Share

Kabanata 38 : Vacation w/ Him Pt. 1

"Ang ganda! Sigurado ka ba na ito ang magiging kwarto nating dalawa?" tanong ko kay Wayde.

Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan kong balcony ang asul na karagatan na may banayad na mga alon at mga puting buhangin sa beach. Hindi ko mapigilang mapahanga. Idagdag pa ang sariwang hangin humahaplos ngayon sa balak ko. Nakaka-relax.

Yumakap mula sa likuran ko si Wayde saka n'ya ipinatong ang baba n'ya sa balikat ko. Napahagikgik ako ng simulan n'yang singhutin ang leeg ko at halikan ito.

"Oo. Sure akong ito ang kwartong binook ko," sagot n'ya.

Ito ang unang araw ng trip namin kaya susulitin ko talaga ang mga araw na kasama ko ang lalaking 'to. Hindi ko alam ang maghihintay sa akin pagbalik ko. Ngayon pa nga lang ay parang ayaw ko nang umalis dito at bumalik pa.

"Magpahinga muna tayo tapos mamaya ay mag-swimming tayo sa beach."

"Sige."

Halos apat na oras din nag-drive si Wayde kaya naman alam kong pagod na pagod s'ya. Hinila n'ya ako punta sa kama at doon ay nahiga kaming dalawa.

Royai's Novele

Don't forget to rate my story. Thank you for reading (。•̀ᴗ-)✧

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Norie-Ann Ortiola Adano
ang ganda po ng story niyo...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status