CelesteIsang linggo na ang lumipas, naging maayos naman. Pansin ko lang ang pananahimik ni Mia, alam kong nasaktan siya sa kaniyang nalaman. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa kaniya dahil, hindi niya nagawang sabihin kay Mommh at tito Alex ang sikretong relasyon namin ni Atticus."Napakaganda mo po Mommy." Narito kami ngayon sa kaniyang kwarto. Kakatapos lang din nitong make-upan. Naiiyak ako sa tuwa, dahil bakas na bakas sa mukha ni Mom ang pagmamahal niya kay Tito Alex.Nakaraang araw ay bumisita kami sa puntod ni Daddy. Kinausap ito ni Mommy, alam kong kahit wala na si Dad, ay hindi parin ito nawawala sa puso ni Mommy."Salamat anak ko." Naiiyak niyang saad, agad akong lumipat sa kaniyang harapan."Huwag po kayong umiyak Mom, baka masira ang makeup niyo po." Ngiti kong wika."Hindi ko mapigilan anak, naalala ko no'ng ikasal kami ng Daddy mo, ganitong ganito rin ang aking pakiramdam. Napakasaya ko dahil natanggap mo si Alex, mahal ko si Alex anak, pero hindi ko makakalimutan
CelesteSabay kaming napalingon ni Manang ng marinig namin ang ungol ni Mom. Dahan dahn nitomg iminulat ang kaniyang mga mata. Agad akong lumapit sa kaniya."Mommy, Mom.." Sambit ko, lumapit narin si Manang nagpaalalalay sa kaniya si Mom para makaupo ito."Mom, mahiga muna kayo, baka hindi niyo pa kaya." Ani ko ngunit parang hindi niya ako narinig at patuloy lang ito sa pagbango, hanggang sa makaupo na ito ng tuluyan."Mommy, nag-alala po ako, maayos na po ba kayo? Anong nararamdaman niyo po?" Kinuha ko ang kaniyang kamay ngunit ikinagulat ko ang sunod na pangyayari. Hindi ko inaasahan na sasampalin ako ni Mommy. Gulat ako sa kaniyang tumingin."M-Mom.." Napapikit ito at huminga ng malalim, nakita ko rin kung paano manginig ang kaniyang mga kamay."Bakit Celeste.. Bakit!" Sigaw nito."Ganito ba ang itinuro ko sa'yo! H-Hindi ko akalain na magagawa mong makipagrelasyon kay Atticus, na kapatid mo!" Parang biglang sumikip ang dibdib ko, kung gano'n nalaman na ni Mom ang namamagitan sa ami
Celeste"Panigurado akong si Mia Bella ang may kagagawan ng lahat ng ito, siya ang kumuha ng Video sa atin." Ani ko."Pero love, nitong nakaraan lang nalaman ng babaeng iyon ang tungkol sa atin. Nang mga panahon na 'yan ay wala pa siyang alam sa namamagitan sa atin." Napaisip nga ako, Isang buwan narin lumipas ang naganap sa amin ni Atticus sa Dean office."Take a rest first, Love ako na ang bahala hmm..""Pero si Mom, kailangan kong bumalik sa hospital, gusto ko rin magpaliwanag kay Mommy.""Kasama mo ako Love, dalawa tayo ang magpapaliwanag kay tita Carina kaya mas mabuting makausap natin siya kapag nakauwi na siya. Sige na magpalit kana at magpahinga, Don't worry, everything will be fine.." At hinalikan niya ako sa noo ng madiin."I love you." Napatitig ako sa kaniya ng matagal at sinunggaban ko ito ng mahigpit na yakap. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon, takot, kaba, pagkabahala kung anong kakahantungan nito, pero kahit papaano ay nawawala iyon dahil sa ipinapakitang pagmamahal
CelesteAla sais ng umaga ay abala ako sa pagluluto ng umagahan. Pinilit ko pa si Manang na ako na ang magluluto, gusto ko kasing handaan si Mom, kahit alam kong malabong kausapin niya ako. Matapos ang kaganapan sa Opisina ni tito Alex ay buong mag hapon lang akong nagkulong sa aking kwarto.Kumuha narin ako ng bagong bulaklak para ilagay sa maliit na vase. Bitbit ko na ang tray habang patungo sa kwarto nila Mommy. Nang makarating ako, huminga ako ng malalim at tatlong beses kumatok, ngunit wala parin nagbubukas ng pinto. Ilang ulit akong kumatok pero wala parin ang nagbubukas sa akin ng pinto."M-Mom..""Mommy.. Handa na po ang agahan niyo." Napahinga ako ng malalim at na pagdesisyunan ko na umalis na lang. Malungkot akong bumalik sa kusina, kita ko pa ang pagsunod ng tingin sa akin ni Manang Mila."Lena, ikaw na ang mag-akyat ng almusal ni Ma'm Carina." Utos ni Manang."Aakyat na po ako." Ani ko, hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng pagkahilo."Kumain kana muna ng agahan." Ani man
CelesteNagising ako dahil sa naramdamang basa sa aking noo. Dahan dahan akong nagmulat. Natulala ako ng bumungad sa akin ang mukha ni... Iggy?Mas lalo ko pang iminulat ng mabuti ang aking mata, para tuluyang luminaw ang aking paningin. Hindi nga ako nananaginip, si Iggy ang nasa harapan ko ngayon. Mabilis akong napaupo, mabilis akong nakaramdam ng ginaw, at parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng makitang nakabra lamang ako, agad kong hinila ang kumot at binalot ng mabuti ang aking katawan."Anong... Anong ginagawa ko rito, bakit nandito ako." Naiiyak kong saad."'Wag kang mag-alala, wala akong ginawa sa'yo, pinalitan lang kita ng damit dahil basang basa ka." Kumunot ang aking noo."Nang mawalan ka ng malay ay binuhusan ka nila.""At dinala mo ako rito, bakit?" Agad itong umiwas at tumayo para lumabas."Sandali Iggy, niligtas mo ba ako? K-Kung gano'n maraming salamat, dahil hindi mo parin nalilimutan ang pagkakaibigan natin." Rinig ko ang malalim nitong paghinga."Kukunin ko lan
Third Person PoVMalakas na bumukas ang pintuan ng kwarto ni Iggy. Natigilan ito at gulat na gulat na tumambad sa kaniyang ang galit na galit na mukha ni Atticus.Parang biglang tinubuan ng sungay si Atticus ng maabutan ang nangyayari sa loob ng kwarto. Nakapatong si Iggy, habang wala ng saplot ang pangitaas na parte ni Celeste. Nanginginig ang kaniyang kamay, hindi narin nito napigilan ang paglandas ng kaniyang luha."Hayop ka!" Hinaltak niya si Iggy paalis sa ibabaw ni Celeste na hanggang ngayon ay tulala parin."Tangina ka! Papatayin kita!" Walang tigil ang pagsuntok na natatanggap nito mula kay Atticus. Napupuno narin ng dugo ang buong mukha ni Iggy. Hanggang sa lupaypay itong humandusay, basag narin ang mukha na naliligo na ngayon sa dugo."Hindi pa ako tapos," Sabay bunot ng baril ni Atticus. Dahan dahang itinaas ni Iggy ang kaniyang dalawang kamay, nakikiusap na huwag itong kitilin."Gusto pa kitang parusahan ng doble, triple at maraming beses, pero hindi ako makapaghintay na m
CelesteUnti-unti akong nagmulat, bumungad sa akin ang sinag ng araw. Nakadama ako ng pagkaugaw, dama ko rin ang panghihina at sakit ng aking katawan. Akma akong babangon ng makita si mommy na tulog sa aking gilid. Nakahawak pa siya sa aking kamay."M-Mommy?" Namamaos kong sambit. Agad naman itong nagising."Anak! Anak ko, gising kana sa wakas." Yakap niya sa akin ng mahigpit habang humagulgol sa iyak."Kamusta? May masakit ba sa'yo? Sabihin mo anak.""G-Gusto, ko po ng tu-tubig.." Dali-dali namang kumuha si Mom. Tunawag na rin ito ng doctor. Na aking ipinagtaka, mabilis kong inilibot ang tingin at do'n ko nalaman na narito ako sa hospital. "Uminom ka lang ng marami anak." Halos naubos ko ang dalawang basong tubig. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang aking pagkauhaw."Tatlong araw kang, walang malay, kaya malaki ang pasalamat ko sa diyos na ngayon ay gising kana." Hianakod hakod niya ang aking buhok.Mabilis na bumalik sa akin ang mga alala-ala. Ang pambubugbog sa akin sa cam
CelesteKinabukasan din ay nakalabas na ako ng hospital. Ayaw pa ni Mommy dahil hindi pa gaano naghihilom ang iba ko pang sugat, ngunit nagpumilit akong umuwi na dahil ayaw kong nahihirapan si Mom na magpabalik-balik sa hospital. Hindi naman nawala sa tabi ko si Atticus. Dama ko rin ang pagkailang ni Mommy tuwing makikita niya kaming magkasama."How are you Celeste? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" Bait baitang saad ni Mia Bella."Huwag mo nga akong kausapin na akala mo ay wala kang kasalanan." Tuwing naalala kong muntik ng mawala ang baby ko ay gustong gusto ko siyang sugurin. Sinabi na sa akin ni Atticus na si Mia Bella ang may kagagawan ng magpapakalat ng larawan namin ni Atticus. Siya rin ang nagutos sa mga alagad niya na bugbugin ako."Ha? Wala naman talaga akong kasalanan sa'yo, ikaw pa ang may kasalanan sakin dahil inagaw mo ang fiance ko.""Napaka ambisyosa mo, ni hindi ka nga nagustuhan ni Atticus, ikaw lang nagiisip na fiance mo siya, at una siyang naging akin." Kita ko ang