Share

Chapter 14

Hindi ko alam kung saan sila nagpunta kaya matyaga ko siyang hinintay sa harap ng shawarma house dito banda sa exit. Nakaramdam ako ng gutom kaya nag order ako ng shawarma rice, may pera naman akong dala. Hindi ko siya tinext baka istorbo pa ako sa ginagawa nila kung gumagawa man sila ng milagro ngayon. Sa halip ng send ako ng picture ng grocery ko sa group chat naming tatlo.

SPOILED.

Caption ko sa picture na sinend ko. Online silang pareho ngunit hindi nila tiningnan ang mensahe ko. Napanguso ako na ibinaba ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagkain. Ilang minuto pa akong nakaupo, ubos ko na rin ang order ko pero waka parin si Emmanuel. Isang oras na ah. May plano pa ba siyang balikan ako dito? Kasama niya lang ang girlfriend niya kinalimutan na ako.

Matyaga ko siyang hinintay kahit namamanhid na ang puwet ko sa kakaupo ngunit dalawang oras na wala parin siya. Ubos na ang pasensya ko. Buntong hininga na tumayo ako at nagpasyahan nalang na maunang umuwi. Pakiramdam ko bumalik ang lagnat
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status