Si Charles naman ay nauna ng nagpaalam sa amin na babalik ng US para asikasuhin din ang kanyang mga negosyo. Madami na din kasi siyang na pending na gawain mula ng bumalik kami ng Pilipinas. "Natalie , sigurado kang kaya mo ng magpaiwan dito? kasi kung gusto mo mag-extend pa ako ng pag-stay ko dito sa Pilipinas hanggat maging maayos ka na muna!" sabi ni Charles sakin "ok lang Charles! kaya ko na ito. maraming salamat sa iyo, madami ka na ding napepending na trabaho ng dahil sa aming mag-iina." sagot ko naman dito "ano ka ba naman alam mo namang handa kong gawin ang lahat para sa inyo . Ikaw ee, hanggang ngayon si Sebastian pa rin . (pabiro nitong sabi na may halong laman.) hahahha. Joke lang. sige basta kung kakailanganin mo ng tulong ko andito lang ako palagi, tawagan mo lang ako." sabi pa nito sakin "MMM Charles diba napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na yan?!(malambing kong sabi). Si Sebastian pa rin ang tatay nila Lindsay at Joshua." sagot ko pa sa kanya "joke l
Binaba ko na ang tawag na mula kay Michelle. Nagka-halakhakan naman kami ni Colton ng marinig namin iyon. Natatawa ako kasi hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang magiging paglapit sa akin ni Kim para humingi ng tulong para maibangon ang Sta.Barbara. “Sis akalain mo yun pagdating ng oras ikaw pa din pala ang hihingan ng tulong ni Kim!? Hahaha “may pang aasar na sabi ni Colton “Haha sis to tell you frankly, alam kong darating ang araw na ito pero hindi ko inaasahan na magiging ganito kabilis ang paghingi niya ng tulong sa atin.” Sagot ko naman sa kanya “Ibig sabihin sis ganuon na talaga siya kadesperada. Hindi man lang siya naghintay ng months bago siya tumawag sa atin. Kawawang Kim.” Sabi pa ni Colton , napasandal ito sa kanyang inuupuan at napapailing sa kakatawa. “So anong plano mo ngayon?! Tutulungan mo siya?” Tanong pa niya sa akin. Sumandal din muna ako sa aking swivel chair. "nag-iisip pa ako sis, ayokong ganuon na lang kadaling ibigay ang aking pag-oo sa lahat ng paghih
Bumitiw na siya sa pagkakayapos sa akin at nagsimula na kaming magkamustahan . Umupo na siya sa tapat ng aking desk at nagpahatid ng kanyang mga luha. Ganun din ako, naiyak ako sa pagtatagpo naming iyon Makalipas ang higit na limang taon ngayon na lang ulit ako nakipag-usap sa mga dating tao sa aking buhay.Madami siyang nakuwentong panget na karanasan ng siya ay nasa Sta, Barbara pa magbuhat ng ako ay nawala."hindi ko inaasahan na magkikita pa tayong muli Mam Natalie!' sabi sakin ni Maria,"kahit ako Maria hindi ko inaakalang gugustuhin ko pang bumalik dito sa Pilipinas matapos ang lahat ng nangyaring mapapait na bagay sa akin." sagot ko dito"Mam, pasensya na po pero alam niyo po bang simula ng umalis ako yung asawa niyo si Sir Sebastian naging aburido, pati kompanya niya napabayaan na niya buti na nga lang po at inaalalayan siya ni Sir Adrian. " sabi nito sakin, malapit sa akin si Maria lahat ng lihim ko ay alam nito. Kaya hindi siya nangingilag na magkwento sakin tungkol sa mga g
Naging seryoso naman bigla ang mukha nitong si Maria. "Pero Natalie masaya ako at nalaman kong buhay ka. Lahat kami ang buong akala namin ay wala ka na. Tanging si Sebastian at kuya Timothy mo lang ang naniniwalang buhay ka pa." sabi nito sa akin"masaya din akong makita ka ulit, may mga ilang bagay lang akong gustong ayusin, kapag natapos ko na lahat ng ito magpapakita na ako sa lahat pati na kila mommy, aayusin ko din ang gusot naming mag-asawa lalo ngayong nalaman kong walang naging kasalanan sakin si Sebastian" sabi ko pa ditoSinimulan ko ng ilatag kay Maria lahat ng tunay kong pakay kung bakit ako napauwi dito sa Pinas."Maria alam mong hindi nakikipag-usap ang owner / CEO ng The Lighten-Er Corporation kahit kanino lalo na para lamang sa isang job interview" sabi ko dito"oo Natalie kaya nga nagulat ako ng malaman kong ang CEO mismo ang mag-interview sa akin, grabe ang kaba ko lalo na at hindi ka pa humaharap sakin." sagot nito sakin"Ngayon alam mo na ang dahilan sa pagtatago k
Lumabas na din ako at nagpaalam na kay Michelle matapos ang naging meeting namin ni Maria, pupuntahan ko pa kasi ang kambal dahil nakapangako na akong lalabas kami ngayong araw. Dinaanan ko na din sila Colton at Nicholai sa kanilang opisina, napagkasunduan na kasi naming sasama sila sakin mag shopping ngayong araw kasama ang mga bagets. Sabay-sabay na kaming pumunta sa parking lot naikwento ko sa kanila ang naging pagtatagpo namin ni Maria. Naikwento ko din sa mga ito ang ikinuwento sa akin ni Maria tungkol sa aking asawa at kay Kuya Timothy. Pagbaba naman namin ay naghihintay na sa amin ang aking driver at kasama na nito ang yaya ng kambal."sis , alam mo una pa lang naman talaga duda na ako sa sinasabi mo tungkol kay Sebastian, alam naman nating hindi talaga yan papatol kay Celestine, diba nga ilang beses na siyang nilandi niyan nung nasa mansyon ka pa nakatira. Saka knowing Sebastian at sa pagmamahal niya sayo, hindi ka nun kayang saktan. Hindi mo muna kasi kinausap ang asawa mo.
Nakita ko namang humahangos ng paghahabol sa dalawa ang kanilang yaya at ang driver namin, paniguradong nakaligtaan nila ang kambal na nakalabas na pala ang mga ito sa palaruan. Naiinis man ako pero wala akong magawa para pagalitan ang mga ito. "naku sir pasensya na po kayo sa mga alaga ko. Lumabas na pala sila, hindi pa kasi tapos ang oras ng kanilang paglalaro nainip na siguro ang kambal saka baka hinahanap na din nila nag kanilang mommy. " sabi naman nito "yaya diba kamukha siya ng daddy namin?! yung nasa picture ni mommy!" sabi pa ni Lindsay sa kanyang yaya "Naku ikaw talaga Lindsay kung ano-anong sinasabi mo, pasensya na po talaga kayo. tara na mapapagalitan ako ni Mommy niyo ee." sabi naman ng kanilang yaya "totoo kaya yaya ang sinasabi ni Lindsay, tignan mo kamukha ko siya." sabi naman ni Joshua Npapangiti naman si Sebastian sa sinasabi ng kambal. Makikita naman talaga sa mukha bi Joshua ang pinabatang Sebastian, at si Lindsay naman ay kamukhang kamukha ko Nakasilip naman
Makalipas ang dalawang araw habang ako ay nasa opisina ay hindi mawala sa isip ko ang nakita namin nila Nicholai sa loob ng restaurant. Hindi gagawin ni Celestine na makipag kaibigan sa taong nakasiping ni Sebastian. Kailangan malaman ko na ang katotohanan sa koneksyon nitong si Celestine sa babaeng nakasama sa kama ni Sebastian. Kung talagang magkakilala ang mga ito, iisa lang ang ibig sabihin nito, plinano nila na maabutan ko si Sebastian na may katabi ito sa kama para magalit ako dito at hiwalayan ko siya. Matindi na talaga ang pagkahibang nitong si Celestine. Umaabot na sa sukdulan ang kaya niyang gawin para lang makuha niya si Sebastian.Habang nagmumuni-muni pa ko sa stiwasyong iyon ay biglang dumating naman ang kambal. Hindi rin ito makalimot sa kanilang nakita nung nakaraang araw tungkol sa kanilang daddy Sebastian. Mabuti na lamang at hindi na ito nakapagtanong sa pangalan ng kambal at ganun din ang kambal. Mabuti at hindi pa nito nasabi ang pangalan ng kanilang ama. Kapag
"Kailangan kong pumunta sa burol ni mommy, kailangan ko siyang makita. huhuhu! Pupunta ako Colton!. Huhuhu" histerikal kong sabi. Humahagulgol ako sa kanilang lahat. Parang sumisikip ang dibdib ko hindi ako makahinga sa aking nalaman. “Ang sakit sakit, hindi na ako nakita ni mommy! Kaunting araw na lang handa na akong magpakita ulit sa kanila. Huhuhu! Lord bakit ngayon kaagad, Please Detective gusto kong pumunta, please !” Pakiusap ko sa kanya. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo Natalie, pero hinihingi ko sa iyo ang ilang araw pa, ilang araw na lang ang titiisin mo hindi ka pa maaring makita ng mga Eduardo. Hindi pa rin nahuhuli hanggang ngayon si Andrew pero may lead na ang mga pulis kung nasaan siya, isa pa hindi pa natin alam kung sino-sino pa ang mga kasabwat nila Kim at Andrew sa pagkuha sa iyo ng iyong kompanya, delikado kung makikita ka ng mga in-laws mo, alam mong pabor sila kay Celestine, maaring sabihin ng mga ito sa iyong mga kalaban kung mamamataan ka nila sa burol ng