ARIA“Sh*t talaga!” mahina kong mura sa questionnaire na hawak ko ngayon. Alas tres na ang oras at wala pa ako sa kalahati ng pa-exam ni Sir Gray. Nakaiiyak! Pwede bang exempted na lamang ako? Ang hirap! Ngayon ko na-realize na hindi nga talaga ako nag-aaral ng matino sa subject niya— sa lahat.“Take it easy, Aria. Mahaba pa ang oras mo.” rinig kong salita ni Sir Gray at saglit tumigil sa ginagawa niya sa kaniyang laptop.Nandito pa rin ako sa office niya. Napasarap ang tulog ko at mag-aalas dose na ako nagising kanina, medyo okay na rin ang pakiramdam ko nang magising ako. Pero ngayon na may exam na akong sinasagutan ay parang magkakasakit na naman ako. Peste talaga!“Hindi naman ako napi-pressure sa oras, Sir Gray… Kahit gabihin pa ako rito ay keri lang. Ang pinoproblema ko lang naman ay hindi ko alam ang mga sagot dito.” honest kong sagot kay Sir Gray na nagpatawa sa kaniya ng mahina. Gusto ko sanang maasar dahil para bang sang-ayon siyang b*bo nga talaga ako, buti na lang at mabai
ARIA“Beshieee ko! FINALLY!!!” malalim akong napabuga ng hangin nang marinig ko ang maingay at buhay na buhay na boses ng kaibigan kong si Brooklyn.Nang makita ko ang kiti-kiti niyang pagtakbo papunta sa upuan namin dito sa room ay mariin na lamang akong napapikit para takpan ang kahihiyan niyang dulot. Ito na naman siya sa kapansanan niya. Dahil buong araw akong wala rito sa classroom kahapon ay tila ba hindi na ako sanay sa kaingayan ng bibig niya. Sobrang tahimik pa naman sa office ni Sir Gray kahapon, ganoong kapayapaan ang nais ko ngayon. Pero sa lagay ng kaibigan kong ‘to ay imposible ko iyong ma-achieve today.“Ay wow, pa-soft girl ang atake natin, ah!” puna niya nang makita siguro ang buhok kong braided ngayong araw. Maaga kasi akong nagising kanina, tapos natuyo pa agad ang buhok ko kaya naisipan kong gawin ‘to. Wala naman akong pinopormahan ngayon, no— Teka, bakit ba ako nagpapaliwanag, aber!?“Oo na, alam kong dapat ay wala akong pakialam sa trip mo. Anyway, chismis muna b
ARIA“P-please, don’t hurt me, Mister…” rinig kong sigaw ng isang batang babae. Malayo ito sa kinaroroonan ko ngunit tanaw ko mula rito ang pagpupumiglas ng bata sa isang naka-maskarang lalake na pilit siyang inilalayo sa lugra.Gusto ko siyang iligtas. Alam kong gusto ko siyang puntahan para tulungang makatakas, pero tila ba nakatali ako sa aking kinatatayuan ngayon habang ang katawan ay nilalamon ng takot. Nanghihina ako, ni ilang porsyento ng lakas ay para bang wala ang sistema ko.“Hanapin mo pa ang isang bata sa loob. Bilis!” malalim ang boses ng lalake nang may awtoridad niyang iutos iyon sa kasamahan niyang nakamaskara rin sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo lamang dito sa malayo habang hinahayaan lamang ang batang babae sa kamay ng mga nakamaskara’t armadong lalaking natatanaw ko.“Don’t h-hurt my sister—” pagsusumamo ng batang babae, ngunit imbes na pakinggan ay isang malakas na sampal lamang ang natanggap niya sa lalakeng may hawak sa kaniya. Sa isang
ARIA“Wake up, Austra…” mahina lamang ang boses ng batang babae pero sapat na para imulat ko ang mga mata ko. Pamilyar sa akin ang bses niya dahil alam kong si Ariella ito, ngunit ni isang imahe ng mukha niya ay wala akong matanaw ngayon sa lugar na kinaroroonan ko. Gustuhin ko man itong hanapin ay wala akong magawa dahil may nararamdaman akog humahaplos sa aking buhok na siyang pumipigil sa aking gumalaw sa pwesto ko.“Wake up, sweetheart… You’re dreaming.”liwanag na nagmumula sa bumbilya ng ilaw namin sa sala ang bumungad sa aking mga mata nang magising ako sa ginagawa na paghaplos ni Mama sa buhok ko. Nang matanaw ko ang nanay ko na may pag-aalala ngayon sa mukha ay bumangon kaagad ako. Doon ko nakitang nasa sofa pala ako nakatulog at si Mama ang kasama ko. Parang ang haba ng naging tulog ko, maging ang ulo ko ay tila ba tumitibok ngayon. Ang bigat sa pakiramdam. Dahil ba ito sa panaginip ko? Teka… Papaano ako nakauwi sa bahay? “M-ma? Paanong nandito na ako?” bakas sa boses ko
ARIAAlas sais na nang matapos ang huling klase namin sa araw na ito. Buong araw ata ay wala akong naging mukhang maihaharap sa lahat ng taong nakakita ng paghalik sa akin ni Cloud sa harap ng klase namin kaninang umaga. Nakaaasar dahil hindi man lang ako nakaganti ng suntok sa mukha niya— Hindi ko man lang napadugo ang ilong niya dahil natameme ako ng malala.Naiinis ako. Kahit wala naman akong pakialam sa mga kaklase ko ay hiyang-hiya pa rin ako buong araw sa kanila, hindi mawala sa isipan ko ang mga nangyari. Hinalikan talaga ako ni Cloud sa harap nila, sa harap ng mga kaibigan ko, at sa harap ni Sir Gray. Hindi ko na alam ang gagawin ko para makalimutan ang bagay na iyon sa kukute ko. Nakapanghihina.Idagdag pang buong araw akong hindi kinibo ng bestfriend kong si Yohan, marahil sa naramdaman niya sa ginawang paghalik sa akin ng new friend kuno niya. Hindi naman ako asummingera pero protective sa akin ang lalakeng iyon. Tapos sa isang iglap ay nakita niya akong hinalikan ng kutong
ARIAKumakalam ang sikmura ko nang maglabas ng malalim na paghinga sa kawalan. Ano ba itong nararamdaman kong katamaran sa araw na ‘to? Para akong baliw, e. Sabi ko pa naman kanina ay magiging good vibes lang ako kahit puro bad vibes natanggap ko sa buhay kahapon. Kaso gutom naman ako ngayon, ang ending tuloy ay masama pa rin ang mukha ko.Kapag gutom talaga ako, wala ako sa sariling katinuan. Kanina pa ako nakatulala sa bintana ng classroom habang nagle-lecture si Ma’am Santos, teacher ko ito sa isa sa mga major subject ko this semester. Alam kong alanganin ako sa subject na ito, pero hindi ko mapigilan matulala. Isa’t kalahating oras pa ako magtitiis bago mag-lunch break, nakaiiyak.Ang daya rin kasi ng dalawa kong kaibigan, palaging excuse dahil sa mga sinasalihan na extracurricular activities ng Easton University. Bakit kasi hindi ako naging matalino academically, diba? Sa lahat ng skills na pwedeng makuha, sa pakikipag-away pa. Ayan, ang dami ko tuloy problema sa buhay ngayon. Si
ARIA Isang mapayapang paghinga ang nagawa ko nang marinig ang pangalawa sa huling bell ng school para sa araw na ito. Isang oras na lang at mag-uuwian na kami. Pigang-piga na kasi ako at ang utak ko, gusto ko na lang matulog sa bahay namin ng mapayapa. Kasalukuyan kasing narito ako sa classroom at tinatapos ang activity na iniwan sa amin ni Mr. Melvis kanina bago siya umalis para umattend ng faculty meeting nila. Art Appreciation ang subject namin ngayon, puro arts, kaya siguro napipiga ako kasi hindi naman ako artistic na tao. Though madali lang naman ang iniwang activity ni Mr. Melvis sa amin, kailangan lang namin gumawa ng essay about interpretation namin sa art ni Leonardo Da Vinci noong 1490 na pinamagatang Vitruvian Man. Wala man akong hilig sa arts— lalo na sa history ng arts— ay wala akong magawa kundi unawain ang mga artworks na ibinibigay niya sa amin. Mabusisi naman ang interpretation ko rito dahil bumabawi ako ng grade, tres lang kasi prelims ko sa kaniya kaya kahit wala
ARIA“Siya na ba ang girlfriend mo, Professor Grayson!?”“Sino siya?? Hindi ko makita!”“OOH EM! Taken ka na ba Sir Grayson!?” Lecheng pagkakataon nga naman, talaga bang napagkamalan akong jowa ni Sir Gray ng mga tao sa paligid namin ngayon? Ang g*go naman niyan! Gustuhin ko mang lumayo at humiwalay sa yakap ni Sir Gray dala ng taranta sa aking sistema ay mas lalo lamang niya akong iniiwas sa mga tao gamit ang yakap niya sa akin. Ramdam ko ang paghigpit nito kaya hindi na ako pumalag, mukhang alam naman niya ang ginagawa para iiwas ako sa bagay na bigla na lamang nangyari sa amin. “Follow my steps.” rinig kong bulong niya sa akin na sinunod ko kaagad ng wala nang tanong-tanong pa. Alam kong inilalapit niya ako sa pinto ng kaniyang sasakyan, kaya nang marinig ko ang pagbubukas ng pinto ay inihanda ko ang aking gagawing pagkilos papasok doon. “Here, iharang mo ‘tong bag sa mukha mo hanggang sa makapasok ka sa loob.” agad kong kinuha ang bag niyang inabot sa akin at sinunod ang sinab