"Hon! wear your comfortable clothes, sa office lang naman tayo pupunta ngayon."mahinahong sigaw ni Sebastian sa asawa habang naghihintay siya kay Natalie sa loob ng kanilang silid. Nagtataka kasi siya sa tagal nitong lumabas ng dressing area nila. "OK HON! palabas na din ako" sagot naman ni Natalie dito. Nahihirapan talaga siyang pumili ng kanyang susuotin. Dahil naalala niya ang sinabi ng kaniyang asawa na ipapakilala siya sa mga ka officemate nito. Syempre gusto din niyang maging presentable ang itsura pag pinakilala siya nito pero ayaw naman niyang maging over powerful ang kanyang damit. "Mauna na ko sa baba Hon! paandarin ko lang sasakyan para lumamig na" "Sige Hon! susunod na din ako kagad" Nang matapos si Natalie, hindi na niya naabutan ang asawa sa kanilang kwarto. Nag-hihintay na ito sa kanya sa kotse. Naabutan naman niya ang kanyang byenang babae na nagtsa-tsaa, nagpaalam na siya dito , Nagmamadali na din siya dahil traffic sa kanilang dadaanan, natakot siyang baka ma-l
"Hon?!" bulong ni Natalie sa asawa. Namumula na siya sa hiya."its ok Hon! i will explain to you later sa office ko!" Lahat na taong nasa loob ng conference room ay nagbigay ng malalaking ngiti sa kanilang labi. Binati pa sila ng mga ito. Tumayo ang mga ito para magbigay ng galang sa kanya."Nice meeting you Ms.Natalie!""Congratulations on your wedding Mr. and Mrs. Eduardo!""Hi Ms. Natalie pleasure to meet you." "Thank You!" kabi-kabilaang pagpapasalamat niya sa mga taong bumabati sa kanilaNaiilang man ay binati din ito ni Natalie ang mga ito ng pabalik. Isa-isa na ring pinakilala ni Sebastian ang mga tao sa loob. Tama ang kanyang hinala matataas na tao nga ang nasa loob ng conference room na iyon. Ang ilan dito ay mga share holders ng SB GROUP OF COMPANY, lahat ng mga head department ay present din sa oras na iyon. Kasama doon ang chief marketing office, chief human resources officer at chief financial officer. Hindi naman nagtagal ang naging pag-pupulong na yun at dinis-miss n
Tumayo na din si Natalie sa kanyang pagkakalingkis sa asawa. Niyaya na niya ito sa office na sinasabi niya para matignan na nila ito. Gusto niya rin naman makita ito dahil alam niyang kukulitin din siya ng kanyang asawa para mag stay doon. Isa pa ayaw niyang makaistorbo kay Sebastian dahil madami siyang nakitang trabaho na naka pending sa table nito."Mam! this way po!" sinamahan sila ni AllisonKatabi lang naman ito ng opisina ni Sebastian sa tingin niya ay may isang room lang ang pagitan nito sa office ng asawa. Nakapangiti naman si Natalie sa bumungad sa kanya ng buksan ni Allisona ang pintuan nito. "Sir! May kailangan pa po kayo?! !" tanong ng sekretary ni Sebastian "thank you Allison, i will call you if we need something. Paki-pa block muna ng schedule ko for today, assist ko muna si Natalie dito sa office niya.""ok Sir noted " umalis na din kaagad ito ng sabihin iyon ng kanyang amo. SInarado nito ang pinto ng office ni Natalie."Hon! napaka-ganda naman nito" wika ni Natalie.
Naunang umuwi si Natalie sa mansion ,madami kasing trabaho na dapat asikasuhin si Sebastian sa kanyang opisina. Hindi pa rin naman gaanong madilim kahit na mag alas-sais na ng gabi. Naabutan naman niyang nagkakasiyahan ang kaniyang mga in-laws sa veranda ng mansion, Present doon ang kaniyang byenang babae , si Cecile at ang hipag niyang si Celestine . Ang asawa ni Kuya Andrew ni Sebastian. Nag-i-snack ang mga ito sa veranda sa gilid ng pool side area. Magkakasama silang nakaupo sa ratan chair na matatagpuan sa may pool area ng mansion. Nakita ni Natalie kung gaano ka-close si Celestine sa mga in-laws niya, kung sabagay matagal na nitong nakakasama ang mga Eduardo kaya hindi na din nakakapagtaka. Nang mapansin siya ni Amanda ay agad siyang tinawag nito."Natalie, come over here! join us!" kaway nito sa kanya.Lumapit naman si Natalie para bumeso sa kanyang byenan at sa mga tao dito. Bumati din naman ito sa kanya."sige po mommy! mag-refresh lang po muna ko.""ok iha! no problem, hindi
Nagkasalubong si Celestine at Stephen ng bumaba ito ng sasakyan. Binati ito ni Celestine ngunit gaya ng kanyang inaasahan malamig ang naging tugon nito sa kanya. Agad itong pumasok sa loob ng mansion . Ni hindi man lang siya nito tinignan o kinibo. Animo'y nagsalita lang siya sa hangin."Arnulfo, pakibaba na lang mga gamit ko. Pakilagay na yan sa office ko." matigas ang pagkakasabi ni Stephen sa kanyang driver."ok sir!" "Stephen ! dumating ka na pala." humalik si Amanda sa kanyang asawa."hi Dad!" bati naman ni Valerie sa ama."Amanda, can you come to my office?!" seryoso nitong sabi sa asawa"Why Celestine is here?!." matapang na tanong nito kay Amanda."Dumalaw lang siya samin. Nagdala siya ng ginawa niyang Ube Cake." sagot naman ni Amanda dito"oh come on Amanda! alam nating lahat ang katarantad*han niyan. Ano gusto na naman niyang pag-awayin ang magkapatid?!" wika ni Stephen"Aba Stephen, masyado ka naman nag-o-overthink. Matagal ng panahon ang mga ngyari dati. Kalimutan mo na
Lahat sila ay hindi mapakali. Tahimik na nagmamaneho si Sebastian kahit naman kasi nakagawa ng malaking kasalanan sa kanya si Andrew ay kapatid niya pa rin niya ito. Close naman talaga sila ng kuya niya nung mga bata pa sila. Lahat ng meron ito ay meron din siya. Ito din ang naging protector niya nung kabataan niya ng na-bu-bully siya sa skul. Lahat ng umaaway sa kanya ay sinusugod nito at ang kanyang kuya Andrew ang nakikipag suntukan para sa kanya. Ito din ang kasangga niya at taga takip sa mga kalokohan niya dati. Kaya nasaktan siya ng mahuli niya ang kanyang live-in partner at ito na nagtatal*k sa kanilang kama pa mismo. Akala niya ay hindi na siya magkaka-pakielam dito pero ngayon ay kinakabahan din siya sa kung anong nangyari sa kapatid niya.Ng makarating sila sa tapat ng bahay nito ay pinayuhan niya ang kanyang ina at si Natalie na mag stay muna sa sasakyan ngunit nagpumilit si Amanda na sumama sa kanila hanggang sa loob. Para sa kaligtasan nila , nauna muna si Sebastian at t
Nilapitan agad ni Amanda si Celestine, lumapit din dito si Natalie na nakatayo sa gilid ni Sebastian. Dumating din sila Stephen, General Abner at ang Doktor na kaibigan nila. Pinaliwanag ng Doktor ang nangyari kay Celestine."Minor lang naman po ang naging sugat ng pasyente, kaya naman po sya hinimatay dahil sa naging damage nito sa lower part niya. We are very sorry to inform that it cause miscarriage for the patient. But to make sure we will need more examination and ultrasound." Saad ng Doktor sa kanila.“And one more thing. Your son needs to undergo rehab. He has mental issue problem. ““How long it takes po ang rehab?” Tanong ni Amanda sa Doktor“It takes 6 months only”"thank you dok." tugon naman ni Stephen dito.Umiiyak si Andrew sa gilid ng kanyang asawa. hawak niya pa rin ang isang kamay nito. Lumapit din si Amanda dito at umupo sa bandang balikat ni Celestine at niyakap ito. Naawa din dito si Natalie. Napakapit na lang siya sa braso ng kanyang asawa. Alam niya na sobrang s
Lumipas ang dalawang linggo tuluyan ng naghilom ang mga sugat ni Celestine. Maaga itong gumising at nagtungo sa kusina, kasama nitong naghanda ng almusal si Aiza ang isa pang kasambahay nila Sebastian. Nagluto sila ng omelet, hotdog, spam, sausage and fried rice. Isa-isa namang nagbabaan ang mga Eduardo. Nauna ng bumaba si Stephen at Amanda, kadalasan nagka-kape lang si Stephen sa umaga dahil laging nagmamadali ito sa pagpasok sa kanyang opisina samantalang si Amanda naman ay mahilig mag heavy breakfast dahil hindi na sya kumakain sa gabi."Aba Celestine ang dami mo namang hinanda." puna ni Stephen sa dami ng nakahain sa kanilang hapag."hindi naman po, nagising po kasi ako ng maaga kanina kaya nagpunta na po ako sa kusina. Tinulungan din naman po ako ni Aiza maghanda." humble na sagot nito sa byenang lalaki"Naku Tine, ayan ang namiss namin sayo. Pano na lang pag-umalis ka na wala na ulit ganito kadaming breakfast." paglalambing ni Amanda sa manugang.Ngumiti naman si Celestine na an