Share

Kabanata 108

Maingat ang bawat pag hakbang namin ni Sebastian sa pag-akyat sa hagdan patungo sa silid laruan ng kambal. Nakasunod naman sa aming likuran si Editha dahil kalaro din ng kambal ang kanyang mga anak. Magmula ng manirahan na kami sa Pinas ay madalas ko ng pinapatulog dito sa bahay si Editha kasama ang kanyang mga anak dahil sa tuwing nadedestino ang kanyang asawa sa ibang lugar ay wala silang kasama sa liblib na bayan na kanilang tinitirhan.

Pinasadyaan ko na sila ng sarili nilang kwarto para komportable siya at ang mga anak niya sa tuwing sa bahay sila natutulog.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan kung nasan sila Lindsay at Joshua. Nakita kong abala ang dalawa sa kanilang paglalaro kasama ang mga anak ni Editha, ng tignan ko si Sebastian ay nakita kong napapaluha siya ng makita niya ang silid ng kambal dahil sa malalaking mga larawan namin na nasa loob ng silid na yun. Napatingin siya sakin ng may luha sa kanyang mga mata. Napabulong na lang siya sa akin sa hangin. "THANK YOU HON!"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status