Sa mismong araw ng alis nila ay wala pa ring ideya sila Natalie sa lugar na kanilang pagbabakasyunan. Sinundo na din sila ni Sebastian. Pagdating nila sa airport in-assit sila ni Sebastian patungo sa Online check-in . Nananatili pa ring clueless itong si Natalie. Nakangiti naman si Sebastian sa kanya. Namilog ang mga mata ni Natalie ng iabot na ni Sebastian sa kanila ang lahat ng documents nila kasama ang passport at seat reservation nila. Nagulat siya ng makita niyang bukod sa naka- business class sila. Ang kanilang destinasyon ay sa United States of America. Ang kanilang departure area ay sa Beverly Hills. Nakaramdam siya ng matinding kaba sa kanyang dibdib dahil ito din kasi ang alam niyang lugar kung saan nakatira ang kanyang parents. Hindi naman sya nag-expect na makikita niya ang kanyang mga magulang dahil malaki naman ang Beverly Hills para mag krus ang kanilang mga landas. Masaya naman si Manang Luming isipin mo first time niya mag travel at sa Amerika kaagad ang kanyang de
Hindi din nakakapagtakang mabilis ang naging transaction nila sa pagitan ng immigration dahil pabalik balik na si Sebastian sa bansang iyon at kilala siya ng mga taga immigration dahil may contact din ang family nila sa head nito kaya naman no hustle ang naging pagpasok nila sa Amerika.Plinano talaga ni Sebastian na isama si Manang Luming, gusto kasi niyang i treat ito sa kabaitang binibigay kay Natalie. Wala siyang balak na gawin itong taga silbi sa kanila sa buong bakasyon nila. Sinama niya ito dahil nabalitaan niyang pangarap talaga ng matanda na makarating ng ibang bansa. Espesyal din ang pakay ni Sebastian sa pagpunta nila ng US kaya naman gusto niyang kasama ni Natalie ang espesyal na tao sa buhay nito.Tila bata naman itong si Natalie ng libutin ng kanyang mata ang buong bahay, nakakamangha talaga ito sa laki at ganda, hilig din kasi niya ang halaman. Kaya ng maiayos na nila ang kanilang gamit sa kanilang kwarto ay nag-aya itong maupo sa labas ng bakuran ng bahay na iyon. Mal
Nang matapos sila sa kanilang kainan ay hindi naman nakatiis itong si Manang Luming, tinulungan niya si Sheryl mag-intindi sa kusina. Sanay kasi ang matandang kumilos. Hinayaan naman ito ni Natalie sila ay nagbalik na sa kanilang silid. Ngunit bago nito ay sinabihan na niya ang matanda na magpahinga na din at bukas ay mag-iikot na sila sa Beverly Hills mall. Nakatulog na din kaagad si Natalie at Sebastian ng gabing iyon. Kinaumagahan ay nauna ng nagising si Manang Luming sa kanila at nakahanda na ito ng almusal para sa lahat. Hindi talaga maiaalis sa matanda ang kumilos dahil nakasanayan na niya ito. Pagkakain nila ng kanilang almusal ay gumayak na ang mga ito para bumyahe patungo sa mall. As usual si Mang Stefano ang nag drive para sa kanila. Ayaw kasing ipakita ni Sebastian na meron siyang lisensya sa Amerika baka makahalata na si Natalie sa kanya. Hindi masyadong brandy itong si Natalie, masaya na siya sa mga hindi gaanong kamahalan na gamit pero sofisticated na tignan. Kung saba
Naunang bumaba ng sala si Sebastian. Habang naghihintay ito sa dalawang kasama niya ay abala ito sa kanyang telepono. Meron siyang kausap na akala mo’y magnanakaw siya dahil silip siya ng silip kung pababa na ba itong si Natalie. Si Mang Stefano naman ay hinahanda na ang sasakyan na kanilang gagamitin. Bago nga tuluyang makababa si Natalie ay natapos na din ay naibaba na din nitong si Sebastian ang kanyang telepono, tapos na din kasi niyang kausapin ang nasa kabilang linya.“You stole my heart! My God Natalie. You look so stunning!” Natulala si Sebastian ng makita si Natalie. Ayun na lamang ang nasabi niya ng alalayan niya ito habang pababa ng hagdan. Nagmadali kasi siyang umakyat sa hagdan ng makita niya ang kanyang girlfriend.“Tse! Bola.” Nahihiyang pagtutol ni Natalie sa kanyang boyfriend. Kinikilig rin naman siya sa tuwing pinupuri siya ni Sebastian.“Kidding aside hon! Napakaganda mo tonight! Bagay na bagay sayo ang napili mong damit”“Mmm thank you kung ganun. Teka hon si Mana
Ang matandang babae ay hirap na maglakad, inaalalayan na ito ng isa din matandang lalaki. Kasabay naman nilang naglalakad ang isang mag-anak na kung titignan ay nasa mid-age pa. Mukhang mga professional ang mga ito sa tindig, at klase ng kanilang pananamit. Magaganda ang mga kasuotan nito, alam nila ang dress code sa lugar n aiyon. Makikita namang sophisticated at may pinag-aralan ang mga ito dahil sa kanilang kilos.Nakangiting sinalubong ni Sebastian ang mga ito. Magalang siyang nagpapakilala sa mga ito. Kilala na niya ang mga taong kaharap niya sa gabing iyon , sa tulong na din ng imbestigador na kanyang binayaran .Palagi kasi siyang sine-sendan ng mga picture nito sa email. Ang kanyang imbestigador ang kanyang kausap palagi sa email at ito din ang laging tinatawagan niya sa tuwing nagtatago siya kay Natalie upang makipag usap. Ito ang tinutukoy niyang boss niya kaya siya nabu-busy sa telepono. Samantalang ang taong kinawayan naman niya mula sa kabilang banda na kasama ng dalawang
ELIZABETHMixed emotion naman ang nararamdaman ni Elizabeth . Halos dekada na din kasi ng huling niyang makita ang kanilang anak na babae. Sinubsob na nila ang kanilang sarili sa pagtatrabaho, Hindi kasi nila matanggap noon na mas pinili ni Natalie na mag stay sa Pinas dahil gusto nitong makasama ang kanyang ex-boyfriend. Matinding kirot ang dinulot noon sa kanyang puso, ganun din sa kanyang asawa na walang ibang inisip kundi ibigay ang maganda at marangyang pamumuhay sa kanilang magkapatid.Habang sila ay naglalakad sa pasilyo ay nag-flashback naman sa kanyang alala ang pangyayari sa kanilang bahay isang araw bago sila tuluyang mag migrate sa Amerika. Abala na silang lahat mag-impake pati itong si Manang Luming ay abala din sa pag-iimpake ng mga gamit ng kanyang alaga, Malapit talaga itong si Natalie at Timothy kay Manang Luming nila dahil ito na halos ang nagpalaki sa mga bata. Ang buong akala namin nung una ay dahil sa hindi na namin maisasama si Manang Luming kaya ito nagmamakt
Sa loob ng VIP Lounge. Nakangiting pumasok si Sebastian. Agad naman binaba ni Natalie ang kanyang cellphone, ngumiti din ito sa binata. Masaya ang mukha niya dahil na din sa pangungulit ng kanyang mga kaibigan. Naupo na si Sebastian sa kanyang tabi.Nakatalikod sila sa pintuan ng VIP LOUNGE kaya naman hindi nila makikita kung sino ang pumapasok. Bumukas ulit ang pinto at nagulat si Natalie ng mula sa kanyang likuran ay may mga batang masayang nagkukulitan. Bahagya pa nitong kinapitan ang kanyang buhok.Nang humarap siya para tignan ang mga ito ay bumuhos na ang mga luha sa kanyang mga mata. Nagulat siya ng makita niya ang kanyang Mommy Elizabeth, Daddy Patrick at Kuya Timothy, hindi naman pamilyar sa kanya ang kasama ng kanyang kuya na babaeng sa tingin niya ay asawa nito at ang dalawang bata na kahawig niya. Ang cu-cute ng mga ito. Nakita niyang malaki ang itinanda ng itsura ng mga ito. Wala na kasi siyang picture man lang na nakikita mula sa mga ito magmula ng magpaiwan siya sa mga
"thank you Hon!" bulong ni Natalie kay Sebastian. Sobrang na-appreciate niya ang ginawa ng kanyang boyfriend. Ito ang matagal ng pinapangarap niyang mangyari. Ang makasabay ulit sa isang hapag ang kaniyang mga magulang at kuya. Bonus pa na kasama nito ang asawa at mga anak nito.Naupo naman itong si Natalie sa tabi ng kanyang Mommy at Daddy sobrang namiss niya ang mga ito. Naiintindihan naman ni Sebastian ang lanyang girlfriend, nagpaalam naman ito sa kanya bago ito umupo sa tabi ng mga magulang. Siya naman ay katabi ni Timothy. Masaya silang nagkukwentuhan at nagkasundo sila kaagad nito. Panay ang yakap ni Natalie sa kanyang mga magulang. Masaya naman ang dalawang matanda dahil makalipas ang mahigit sampung taon ay nakasama ulit nila ang anak. Panay pagpapasalamat ni Natalie kay Sebastian. "thank you!" bulong nito sa hangin habang nakatingin kay Sebastian. "anak kamusta ka naman sa Pinas?! ano ng pinagkaka-abalahan mo ngayon?" malambing na wika ng kanyang ina"mommy nakapag-patayo