Share

Kabanata 61 : Her Escape Pt. 2

"Cristine, heto. Masarap 'yan dahil mainit pa." Inilapag ni Sunshine sa harap ko ang kamoteng umusok pa sa init. Bigla akong nakaramdam ng gutom nang maamoy ang pagkaing bumubuo sa araw ko.

Pangatlong araw ko na ngayon sa poder nila simula ng magising ako. Sariwa pa ang ilang mga sugat ko kaya wala akong ibang choice kundi ang maghintay na tuluyan akong gumaling.

"Salamat."

Sinimulan kong balatan ang kamote at hindi nga ako nabigo nang malasahan ang tamis nito. Simula ng magising ako ay hindi ko pinagsawaan ang kamoteng tanim nilang mag-asawa.

Nakokonsensya akong hindi ko sa kanila sinabi ang totoo kong pangalan pero iyon lang ang nakikita kong paraan para maprotektahan ang sarili ko. Sigurado akong hindi pa tumitigil si Pennie sa paghahanap sa akin.

I'm a threat to her. Kapag nagsalita ako ay siguradong kulungan ang bagsak n'ya. Kailangan kong ma-contact kaagad si Wayde o kahit isa sa mga kaibigan ko para balaan sila patungkol kay Pennie dahil kung hindi at hindi lang buhay ko a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status