"Ang ganda! Sigurado ka ba na ito ang magiging kwarto nating dalawa?" tanong ko kay Wayde. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan kong balcony ang asul na karagatan na may banayad na mga alon at mga puting buhangin sa beach. Hindi ko mapigilang mapahanga. Idagdag pa ang sariwang hangin humahaplos ngayon sa balak ko. Nakaka-relax. Yumakap mula sa likuran ko si Wayde saka n'ya ipinatong ang baba n'ya sa balikat ko. Napahagikgik ako ng simulan n'yang singhutin ang leeg ko at halikan ito. "Oo. Sure akong ito ang kwartong binook ko," sagot n'ya. Ito ang unang araw ng trip namin kaya susulitin ko talaga ang mga araw na kasama ko ang lalaking 'to. Hindi ko alam ang maghihintay sa akin pagbalik ko. Ngayon pa nga lang ay parang ayaw ko nang umalis dito at bumalik pa. "Magpahinga muna tayo tapos mamaya ay mag-swimming tayo sa beach." "Sige." Halos apat na oras din nag-drive si Wayde kaya naman alam kong pagod na pagod s'ya. Hinila n'ya ako punta sa kama at doon ay nahiga kaming dalawa.
"Alam mo bang may sumpa ang beach resort na 'to?" "Sumpa?" "Oo. Sabi nila kapag dito raw sa lugar na 'to nagbreak ang magkarelasyon ay imposible na raw magkabalikan pa ang dalawa pero may mga nagsasabing may paraan daw para ma-undo ang sumpa at iyon ay kapag sa mismong lugar na 'to sila aksidenteng magkikita. Para maputol ang sumpa ay sa batong 'yon nila dapat hagkan ang isa't isa nang walang bituin ang nakasilip sa kanila." Sinundan ko ang itinuro ni Wayde na bato. Isa iyong malapad na bato na ginagawag diving spot ng mga turista na nasa gitna ng karagatan. "Naniniwala ka ba 'ron?" tanong ko sa kanya. "Haka-haka lang naman 'yon. Nabasa ko 'yon noong i-check ko ang mga reviews dito sa beach resort." "Marami bang nagkakabalikan na mga dating couples rito?" "Sabi sa nabasa ko ay wala pa raw. Nagtatagpo sa lugar na 'to ang dating magkakasintahan pero kung hindi taken ang isa ay may pamilya naman na ang isa. Kung pareho pang single ang dalawa ay palagi naman daw may bituin sa kala
"Sigurado ka ba talagang ayos lang ang pakiramdam mo? You look pale, doll." Puno ng pag-aalalang tanong sa akin ni Wayde. Hinawakan n'ya ang magkabila kong pisngi at iniangat ang mukha ko para matitigan n'ya akong mabuti. "Pwede namang bukas na lang tayo mamasyal. Magpahinga ka muna hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo." "Ayos lang ko. Huwag ka ngang OA d'yan. Tara na." Hinawakan ko ang kamay n'ya at pinagsiklop ang mga daliri naming dalawa. Hindi ko sasayangin ang mga huling araw na magkasama kaming dalawa. Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay sinusubukan kong hindi ito ipahalata sa kanya. Hindi pumayag si Esmeralda na magpakalayo-layo na lang kaming dalawa ni Wayde. Desperada talaga s'ya na makitang nasasaktan at miserable ang buhay ni Wayde nang dahil sa akin. Hindi ko akalaing makakakilala ako ng totoong demonyo at iyon ay nasa katawang tao ni Esmeralda. Demonyo s'ya!Nag-paddle boarding kaming dalawa ni Wayde habang nagi-island hopping na rin. Ito ang unang beses na nagawa
"J-Janus?" "P-Pixie...y-you're here." Kung ganun ay hindi ako na mamalikmata nang makita ko s'ya nung isang araw sa beach. Talaga ngang nandito ang lintik na 'to! Mabilis akong umatras palayo sa kanya nang humakbang s'ya papalapit sa akin. "Huwag kang lalapit kundi sisigaw ako!" asik ko. "Nandito ka na naman ba para guluhin kami?! Pwede ba Janus, itigil mo na ang pangarap mong magkakabalikan pa tayong dalawa dahil kahit kelan ay wala na tayong pag-asa!" "N-Nagkakamali ka, Pixie. Hindi ako nandito para manggulo. Hindi ko alam na nandito ka. I promise." "Huwag ka na ulit magpapakita sa akin dahil hindi ako magdadal'wang isip na ipa-blater ka!" Dali-dali akong naglakad palayo sa kanya. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil sa muling pag-usbong ng galit ko ng makita ang lalaking 'yon. Ayokong maniwala na hindi n'ya alam na nandito ako pero sa napansin kong reaksyon ng makita n'ya ako kanina ay talagang gulat na gulat s'ya. Napagdesisyonan kong bumalik na sa hotel room pero
"Pixie, anong ginagawa mo rito? Alam ba ni Wayde na nandito ka?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Janus. Nilagok ko ang hawak kong tequila saka muling umorder ng isa pang baso. Sa mga oras na 'to ay mahimbing ng natutulog si Wayde. Hinintay ko munang makatulog s'ya bago ako umalis kanina sa kwarto naming dalawa. I left him a note telling him not to find me because I'm with someone else already. Hindi ko alam kung kakagat s'ya sa makabagbag damdamin kung sulat matapos ang puno ng pagmamahalan naming pagsasama sa mga nakalipas na araw. Ngayon ay nandito ako sa bar para humanap ng lalaking gagamitin ko para saktan ang lalaking mahal ko. Wala na akong maisip na paraan. Sobrang labo na ng pag-iisip ko dahil sa unsafe at unsure kong plano. Nasasaktan ako, nalulungkot at nagluluksa. Sari-saring emosyon ang nagpapabigat sa dibdib ko. "Nag-away ba kayong dalawa?" "Ba't ba ang dami mong tanong? Umalis ka na nga!" Pagtataboy ko sa kanya pero imbis na sundin ang sinabi ko ay naupo s'ya
"Pixie! Oh my god! Bakit ngayon ka lang tumawag? Pinag-alala mo ako ng sobra!" "P-Pasensya na. Kinuha kasi ni dad ang phone ko at iba ko pang-gadgets," paliwanag ko sa kanya. Isang linggo na ang lumipas nang ikulong ako ng mga magulang ko sa kwarto ko. Isang linggo na rin akong walang balita sa labas kaya nang magkaroon ako ngayon ng pagkakataon na makalabas sa kwarto ko ay hindi ko na ito pinalampas pa. Tinawagan ko kaagad si Marcia gamit ang telephono rito sa bahay. "Kamusta ka? Pinayagan ka na bang lumabas nina tito at tita?" "H-Hindi pa. Wala sila mom and dad kaya nakatawag ako sa'yo." "E 'yong kapatid mong kontrabida? Baka ipahamak ka na naman n'ya." Puno ng pag-aalalang pahayag ni Marcia. "Sorry talaga, Pixie. Hindi ko alam na nagkikita kami ni Pennie sa mall." "Wala rin s'ya rito ngayon sa bahay and don't worry, you've done enough. Salamat sa lahat ng tulong mo," sagot ko. "M-Marcia, may balita ka ba kay W-Wayde? P-Pinakulong ba s'ya ng parents ko? Wala kasi sila sa aki
5 YEARS LATER "Inay, gandang gabi po," bati ko kay inay pagpasok ko sa apartment. "Sakto, kakatapos ko lang magluto ng cheken adobo. Sabay-sabay na tayong kumaen na tatlo." "Naku! Nag-abala ka na naman, nay. Baka naman pinagod mo na naman ang sarili mo kakatrabaho rito." Lumapit ako sa kanya at nagmano. "Kesa naman humilata lang ako. Mas mabute nang gumalaw-galaw ako para hendi mabara ang mga ugat ko," pangangatwiran n'ya. "Iniisip ko ngang turuan si Wynter magsumba para banat kami pareho." "Naku 'nay. Huwag po parang awa n'yo na. Baka hindi kayanin ng puso n'yo ang pagod. Paano kapag inatake kayong wala ako rito? "Ang nega mo talagang bata ka." "Concern lang po inay. Si Wynter po pala?" "Ayon oh," ngumuso si inay kaya naman sinundan ko 'yon ng tingin. "Alew na alew sa panonood ng katuns." Pigil ang tawa ko ng nakita ang posisyon ni Wynter. Nakahiga s'ya sa sofa habang nakapatong ang dalawa n'yang binti sa backrest ng upuan. Abala s'ya sa pagdede sa kamay n'ya habang nanun
"Huwaaa!" iyak ni Wynter. Yumakap s'ya leeg ko kaya naman kaagad ko s'yang binuhat palabas sa toy store. "I'm sorry, anak. Wala kasing ganun kalaking pera si mama para mabili ang doll house na gusto mo. But I promise, mag-iipon si mama para mabili ako ng maraming toys para sa'yo." Hinaplos ko ang buhok n'ya habang inaaalo s'ya. Wala naman talaga akong balak na dalhin s'ya sa toy store. Nadaanan kasi namin ito kaya hinila n'ya ako papasok sa loob. Hindi na ako nakatanggi sa kanya lalo pa't nakita ko ang excitement sa mukha n'ya ng makakita s'ya ng maraming laruan pero sa kasamaang palad ay wala akong pera para bilhin ang mga gusto n'ya lalo na ang malaking doll house na nagkakahalaga ng dolyar-dolyar.Naupo ako sa isang bench saka ko ikinalong ang anak ko na ayaw paring humiwalay sa leeg ko. "Wynter, baby. Look at mama, please," pakiusap ko sa kanya habang hinahaplos ang likuran n'ya. Napangiti ako nang dahan-dahan s'yang humiwalay sa akin. Kinuha ko sa loob ng sling bag ang pa