Share

Kabanata 60 : Her Escape Pt. 1

Nang dalhin ako ni Pennie sa banyo ay doon na ako nag-isip ng paraan. Kaninang paglabas namin sa kwarto ay nakita kong mabuti ang loob ng buong bahay. Katulad ng inaasahan ko ay maliit lang itong hide out nila. May isang pinto sa sala at meron din sa kusina. Dalawa ang pwede kong daanan palabas pero ang problema ay ang mga nagkalat n'yang tauhan.

Nilibot ko ang tingin sa banyo at doon ko napansin ang exhaust fan na nakakabit sa pader. Kapag nagawa ko 'tong alisin ay siguradong may pagkakataon akong makakalabas dito.

Binuksan ko ang gripo at malakas na pinabuhos ang tubig sa balde. Gagamitin ko ang ingay ng tubig para pagtakpan ang gagawing kong ingay sa pagtanggal ng exhaust fan.

"Kaya ko 'to," bulong ko sa sarili ko.

Sampung minuto na ata ang ginugol ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawang tanggalin ang pagkakasiksik ng exhaust fan sa pader. Mabilis akong napalingon sa may pinto ng marinig ko ang ilang katok doon.

"Hoy! Bilisan mo naman d'yan! Taeng-tae na ako!" sig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marichu Valencia
sana lebre bumasa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status