Oh, em!! Ano kaya gagawin nila? Sa tingin ko O.A lang siya! Hahaha
Lisa POV Kunot noong binalingan ako ni doktora habang in-adjust niya ang suot na surgical gloves. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, hinawakan ko ang tali ng roba ko na parang dito ako kumakapit, naghahanap nang lakas. Napalunok akong muli ng humarap na siya sa akin. “Mrs. Madrigal, kailangan na po na ‘tin simulan ang treatment niyo, may oras po tayong hinahabol. So, please lay down and also tied up your hair into a bun. Then, wear this disposable hair cap,” Inabot niya sa akin ang isang transparent plastic na hairnet kung tawagin sa amin. May inayos siyang isang maliit na machine. Pinakiramdaman ito sa palad niya nang makuntento, ibinaba niya ito sa kama. Hindi pa rin ako gumalaw. Kinakabahan ako eh, tapos si– bakla, tini-test niya ang isang syringe kung maayos itong gumagana. Hanggang sa may pumusit na nga sa dulo nitong isang walang kulay na likido. Oh, Em G! “Mahiga na po kayo, Mrs. Male-late po kayo, baka pagalitan kami ng asawa niyo,” masungit na saad niya nang hindi ako
Lisa POV Habang nasa byahe, pinaliwanag sa akin ni Karen kung ano ang mga nangyayari kadalasan sa anniversary ng isang kilalang kumpanya. Nakikinig lang ako, tahimik na tumatango. Nanliliit sa mga naririnig sa kanya. Sinabi niya kung ano ang gagawin ko pagdating doon, gusto niya na ngumiti at bumati ako sa lahat nang kakausap sa akin. “Just be confident, always remember that!” Ilang ulit niyang sinabi sa akin. Confident! Kulang na nga lang sabihin niyang I’ll try to fit in. Try to look rich, and beautiful. Kita ko sa mga mata niya na hindi nga ako bagay sa pupuntahan naming lugar. Paano pa kaya ang mga taong dadatnan ko mamaya doon? Kung siya nga, ganito na ang reaksyon niya sa akin, paano pa kaya sila? Ang iba . . . ang mga kamag-anak niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Isang beses niyuko ang sarili ko. Kinikilala ko ang itsura ko ngayon. ‘Yong Feeling na, ako na parang ‘di ako! Malayong-malayo sa talagang ako. Isang simpleng probinsyana na laging nakas
Lisa POV Hinawakan niya ako sa aking siko at inilayo sa lalaking nakahawak pa rin sa aking baywang. Ngumiti siya sa akin nang magkaharap kami. Ang ganda ng mga mata niya, malamlam at may kinang. Naka-formal din siya na suot na hapit sa katawan niya. “Philip? Bakit ka nandito?” Nilingon ko si Fier na humigpit ang pagkakahawak sa siko ko. Magkakilala sila? Lumapad ang ngiti ng lalaking tinawag niyang Philip. Tinignan ang mga paa ko na walang kahit na anong suot. Sa hiya, pinagpatong ko ang mga ito. “Tito said you are here and wanted me to check on you. But this beautiful lady bumped into me and almost kissed the floor.” nakangiti niya akong tinitigan. Walang pakialam sa lalaking katabi ko. Ang ganda ng mga ngiti niya, ramdam kong totoo at walang pang uuyam sa kanyang mga mata kahit na ganito ang itsura ko– nakapaa lang. Tumikhim si Fier sa tabi ko, hinila ako sa kanyang katawan at inakbayan. Tiningala ko siya, na i-inis pa rin ako sa kanya. Kung wala lang ang lalaking kaharap nama
Lisa POV Magkahawak kamay kaming pumunta sa party ng anibersaryo nila dito rin sa loob ng hotel na ito. Kagaya sa invitation, gold ang motif nila. Mangha ako sa isang lobong nasipa ko sa sahig, may mga glitters ito sa loob na kumikinang at may nakalagay sa loob na happy fiftieth . . . Pagpasok mo sa loob mas marami nito sa entrance. Magandang inayos pa-arko sa may malaking pintuan na may malaking logo sa magkabilang gilid nito. Ang dami naming nadaraanan na mga bigating tao. May mga artista pa nga! Grabe! Ang ganda nila! Ang gwapo! Syempre ‘di ko pwedeng ipagsigawan iyon dahil . . . ‘di iyon gawain ng isang sosyal. Duh!? Behave ako, mas mahinhin pa sa mas mahinhin. Ngiting pang slow-mo lang at kilos pang slow-mo din dapat. Pero panira ang suot kong sandals. Ang sakit na nang mga paa ko. Wala pa ngang five minutes akong nakatayo at naglakad. . . pakiramdam ko isang buwan ko na itong suot dahil sa sakit at ngalay sa mga binti ko. Putik!!! Ang hirap pala mag-maganda! Ngumingiti
Lisa POV Hindi ko malunok ang mga pagkain sa bibig ko. Hindi ako makagalaw ng maayos dito sa kinauupuan ko. Sinubukan kong ngumiti palagi sa kanila, habang ngumunguya… Ang sakit sa lalamunan, ah! At sa panga. “So, Hijo kamusta naman ang buhay may asawa?” tanong ng isang kasosyo nila kay Fier. Dahil walang nakaalam na ikinasal na kami, maraming ang na gulat– at na saktan. Natawa ako doon. Maraming umaaligid sa kanyang mga babae, alam ko ‘yan. Some of them or most of them nandito nga. Ang daming irap ang inabot ko sa kanila. Kung isang balisong lang ang mga irap nilang iyon . . . t’yak wala na akong buhay ngayon dito at pinagpipiyestahan ng mga babaeng na-heartbroken niya. At sa malamang na malamang si Fier, ayaw nang lumabas ng lunga niya sa sobrang daming maghahanap sa kanya. Wanted ng mga kababaihan. Tsk! Kawawa naman sila, maraming nasawi ang puso dahil sa lalaking ito. Sila din naman kasi, alam nang chickboy— naglalapit pa sila! Ang dami naman d’yang barako na mababait at ‘di
Lisa POV Ang bango. Ang lambot. Napasinghap ako sa pumasok na mabangong amoy sa nostrils ko. Dumidiretso ito sa t’yan ko na parang binibigyan ito nang paanyaya sa isang masarap na hapunan. Umingit ako, nakapikit kong ininguso ang mga labi ko. “And what do you think other people might say? Her Mom?” Kumunot ang noo ko sa mga maliliit na boses na naririnig ko. Mahina lang ang mga ito at hindi malinaw sa akin. Nang dahil sa pagkunot ko nakaramdam ako ng pagkahilo kaya minabuti ko na lang na ipikit ng mariin ang mga mata ko at sinikap na makabalik muli sa pagtulog. “She’s okay now. No need to worry about it. She just needs to rest. And, from her initial test . . . she needs a lot of it and eats a lot of healthy foods. She’s also anemic due to so much fatigue and locked of periods of sleep. . .” Nagising ako sa isang banayad na hawak sa braso ko. Tinantiya ko muna ang pakiramdam ko bago dahan-dahang ibinuka ang aking mga mata. Tuloy lang sa kung anong bagay ang ginagawa niya sa braso k
Lisa POV “Wow!” Unang salitang lumabas sa bibig ko. Sunod mga, “Ang sosyal!” Kung kaya lang umikot ng ulo ko sa three hundred sixty degrees– na gawa ko na. Hindi ko alam kung saan ako unang titingin, lilingon at lalapit. Pagpasok pa lang sa engrandeng gate nila, gusto ko nang lumabas sa kotse n’yang sinasakyan ko. Tumatawa siya sa pagiging taong bundok ko daw. Akala ko maganda na ang bahay nila ni Michael sa lugar namin na pinag-bakasyunan nila . . . mas, mas, mas pa pala ito. Kulang na lang ilabas ko ang ulo ko sa salaming bintana ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung sa kanan ko ba o sa kaliwa ako titingin. Marami naman talagang magagandang bahay dito sa village nila pero ang bahay nila ang the best. Kumbaga tourist spot ang lugar na ito. Agaw pansin sa lahat. Karamihan daw na nakatira dito mga bigating tao, like– Oh, Em G! Dito daw nakatira ang dating presidenteng Aquino. Sama mo pa ang ilang mga senador at ilang mga artista. Security pa lang ang higpit na dito. Dapat kilala ka a
Lisa POV Naupo ako sa malambot na kama na pinagdalan niya sa akin. Kinastigo ko ang sarili ko nang kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Hindi naman kami magtatabi, right? Nag-umpisa nang tumibok ang puso ko simula ng sabihin ni Mommy na ihatid na niya ako sa kwarto namin. Namin! Para makapag-pahinga na daw ako. Matapos masiguro na nakainom ako ng gamot ko, hinatid na ako ni Fier dito sa kwarto– niya. Kasama naman namin si Mommy na pumasok dito, hawak pa nga niya ang isang kamay ko habang paakyat kami ng hagdanan. Binibilin niya na h’wag daw ako mahiya sa kanya at sa mga kasambahay namin, kung may kailangan ako, sabihin ko agad iyon sa kanya o kaya sa kanila. Isa-isa niya sila pinakilala sa akin. Sandali din niya ako iginala sa loob at sa labas ng mansion nila. Pagkarating na pagkarating ni Philip kanina, konting usapang pangangamusta lang at ilang kwentuhan bago sila nag-usap pa tungkol sa business. Siya pala ang kanang kamay ni Daddy sa lahat ng mga negosyo at pati na rin sa ilan