Share

CHAPTER 39

Celeste

Isang linggo na ang lumipas, naging maayos naman. Pansin ko lang ang pananahimik ni Mia, alam kong nasaktan siya sa kaniyang nalaman. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa kaniya dahil, hindi niya nagawang sabihin kay Mommh at tito Alex ang sikretong relasyon namin ni Atticus.

"Napakaganda mo po Mommy." Narito kami ngayon sa kaniyang kwarto. Kakatapos lang din nitong make-upan. Naiiyak ako sa tuwa, dahil bakas na bakas sa mukha ni Mom ang pagmamahal niya kay Tito Alex.

Nakaraang araw ay bumisita kami sa puntod ni Daddy. Kinausap ito ni Mommy, alam kong kahit wala na si Dad, ay hindi parin ito nawawala sa puso ni Mommy.

"Salamat anak ko." Naiiyak niyang saad, agad akong lumipat sa kaniyang harapan.

"Huwag po kayong umiyak Mom, baka masira ang makeup niyo po." Ngiti kong wika.

"Hindi ko mapigilan anak, naalala ko no'ng ikasal kami ng Daddy mo, ganitong ganito rin ang aking pakiramdam. Napakasaya ko dahil natanggap mo si Alex, mahal ko si Alex anak, pero hindi ko makakalimutan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status