Hindi ko mapigilang sulyap-sulyapan si Wayde. Abala s'ya ngayon sa pagtulong sa pagsisibak ng kahoy na gagagamitin mamaya sa pagluluto ng mga pagkain. Simula pa kaninang nasa byahe kami pagkatapos ng stop over ay hindi na n'ya ako pinapansin. Iniisip n'ya ba talagang karibal n'ya ako kay ate Keegan? Mali ang interpretation n'ya sa mga sinabi ko. Mukha ba akong pumapatol sa kapwa ko babae? Tsk. Nakaka-frustrate s'ya. "Ate Peye, ikaw na pinsess," bulol na pahayag ni Rhea, she's 5 years old. Residente s'ya rito sa baryo na pinuntahan namin. Hinila n'ya ako papunta sa gitna kung saan magkakahawak kamay ang mga bata habang nakapabilog sila sa akin. Dapat ay tutulong ako sa pagluluto pero nahila ako ni Rhea para makipaglaro sa kanila. Wala namang kaso 'yon sa akin dahil nagi-enjoy din naman akong kalaro sila. Lumapit sa akin si Mabel hawak ang korona na gawa sa bulaklak. Yumuko ako saka n'ya iyon inilagay sa ulo ko. "Ang ganda mo po ate, Pixie." Hagikgik ni Mabel. "Oy! May nahanap ul
"Bakit ka nagmumukmok dito?" tanong sa akin ni Marcia nang tumabi s'ya sa akin sa kahoy na kinauupuan ko. Pinanonood namin ngayon ang mga bata at matatanda na masayang sumasayaw sa tabi ng bonfire. "Ayaw mo bang sumayaw?""E ikaw? Ayaw mo ba?" Balik kong tanong sa kanya dahilan para pareho kaming matawa sa huli. "Wala akong gana at isa pa, alam mong hindi ako dancer," pahayag ni Marcia. "Napansin ko lang, bakit parang nag-iiwasan kayo ni Wayde? Nag-away ba kayo? Inaway mo ba dahil kay Vince?""Talaga bang itatanong mo 'yan sa akin? Kelan pa ako gumawa ng gulo? Sa ating dalawa ikaw 'tong taga-gawa ng away at hindi ako.""Grabe ka naman. Nagtatanong lang naman ako pero masyado mo akong penersonal.""Ikaw kasi, tini-trigger mo ako.""Infairness, nati-trigger ka na pagdating kay Wayde. Don't tell me may nararamdaman ka na para sa kanya? Are you in love with him?" tanong ni Marcia na nagpabilog ng mga mata ko. Mabilis kong tiningnan ang paligid namin. Mabuti na lang walang malapit
"Where did you get that idea?" tanong ni Wayde nang sabihin ko sa kanya ang patungkol sa paga-akala kong si ate Keegan ang babaing nagugustuhan n'ya. "Magkaibigan lang kami ni Keegan. Gusto mo bang masapak ako ni Mavey.""Bakit ka naman sasapakin ni Mavey?" "Nevermind. Basta wala akong gusto kay Keegan," paglilinaw n'ya. Humigpit ang yakap n'ya sa bewang ko saka n'ya isiniksik ang mukha n'ya sa leeg ko. "At hindi rin ako tomboy! Pinaghinalaan mo pa akong tibo. Bwisit ka!"Nakaupo kaming dalawa ngayon sa damuhan habang magkayakap. Nakasandal si Wayde sa katawan ng puno samantalang ako naman ay nakasandal sa dibdib n'ya at nakaupo sa pagitan ng hita n'ya. Kanina ay naiilang ako sa posisyon namin pero nang magtagal ay parang nasanay na lang din ako sa ginagawa n'yang paglalambing sa akin. "Wayde, akala ko ba sa harap lang ni Pennie at Janus tayo magpapanggap na mag-jowa. Bakit kung umakto ka ngayon ay parang tayong dalawa? Tama na nga 'yang kakasinghot mo sa leeg ko!" Hinawakan
5 YEARS AGO"Magandang araw sa inyo Mr. and Mrs. Levine. Ako nga pala, si Marcos Madrigal pero tawagin n'yo na lang akong Makoy. Ako ang kasalukuyang kapitan dito sa baryo." Pakilala ng lalaking sumalubong sa amin. "Ngayon palang ay magpapasalamat na ako dahil ang baryo namin ang napili ninyo para sa inyong feeding program. Nagagalak kaming lahat sa kabutihan ninyo," dugtong pa nito.Bumaling s'ya sa amin ni Marcia saka n'ya kami matamis na nginitian."Maraming salamat din kapitan Makoy sa pagtanggap n'yo sa amin dito," pahayag ni uncle Jules."Malaking tulong para sa amin ang pagdating ninyo, Sir Levine. Minsan lang dumating sa amin ang tulong mula sa labas kaya sobrang saya naming lahat," pahayag ni kapitan Makoy. "Tutulungan na namin kayo sa pagbubuhat ng mga dala ninyo.""Salamat.""Oh s'ya mga kabaryo, tulungan na natin ang mga bisita natin." Anunsyo ni kapitan Makoy. Tumulong na rin kami ni Marcia sa pagbubuhat ng mga dala namin na nasa L300. Habang naglalakad ay napansi
Magulo ang loob ng kwarto nang makita namin ito. Nagkalat ang maduduming damit at ilan pang mga gamit sa lapag. Hindi ko rin maipaliwanag ang amoy sa buong lugar pero ang talagang kumuha ng atensyon ko ay ang mga tali sa bawat gilid ng kama pati na rin ang latigo na nasa ibabaw nito. Mabilis akong napalingon sa bintana ng makarinig ako ng mga kaluskos doon."Anong nangyari rito, Diane? At para saan ang mga tali at latigong 'to?" sunod-sunod na tanong ni Marcia."May kasama ka ba rito tuwing gabi?" tanong ko rin kay Diane. Napasalampak s'ya sa sahig saka s'ya malakas na humagulgol. Umangat ang suot n'yang puting bestida kaya naman nakita ko ang malalaki n'yang pasa sa binti at hita n'ya. "I think someone is abusing her," pahayag ni Marcia na nagbigay takot at kaba sa akin. "I-lock n'yo ang mga pinto at bintana paglabas ko. Tatawagin ko si daddy." Tumango ako bilang sagot kay Marcia. Saktong pagbukas n'ya ng pinto ay tumambad sa harap namin si kapitan Makoy. Wala s'yang pang-i
"Kyaahhh!" sigaw ni Mavey habang pilit na lumalaban para sa buhay n'ya. Nilulunod kasi s'ya ni Marcia. Nakaupo lang kami ni ate Keegan sa bato habang hinihintay kung sino sa katawan ng dalawa ang lilitaw sa ibabaw ng tubig. Oo, nag-aabang kami ng bangkay. Nasa ilalim kasi si Marcia habang hinihila sa ilalim ng tubig si Mavey. "Swimmer ba si Mavey?" tanong ko kay ate Keegan. "Hindi. Kaya nga s'ya ang expected kong mamamatay ngayon," sagot n'ya na pareho naming ikinatawa. "Pixie, I'm sorry for what happened earlier. Hindi ko akalaing may napagdaanan kayong ganun ni Marcia." "We're fine now. Matagal na naming iniwan ang takot at mga alaalang 'yon. Past is past na." "Kyaahh! Don't come near me!" sigaw ni Mavey habang tumatakbo papaahon sa tubig. Nang makalapit s'ya sa amin ni ate Keegan ay hinila n'ya pababa ng bato si ate at ginawang shield mula kay Marcia. "Twin dyosa, protect meee! Ayaw mo naman sigurong mawalan ng magandang kakambal, diba?" "Hahaha! Ang duwag mo talaga kahit k
"You like it?" tanong ni Wayde kaya mabilis akong tumango bilang tugon sa kanya. Hindi ko mapigilang mapahanga sa magandang talon na nakikita ko ngayon. Para bang binura nito ang mga alalahanin ko kanina. Excited na lumusong sa tubig si Mavey at Marcia kaya natawa na lang ako. Para silang mga bata na nakatakas sa mga magulang nila para makapaglaro."Tara!" Paghila sa akin ni Wayde kaya naman mabilis akong napasunod sa kanya. Hindi ko mapigilang ma-disappoint dahil pulso ko ang hawak n'ya at hindi ang kamay ko. Bakit ba naghahangad akong hawakan n'ya ng kamay ko? Kahit nga nakaw na halik ay naghihintay ako. Kung noon ay naiinis ako kapag ginagawa n'ya ang mga bagay 'yon ngayon ay hinahanap-hanap ko na. Haist. Malala ka na, Pixie!"Ang lamig!" Kumpara sa tubig sa ilog ay bakit mas malamig ang tubig dito sa talon?"Ang sarap dito!" masayang sigaw ni Marcia habang nagfo-floating."Doll, you look down. May problema ba?" tanong sa akin ni Wayde. "Problema? Wala," sagot ko sak
"It was my pride and cowardness who ruined us. I'm sorry, Pixie. Kahit kelan ay hindi kita niloko. Kahit lasing ako nun ay alam kong hindi ko pinatulan ang kapatid mo noong tayo pa. Please, believe me.""I still have a class," malamig kong turan bago s'ya talikuran. Kung totoo man o hindi ang mga sinabi n'ya ay wala na akong pakialam. Kahit kelan ay hindi na maibabalik pa ang dati naming relasyon. Basag na basag na ang tiwala ko sa kanya at imposible na 'yong maisaayos pa."Hey. Remember my cousin Devan? The noisy and clingy bastard who loves to drain my patience?" tanong sa akin ni Marcia pag-upo ko sa tabi n'ya."Oo. Bakit?""He's coming here to spend his 1 month vacation. Siguradong walang segundo o oras ang gagawin n'yang pang-iirita na naman sa atin."Problema nga 'yon. Sa kanya lang ata muntik ng maubos ang pasensya ko. He even confessed his love to me. Kami pa ng mga panahon na 'yon ni Janus kaya naman binasted ko s'ya. Alam kong trip-trip n'ya lang 'yon kaya hindi ko s