be
"EHEM-" natigil ako sa pagkakanganga ng makarinig ng tikhim. Wait, nakanganga?Agad akong napatingin kay Mommy, nahihiyang isinarado ko ang bibig ko ng awkward na ngumiti sa akin si Mommy. Dalawang kahihiyan na, Oo tanga ako! Letse!"Take it slow," bulong ni Mommy. Naguguluhan akong tumango at saka lumingon ulit kay weir-Allen na ngayon ay nakatitig pa din sa akin. Nangangain ba 'to?"H-Hali ka na," hindi ko alam pero bigla nalang nawala ang kaba ko ng ngumiti siya sa akin kanina. Hmp, unfair. Pinagpala ang weirdo ng magandang ngiti.Nag umpisa akong humakbang ng hindi siya nililingon. Bahala na siyang hindi sumunod sa akin. Alangan naman ako pa mag adjust, di ba?Sa ilang segundong paglalakad palabas ng pintuan kung saan ang Living room, doon ko nalang napagtanto na wala ni isang tawag ni Mommy sa akin ang narinig ko. Sumunod kaya 'yong weirdong Allen na iyon kaya hindi ako pinabalik?Nang makalabas na sa Living room, huminto ako sa paglalakad at hinarap ang nagmamay ari ng tunog ng
BINUKSAN ko ang pintuan ng banyo ko at saka pumasok roon para maligo. Nang makapasok na, agad kong binuksan ang tubig. Hinubad ko na rin agad ang mga damit ko.Naramdaman ko kaagad ang pinagsamang lamig at init na dumadaloy na ngayon sa buong katawan ko. Pumikit ako at dinama iyon. Nag isip isip ako ng mga bagay bagay para mawala sa isipan ko ang mga nangyari kanina.Habang abala ako sa paglilinis sa katawan ko, nakarinig ako ng dalawang katok sa labas ng pintuan."Thara, Ija? Are you there?" rinig kong tawag ni Mommy. Tumango ako na para bang nakikita niya ako. Kinuha ko muna ang tuwalya na nakasabit malapit sa akin bago ako naglakad papalapit sa pintuan."Opo, bakit po?" tanong ko. Binuksan ko ang pintuan ng nakatapis. Bumungad agad sa akin ang malumanay na eskpresyon ni Mommy.Ngumiti siya ng makita ako. "Nothing. Tapos ka na ba? Can we talk?" Tumango ako kahit kakasimula ko pa lang maligo. Para kasing importante ang pag uusapan namin base sa reaksyon niya.Naglakad kami papunta s
"A-ALLEN..." napasinghap ako ng inalis niya kaagad ang kamay niya na nakahawak ng mahigpit sa bewang ko. Dahilan iyon para mawalan ako ng balanse at muntik na namang matumba. Mabuti nalang at napahawak ako sa braso niyang...matigas?Bakit ang tigas?Inialis ko iyon sa isipan ko. Sa malaki at mukhang matigas pa lang na katawan ni Allen, halata ng naggy-gym siya."B-Bakit?" tanong ko ng makita ang pikon niyang mukha. Nakita kong inayos niya ang tayo niya at saka humarap sa gilid niya. Seryoso niya iyong tinitingnan. Ano bang meron d'yan? Toilet bowl lang naman nakalagay d'yan, ah?Tiningnan ko siya ng naguguluhan. Gusto kong magtanong kung bakit bigla niya nalang akong binitawan. Narealize niya ba na mali ang ginagawa niya? Nagui-guilty ba siya sa pagkakahawak ng kamay niya sa bewang ko?Tumikhim ako at tiningnan siya ulit. Kating kati na ang bibig ko na magtanong. Wala kasing isa man lang na nagsalita sa amin nang binitawan niya agad ako kanina."A-Allen?" kinagat ko agad ang pang ibab
"A-ANTHARA? Anak?" rinig kong tawag sa akin ni Mommy sa labas ng kuwarto ko. Ilang oras na akong nagkukulong dito. Natatakot akong lumabas. Wala na din sina Stephen at mga kaibigan niya. Nong pinaalis sila ni Daddy, dumating na din ang mga pulis para tingnan ang mga nagyayari."Mag usap tayo, please?" kanina pa si Mommy sa labas. Ngunit, hindi ko man lang siya sinagot o pinapasok man lang. Gusto kong mapag isa. Napakaraming tanong ang gusto kong masagot ng sarili ko.Bakit ang bilis? Bakit ang bilis kong sumunod sa mga sinasabi niya? Bakit...bakit naiisip ko pa rin kung ano ang nararamdaman niya ngayon samantalang alam ko naman na mali iyong gagawin niya sa akin simula nong pumasok kami sa kuwarto ko? Bakit hindi ko man lang siya itinulak o sinigawan man lang?Kakakilala palang namin, e! Bakit ganito agad?"Anthara, please! Kausapin mo si Mommy..." wala pa akong sapat na lakas para tumayo. Wala pa akong ganang makipag usap sa kung sino. Kahit na kila Mommy.Ipinikit ko ang mga mata ko
PASULYAP sulyap lang ang ginagawa ko kay Allen at sa mga pinsan niya din kuno na ngayon ay kausap nila Daddy sa inuupuan kanina naming upuan sa harap. Nasa sofa na kami ng opisina. Kasama ko pa rin si Mommy. Nakayuko lang siya at tahimik.Gusto ko ng umalis at bumalik sa kuwarto ko dahil sa kabang kanina pa ako sinaniban.Ulit, Sinulyapan ko ang nasa harapan. Nakatayo si Allen at ang dalawang pinsan niya sa gilid ni Tito Fanio. Habang ang isa niya namang pinsan ay nakaupo sa inuupuan ko kaninang upuan.Agad kong iniwas ang paningin ko ng muntik niya ng hulihin ng mga mata niya ang mata ko. Kanina pa kami panakaw sa isa't isa ng tingin. Kapag nakayuko ako, ramdam ko kaagad ang titig niyang halos baliwin ako sa pag iisip."Sa papel nalang para madali. Marami na ang nasakripisyo ng pamangkin ko. Mas okay kung tayo lang ang nakakaalam para hindi na gumawa ng eksena iyong babae." Nakinig lang ako sa pag uusap nila Tito Fanio at Daddy. Napakadami ko pang tanong na gustong itanong kay Daddy
"SIGURADO ka bang ayos lang ang suot ko, Mie?" tanong ko kay Mommy habang umiikot na nakatingin sa malaking salamin ng kuwarto nila Daddy.Dalawang araw na ang nakalipas simula noong bumisita sila ni Allen sa bahay. Gusto kong sumama ngayon kila Mommy dahil may mahalaga akong itatanong sa may ari ng kulay abong mga mata. Letse na 'yon! Hindi ako pinatulog ng dalawang araw!Nang bumalik kasi akong opisina ni Daddy para sana silipin kung nandoon pa ba siya, may nakita akong papel malayo layo sa pintuan ng opisina. Doon ko lang naalala na may ibinigay palang papel sa akin non si Allen. Dahil siguro sa pagmamadali ko, nahulog ko 'yong papel.Hay nako, naiinis ako!Bakit ba iyon ang isinulat niya don? Ano niya ba ako?"Oo nga! You look cute." Tiningnan ko si Mommy. Nakangiti siya habang nakatingin sa puting dress na suot ko.Agad napunta ang atensyon ko sa cellphone ko nang sandali itong nag ingay. Nasa harapan lang ng kama ito nakalagay. Malapit lang kami sa kama kaya rinig na rinig agad