Share

Kabanata 006

After 2 months mula ng maging mag-on si Natalie at Sebastian ay dumating na din sa Pilipinas ang kaibigan/business partner ni Natalie na si Bella. Kaya naman nag-set kaagad sila ng day para makapag bonding sila. Masyado silang na busy sa kani-kanilang profession sa buhay. Ganun din si Natalie, halos 4 times a week na lang sila magkita ni Sebastian after work niya dahil sa pagka busy niya sa project nilang building na under sa construction firm nila sa Makati CIty ganun din sa pag-asikaso niya sa kanilang Town House project.

Sinama din ni Sebastian ang kanyang mga kaibigan na sila Adrian, Lucas, Aaron and Wesley. Aware ang mga ito sa kwento ng love story nila ni Natalie kaya naman alam nila na hindi alam ng dalaga ang true identity ng binata. Excited din ang mga ito ma-meet ang mga kaibigan ni Natalie.

Isa-isa na silang nagdatingan sa favorite hang out area nila Natalie. Ang dalaga na ang pumili ng magiging meeting place nila para naman komportable silang lahat habang nag-chill out. Hindi na din bago para sa grupo ni Sebastian ang lugar na iyon dahil ang Bar na iyon ang isa sa sikat na Disco Bar sa Thomas Morato na pag-ma-may- ari ng isang sikat na personalidad.

"hon! they're here na daw!" si Sebastian

Nahagip naman kaagad ng kanyang mata ang lugar na kinauupunan ng kanyang mga kaibigan dahil ka chat na niya ang mga ito bago pa sila pumasok sa Bar. Ng makarating sila ay agad siyang inin-troduce nito sa kanyang mga kaibigan bago pa man sila maupo.

"hi bro! this is Natalie my girlfriend." pagpapakilala ni Sebastian sa grupo nila. Nauna kasi ang mga ito sa kanilang meeting place. Isa-isa na rin naman ngpakilala ang kanyang mga kaibigan at inabot ng mga ito ang kanilang mga kamay upang magpakilala.

Hindi na din nagtagal ay nagsipagdatingan na din ang grupo ni Natalie.

Sinundo niya ang mga ito sa entrance door para mabilis silang mahanap . Dumadami na din kasi ang tao sa Bar dahil lumalalim na din ang gabi.

"sis behave kayo aah!" pagbibiro ni Natalie sa mga kaibigan.

"hahaha! syempre naman sis . we won't promise that! hahahahaha" mahar*t na sagot ng mga ito sa kanya.

"meron bang pogi sa friends niya?!" wika naman ni Bella sa kaibgan. "girl alam mo namang 6 months akong walang eme sa canada. Purgang purga na ko sa trabaho. hahaha" aniya pa nito

"by the way Bella, do you remember Mr. Adrian Lee?! one of the owner of SB Group of Company?" pagbibida ni Natalie sa kaibigan.

"Yes ofcourse ! ang hot kaya ni Sir Adrian!"

"haha actually, he is Sebastian friend. He is with us tonight"

sabay naman kinilig sila Bella at Kim . Dadil aware sila kung gaano ito kalakas ang dating.

Sinalubong na nga ni Sebastian ang grupo ni Natalie , nagpa-ka gentle man ito na umalalay sa kanyang girlfriend dahil alam niyang madaming lalaki ang lalapit dito dahil sa taglay nitong karisma. Kaya naman todo bakod siya sa kanyang girlfriend.

Bumati din siya sa mga kaibigan nito. Ng makabalik sila sa kanilang pwesto ay agad na niyang pinakilala sa mga kaibigan niya ang mga kaibigan ni Natalie. Agad namang naging swak ang mga ito sa isa't-isa dahil mula din naman sila sa mayayamang pamilya. Halos mutual naman ang mga taong napapag-usapan nila at nagiging topic. Masaya si Natalie sa nagiging resulta ng kanilang bonding. Dahil ito naman talaga ang purpose ng meet up na ginawa nila ng gabing iyon.

Nag-enjoy lang silang magkakaibigan ng mga oras na iyon. Madami na din silang na-oorder na nakapag-pa-tipsy na din sa kanila. Nagkakaasaran sila at nagkakatuksuhan. Naging komportable si Bella kay Aaron, ganoon din si Kim kay Wesley. Tila nagkakamabutihan sila kahit ito lang ang unang beses na nagkasama sama sila. Very loyal naman itong si Adrian sa kanyang fiance kaya naman ng gabing iyon ay full enjoyment lang ang habol niya. Si Lucas naman ay family man na kaya wala itong interes mag-entertain sa kahit na sinong babae.

Lumipas ang ilang oras at nagka-paalaman na silang uuwi. Sina Adrian at Lucas ay nagpaalam na sa kanilang lahat na mauna ng umuwi dahil may mga partner silang naghihintay sa kanila sa bahay. Sumunod na din naman ang mag-jowang Nicholai at Colton na umuwi. Samantalang si Bella na kakauwi lang galing canada ay may kilig factor pa kay Aaron at dala ng kanilang kalasingan ay nagpaalam si Aaron kay Natalie at Kim na sya na ang maghahatid kay Bella sa bahay nito.

Bumubulong naman itong si Bella sa kaniyang mga kaibigan na hayaan na itong si Aaron ang maghatid sa kanya dahil may plano silang mag short time. Tatawa-tawa na lang ang mga kaibigan nito dahil mula pa noon ito na talaga ang pinaka-wild sa kanilang grupo. Sumang-ayon na lang ang mga ito sa gusto ng kaibigan.

"hay naku Bella! yang mga ngitian mong ganyan kilalang-kilala ka na namin!" aniya ni Kim

"go ahead ! drive safe Aaron, Take good care of my friend!" nakangising biro ni Natalie sa mga ito.

"sis mauna na din ako! i'll go with Wesley, he will drop me on the condo!" pagpapaalam din nitong si Kim sa kanila.

Huli ng sumakay ng sasakyan sila Natalie at Sebastian. Tipsy na din sila sa dami ng kanilang nainom. Masaya silang nagku-kwentuhan sa loob ng sasakyan habang nagda-drive si Sebastian. Nakakapit ang kamay ni Natalie sa mga kamay ni Sebastian ng huminto ang sasakyan nito at napatitig siya sa kanyang boyfriend. Hindi naman nakapigil si Sebastian sa mga oras na iyon hinalikan na niya si Natalie sa labi.

"I love you Natalie!" malambing na wika ni Sebastian

"i love you too Sebastian!" ginantihan din naman ng halik ni Natalie si Sebastian, mainit ang naging palitan ng paghalik nila sa isa't-isa. Puno ito ng emosyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status