Isang special chapter na lang po at matatapos na. . . SALAMAT sa pagsama sa akin. Sa tiwala at sa tiyaga sa paghihintau ng update. Love you all po.
Special Chapter 2 Lisa POV Mula sa pagkakasandal sa dibdib niya umayos ako ng pagkakaupo, tiningnan ang mukha niyang proud sa kanyang mga ginawang kalokohan. “Ang sama-sama mo nga noon! Takot na takot ako sa drone na pinapalipad niyo. . .” Maktol ko. “Ang cute mo kasi inisin. Akalain mo, hindi mo alam ang drone.” Umiiling-iling siya, sinuklay ang buhok niya patalikod. “Akala ko talaga kung ano na iyon. Eroplano na maliit na may mga paa. Nakakatakot kaya tunog niya! Tapos may matang patay-sindi. Red pa nga. . .” “That’s a recording light.” Aniya. “May green pa sa gilid. Wala sa amin ng ganoon.” “Pini-picture-an ka namin ni John. He was taking a shot of you. Nasa akin pa ‘yata mga pictures and videos mo.” Pinalo ko nang malakas ang dibdib niya. Tawa lang siya nang tawa sa tabi ko. Hinuhuli ang kamay kong pinapalo siya sa kanyang kalokohan. Naglalako ako nang time na iyon, oras na rin iyon para pumasok ako sa kanila bilang isang katulong. Part time job ko iyon sa hapon hanggang
Lisa POV Sa hindi ko malaman na dahilan, kinakabahan ako. Ang kaba ko ngayon, hanggang langit na yata! Nakatitig siya sa akin. Tinitignan ako. Sinusuri ako. Mas lalo akong kinabahan sa ginagawa niya. May puting folder sa ilalim ng kanyang mga kamay na magkasalikop sa ibabaw ng lamesa. “So, Lisa gusto kong sabihin sa iyo na may business proposal ako for you.” Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Hindi ko agad naintindihan iyon. Kaya ba niya ako pinatawag dito sa kwarto niya? “A-ano po? Pero wala po akong business,” nalilitong tanong ko. Hindi ko maintindihan talaga ang gusto niyang i-punto. Tumawa siyang nakataas ang dalawang kilay sa harap ko. “Hindi. Ako ang may io-offer na job sa iyo. Okay! Okay! Rephrase na ‘tin. . . Lisa, may offer akong job sa iyo na sigurado akong magugustuhan mo.” Umayos siya ng upo sa kanyang upuan. Tumingin sa paligid namin. Nandito kami sa balcony ng kanyang kwarto. Dito niya ako pinapunta kanina nang pagbuksan niya ako ng pinto. Ang akala ko may
Lisa POV “Nanay, kain na po tayo!” tawag ko sa nanay kong patuloy pa rin sa paggawa ng mga abanikong pamaypay kahit na sa ganitong oras. Napakunot noo ako nang marinig ang mga sunod-sunod niyang pag-ubo. Ang tagal na ng ubo ni nanay hindi pa rin nawawala? Inilapag ko ang plato ng bagong init na ulam namin bago ko siya pinuntahan sa likod bahay kung saan kami madalas gumagawa ng mga pamaypay. “‘Nay, tara na po kain na po tayo.” aya kong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang mga kahon kung saan nilalagay ang mga na tapos na. Nakaka-dalawang kahon na pala siya! Malapit na itong kunin ng mga namamakyaw. Ang usapan kasi madalas, tatlong kahon. Kung bibilangin nasa higit isang libong pamaypay ito na nagawa sa loob ng isang buwan. “Anak, tapusin ko lang itong hawakan. Last na rin ito,” aniya. Nilibot ko pa ang ibang mga materyales, ka-kaunti na lang ang mga ito at kailangan na rin kumuha ng mga panibago. Nilingon ko ang nanay nang muli itong umubo. “Ayos lang po ba kayo? Matagal na ‘yan
Lisa POV Nagtataka man at patuloy sa pagtatanong ang nanay sa sinabi ko, inaya ko na siyang kumain. Kung tama ako baka ngayon siya darating. Gusto kong sumama sa doctor ni nanay para kumpirmahin ang lahat. Kung ano man ang desisyon ni Sir Fier o ni Fier, isasama ko ang nanay at doon ko siya ipapagamot sa Maynila. Kahit nakakahiya man, ito ang una kong hihilingin sa kanya. Ang tulungan kaming mag-ina. Lalo na ang nanay ko. Siya na lang ang pag-asa namin. Ilang pilit pa ang ginawa ko kay nanay bago siya mapapayag na magpa-check-up kami. Sasabihin na lang daw niya ang lahat sa akin pagkatapos. Mas gusto ko pa rin na manggaling ito sa doctor, para malaman ko ang lahat ng dapat kong gawin at itatanong ko na rin kung saan ang mas magandang ospital sa Maynila para sa condition ni nanay. Pag-uwi namin sa bahay, hapon na. Sa bayan na rin kami kumain sa isang fast food chain na mabibilang lang sa kamay kung ilang beses kami nakapasok dito. Mabuti na lang binigay nila ang huling sahod ko kay
Lisa POV Nakayuko ako habang hawak ang mga kamay ko sa aking harapan. Kinakabahan at nahihiya ako sa 'di ko malamang dahilan. Nandito siya sa kubo naming bahay, may dala-dalang kumpol ng bulaklak at tsokolate. Maraming nakatanaw sa aming mga kapitbahay ko. Ang iba ay tinatanong kung sino siya at ang iba naman ay todo kilig na akala mo'y mga sinaniban ng kuryente sa katawan. Kasama na doon si Marie na kunwari isang mahinhing babae pero nakikita ko sa mga mata at nginig ng kanyang mga labi na gusto nitong tumili sa mangha. "Magandang umaga po! Hi, Lisa!" bati niya sa amin pagtapat sa gate naming kahoy. Matamis siyang ngumiti at bahagyang yumuko na akala mo’y sobrang magalang. "Lisa, ang gwapo naman ng iyong nobyo. Pakilala mo naman sa amin." buyo ni Aling Minda na may hawak na walis tingting. "May manliligaw ka pa lang gwapo, Lisa. Hindi mo man lang sinabi sa amin. Hi, pogi!" bating kinikilig naman ng dati naming ka-klaseng bakla na si Markus. Hinawakan ni Marie ang kamay ko para k
Lisa POV “Aminin mo nga sa akin, buntis ka ba?” kalmadong saad ni nanay pero ang mga mata nito namumula sa galit. Ano itong ginawa ko? Baka bigla na lang siyang ma-high blood dito. “Nanay, inom ka po muna ng juice. Wait lang po, kalma lang kayo.” Tumayo ako para ipagsalin siya ng juice sa kanyang baso. “Bakit? Totoo nga? Lisa, kailan mo lang nakilala ang taong iyon. Binigay mo na agad!?” Napa-iling siyang napakamot sa kanyang sintido. Inabot ko sa kanya ang baso na tinignan lang niya at hindi pinansin. Nakatayo ako sa harapan ni nanay, tinitignan ang mukha niyang namumula. Nag-aalala ako sa nakikita kong galit at pagkadismaya sa kanyang hapis na mukha. “Alam ko matanda ka na, may sarili ka ng isip. Pero– anak naman! Hindi naman kita pinagbabawalan makipagrelasyo basta ipakilala mo siya sa akin. Kilalanin mo muna ng mabuti. Pag-isipan mong mabuti kung siya na nga ba bago mo ibigay ang lahat lalo na ang . . .” Napayuko siya, sinapo ang kanyang noo. “Lisa, hindi madaling maging ina,
Lisa POV “Hayaan mo na si kuya, tara na sa loob.” Tinulungan ako ni Lara bitbitin ang mga dala-dala ko. Isang beses kong sinulyapan si Liro na papalayo sa bahay nila, dala niya ang kanyang gitara, bagsak ang mga balikat. “Ito na lahat ng mga sinulat namin. Wala naman quizzes.” Inginuso niya ang mga notebook na ku-kupyahin ko na lang mamaya. Nasa apat na notebook ito na magkakapatong sa lamesa nila. Matagal ko matapos ang pag-aaral ko dahil sampung units lang ang kinuha ko ngayon taon. Nasa pangalawang taon ko na sa college. Nahuhuli na sa mga kasabayan ko na graduating na ngayong taon. Si Marie naman nag-shift ng kurso kaya pareho kaming nasa pangalawang taon pa lang. Dati kasi HRM ang kinuha niya, umayaw ang kanyang mga magulang dahil sa gastos ng kursong ito. Kaya pinili na lang niya ang kurso ko na education. Gaya-gaya kahit na ayaw naman niya at walang tiyaga sa pagtuturo. Sungit kaya noon sa mga bata! Noon pa man gusto-gusto ko na magturo. Kahit sa mga kalaro ko lang, feelin
Lisa POV “I know this may be too late, but I wanted to do it in a right way. Lisa and Mrs. Cortez, forgive me for being a selfish man para alukin ng kasal ang anak po n‘yo ng walang basbas niyo sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Ngayon, gusto ko po i-tama ang lahat.” Lumunok siya at huminga nang malalim. “Lisa, gaya ng sinabi ko sa ‘yo dati, ikaw lang ang babaeng kumuha ng attention ko. Ang babae na gabi-gabing pumapasok sa mga panaginip ko. Ang babaeng hinahanap ko agad paggising ko pa lang sa umaga. Hindi ko alam kung paano nangyari at kailan nagsimula, noon ang gusto ko lang asarin ka. Pagtawanan ang mga silly moments mo. Pero– hindi ko alam na. . .nahuhulog na pala ako sa ‘yo. At ngayon, gusto kong ayain ka, sa harap ng pinakamamahal mong nanay. Ang nanay na dahilan kung bakit may Lisa ako sa buhay ko ngayon.” Dahan-dahan niyang binukas ang pulang kahon. Sa loob nito ang isang singsing na kumikinang sa tuwing maigagalaw niya ito. “Lisa, will you be my companion for the rest of