CelesteNagising ako na wala na sa aking tabi si Atticus, May nakita naman akong tatlong red roses sa aking bedside table, at may maliit pang card.'Good morning Love, Umalis na ako, Baka dumating si tita Carina, eat your breakfast. I was the one who prepared that, I love you' Agad na sumilay ang matamis kong ngiti, napatingin ako sa lamesa at doon ko nakita ang pagkain.***"Tito, Atticus did not come home last night," Rinig kong pagmamaktol ni Mia."Good morning Mom, Tito Alex," Humalik ako sa kanilang pisngi."What did you say Hija?" Naguguluhan na tanong ni Mommy. Agad akong inatake ng kaba."Hindi po umuwi kagabi si Atticus.""What, pero hindi ba magkasabay kayong umuwi kagabi anak?" Baling sa akin ni Mommy."Yes, Hija sinabi sa akin ng Tita Carina mo na dumating kagabi si Atticus, hindi ko alam kung bakit wala siya ngayong umaga." Napailing pang wika ni Tito."You! Sinungaling ka, i asked you if you saw Atticus last night diba, ang sinabi mo hindi, pero magkasama pala kayong umu
CelesteNarito kami sa isang Tea House, Sa labas ito ng aming Village."Kamusta kana, Hindi ba sumakit ang ulo mo?" Tanong ko habang humuhigop ng tsaa."Hindi naman, Maayos na 'ko." Ngiti nitong sagot."Ah.. Ce, tungkol sa nangyari kagabi.." Kumunot ang aking noo."Kagabi?" Pagkakaalala ko ay bagsak na siya sa kalasingan."Alam ko, natatandaan ko pa ang namagitan sa atin." Ano ba ang sinasabi niya. Hindi ko siya maintindihan.Napalingon ako sa pinto ng may pumasok na matipunong lalaki. Nakashades at naka cap ito."Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo Iggy." Nakita kong bumakas rin ang pagtataka sa kaniyang mga mata."Ce, Bakit ganyan ka kung umakto. Parang walang nangyari sa atin kagabi." Nanginginig ang aking mga kamay."last night, we had sex Celeste." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa katawan. Hindi naman dapat ako matakot dahil alam kong walang namagitan sa amin ni Iggy."Ano ba— Ahh!" Nabigla ako ng biglang may humablot kay Iggy, at sunod-sunod itong sinapak. Nakatulal
CelesteNagising ako dahil sa paghaplos ng aking mukha. Gano'n na lang gulat ko ng bumungad sa akin si Atticus. Ibang iba na ang aura ng kaniyang mukha ngayon. Agad akong bumangod."Good morning Love." Ngiti nito."Ah.. G-Good morning," Nabigla ako ng hinila ako nito at niyakap ng mahigpit."I'm really sorry, I'm sorry Love." Paulit ulit niyang sambit." Napangiti naman ako at hinimas himas ang kaniyang braso. Kumawala ito sa pagyakap sa akin at sinunggaban ako ng halik. Agad din akong kumalas. Gulat naman ang kaniyang mukha."Uhh...Hindi pa ako nakapag toothbrush, nakakahiya!" Sabay takbo patungon sa bathroom. Rinig ko pa ang malakas niyang tawa, habang ako ay paulit ulit na inaamoy ang aking hininga. Nakahinga naman ako ng maayos ng wala akong maamoy ba mabaho, pero kahit na, baka may namuo pa akong laway huhu..Narito kami ngayon sa restaurant. Sinabi kong umuwi na lang kami pero, ang sabi niya ay gusto niyang magusap kami."Kumain ka ng marami, alam kong gutom ka, hindi ka rin naka
Celeste"Babe!" Bungad ni Mia Bella ng makapasok kami. Nagulat ako ng yumakap ito kay Atticus, at akmang hahalikan. Mabuti na lang agad na kumalas ito."What the!" Pumula sa inis ang mukha nito."Saan kaba galing," Sabay baling niya sa akin. Naputol 'yun ng umalis sa harapan niya si Atticus."Wait!" Nabuntong-hininga ako at tumungo na sa aking kwarto.Nang matapos ako makapag linis ng katawan ay agad kong tinawagn si Lia.Ngunit nakailang ring na hindi parin nito sinasagot. Hinayaan ko na lang, siguro mamaya na lang ulit. Baka tulog pa siya. Pero gano'n na lang ang gulat ko ng may malakas na kumatok sa aking pintuan."Open the door!" Rinig kong sigaw ni Mia Bella."Anong—" Dire-diretso itong pumasok at nilibot ng tingin ang aking kwarto."Anong problema mo, Bakit gano' ka na lang kung kumatok." Hindi ko ma natago ang aking inis."Sobra sobra na ang inis ko sa'yong babae ka, Napapansin kong palaging na lang kayong sabay umuwi ni Atticus, gano'n na lang ba kayo ka-close huh!""Sinabay l
Celeste"Nagulat ka ba, matagal na tayong magkaibigan, kaya ramdam kong may namamagitan sa'nyo, mas lalo kong nasigurado ng banggitin iyon ni Iggy," hindi naman ako makpag salita. Hindi ko akalain na masasabi iyon ni Iggy kay Lia."Kaya... Parehas tayong sinunggaling, hmm.. Mas malala ka nga lang dahil pinatulan mo ang stepbrother." Nangilid ang aking luha."Ba-Bakit?..." kumunot naman ang kaniyang noo."Bakit ka nagkakaganyan Lia, nagkaibigan tayo, pero bakit bigla na lang nagbago ka, at t-totoo na.. May relasyon kami ni Atticus, pero panatag ako kung malaman mo dahil kaibigan kita, alam kong maiintindihan mo rin ako.""Ikaw ang nagbago Ce, simula ng makasama mo siya, hindi mo na iniintindi kung may masasaktan kang tao," Sabay tayo nito para umalis. Hindi ko na siya napigilan pa, dahil tulala lang ako sa kawalan.***Abala ang lahat, lalo na si Mommy na ngayon at kausap ang designer ng kaniyang gown. Natutuwa ako dahil nakikita ko kung gaano siya kasaya."Anak, halika tulungan mo ak
CelesteAlas tres na ng madaling araw ngunit hindi parin ako dalawin ng antok. Masyado akong nagaalala sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong bubungad sa akin bukas. Baka bigla na lang dumating rito si Mommy at sabihin na alam na nito ang namamagitan sa amin ni Atticus. Baka bigla akong paalisin ni tito Alex kapag nalaman nito ang tungkol sa amin ni Atticus, malaking kahihiyan iyon para sa kanilang pamilya.'Gosh! Anong gagawin ko, kung ano-ano na ang aking iniisip.'Bumangon ako sa kama at dahan dahan lumabas ng kwarto. Balak kong tumungo sa kwarto ni Atticus. Pinihit ko ang seradura ngunit nakalock ito. Ayaw ko namang kumatok dahil baka may makarinig. Napagdesisyunan kong bumalik na lamang sa kwarto. Ngunit agad ding napalingon ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan."Love?" Nagtataka nitong sambit, mukang nagising ko pa ata ito."Why are you still up?" Lumapit ito at niyakap ako sabay halik sa aking ulo. Agad akong lumayo sa kaniya."Why?" Luminga linga ako, baka may makahuli
CelestePagdating sa school ay pinauna ni Atticus si Mia, kahit pa nagwawala ito ay hindi na siya pinansin ni Atticus, hanggang sa wala na itong magawa pa kung hindi sumunod na lang."Psh." Irap ko sa kaniya."Bakit Love?" tataka niyang tanong."Wala, sige na papasok na 'ko.""Wait." Sabay hawak niya sa aking pisngi, akma niya akong hahalikan ng umiwas ako kaya sa pisngi ko tumama ang kaniyang labi."Love?" Aniya. Ngunit nakasimangot parin ako."Anong problema?""Hindi kaba nagigising ng kusa at kailangan ka pang gisingin ni Mia Bella." Inis kong saad. Bigla naman itong napangiti."You jealous again hmm.." Hindi naman ako umimik."Love," Tawag nito."Oo nagseselos ako, aba malay ko ba kung anong ginawa niyo o ginawa niya sa loob ng kwarto mo.""Hindi naman siya nakapasok sa kwarto ko, nasa labas lang siya ng pintuan okay." Natigilan ako at napatitig sa kaniya."Totoo?""Yeah, sa tingin mo papayag akong pumasok siya sa kwarto ko, ikaw lang ang nakakapasok ro'n, at wala ng iba pa," Napa
CesleteNauna na akong pumasok sa bahay, naiwan naman sa sasakyan si Atticus. Hindi pwedeng makitang magkasabay kaming muli umuwi, baka magtaka na si Mommy."Bakit hapon kana nakauwi anak?" Tanong ni Mommy."Marami lang pong dapat gawin sa school mom.""Sige, ipaghahanda kitang miryenda, ano ba ang gusto mo anak.""Kahit ano po Mom, akyat po muna ako." Ani ko.Nang makarating ako sa kwarto ay agad kong binaba ang aking bag."Malandi ka!" Sakto pagharap ko ay siyang pagdampi ng malakas na sampal sa aking mukha."Aah—" Hindi pa ako nakakatayo ng malakas pa niyang hinila ang aking na siyanh ikinatili ko sa sobrang sakit, pakiramdam ko napupunit ang aking anit."Ta-Tama na!" Pakiusap ko, nakakaramdam narin ako ng hilo."Napakalandi mo! Ang kapal mo para makipagrelasyon kay Atticus! Hindi kana nahiya, nakakadiri ka!" Sabay sampal niyang muli sa akin. Pero hindi ako nakaramdam ng sakit dahil sa pagkagulat.'Paanong... Paano niya nalaman.' Binalot ako ng kaba, dahil may nakaalam muli sa amin