Share

Chapter 85

CHAPTER 85

Nang maiwan naman sila Aira sa silid ay galit na binalingan ni Aira ang lalakeng hindi naman nya talaga kilala.

"Sino ka ba talaga ha? Bakit mo ginagawa eto? Hindi mo ba alam na nakakasira ka na ng buhay ng ibang tao? Anong dahilan mo bakit mo ginagawa eto?" sunod sunod na tanong ni Aira sa lalake at hindi na nya napigilan pa na paghahampasin eto. Hindi naman nagsasalita ang lalake at nanatiling tahimik pa rin.

"Magsalita ka. Anong relasyon mo sa anak ko? Bakit ka narito sa pamamahay ko?" sabat na ni Ramon.

"Pareho naman nating ginusto eto Aira diba? Bakit ngayon nagagalit ka sa akin," sabi ng lalake. Nanlaki naman ang mata ni Aira dahil sa sinabi ng lalake.

"Anong pinagsasabi mo dyan? Ni hindi nga kita kilala tapos sasabohin mong ginusto. Baliw ka ba?," sigaw pa ni Aira.

Napapahilot na lamang sa sintido nya si Ramon dahil imbes na magsaya sila ngayong kaarawan nya ay ganito pa ang nangyayare mabuti na lamang talaga at hindi sila naririnig ng mga nasa labas at tuloy pa rin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status