[JEZRA] Petsa de peligro na pero wala atang balak dumalaw sakin ng antok. Gising ang diwa ko at enjoy pa ang utak ko sa pagiging dora the explorer. Naglalakbay din ito sa kaibahang, walang direksyun. Parang infinite loop na walang simula o wakas. Masyadong kumplikado, critical at mahirap matumpok anu bang nawawala o hinahanap.. Nais o hangad.. Paulit-ulit lang ito at hindi humihinto. Pagod ngunit ayaw papigil dahil hindi mahanap sa kanyang kamalayan ang kagustuhang magpahinga. Napatingin ako sa kalangitang matamlay. Ni wala man lang maski isang bituin. Sumimsim ako sa champagne glass na hawak ko. Nalasap ko ang pinag halong tamis at pait saking bibig—ang sarap...Dama ko ang bahagyang pag guhit ng tapang taglay nito sa lalamunan ko. Nanumbalik sa isipan at sistema ko ang kaninang pagtatalo namin ni Rara ng datnan niya ako sa sala, hawak ang annulment papers. "Sayang ang talino mo kapag pumirma ka sa mga yan!!" Iyon ang nagpalingon sa akin habang malayo ang isip. Sabi niya...
Patakbong lakad itong lumapit sa akin. "It's you..." At ang ikinabigla ko pa ay ang pag yakap niya ng mahigpit. Umabot hanggang tiyan ko ang ulo niya. Akmang tila lalapat ang mga palad ko roon pero hindi ko hinayaan. Matangkad ang bata.. Ilang taon na ba siya? Anong ginagawa niya sa labas ng pagka aga aga. "Huh?" Kasunod ng pangungunot ng noo ko ang pagtapos niya sa yakap para salubungin ang nagtatanong/nagtataka kong mga mata. "Ikaw lang pala.." Masungit na hayag naman ni Rara, ang Tita nito. Sinong mag aakalang kapatid pala ito ng ex ni Jezra. Wala akong naging reaction kundi katahimikan lang. Pakiramdam ko its just a waste of time and energy kung iintindihin ko pa ang naging panloloko din ng isang to sakin. Pinaikot nila kong lahat. Pinaglaruan ako ng mundo.. Nang universe.. Ganun ang pakiramdam ko.. Ang daya.. Sobrang daya.. Parang sa lahat ng masasakit na nangyari sa buhay ko nawalan ako ng say.. ng control.. Ang hiwalayan ng mga magulang ko na ang inakala kong dahilan ay
Naiintindihan ng utak ko na dala lang ng mahirap na sitwasyon ang mga nangyari sa nakaraan at hindi na yun mababalikan o maibabalik pa.Nangyari na ang mga nangyari. Tapos na kahit pa anong gawin ko o naming lahat. Ang puso ko na lang ang makakapag sabi kung kailan maghihilom ang sugat na dulot nito.Bilang isang ina, ng mga pagkakataong iyon, ginawa ni Jezra ang sa tingin niya ay dapat at kailangan. Nahiwalay siya sa kanyang anak at higit pa roon inakala pa niyang patay na to. Inisip na isang pabaya at walang kwenta siyang ina. Hindi ko magagawang ilagay ang paa ko sa sapatos ni Jezra dahil hindi pa naman ako naging ina. Marahil nga nawalan lang siya ng choice sa panggigipit ng ex niya at si Rara, tanging kapakanan ng kapatid ang umiral. Si Kenzo na nagmahal sa maling paraan?? Sa pagiging selfish niya nangyari ang masasakit na bagay. Sa pangalawang pagkakataon sarili pa rin. Nagawang magsisi sa lahat.. dahil ano? Nalalapit na siyang sunduin ni San Pedro? Napaka swerte at muli
[MAU] Kanina pa ako hindi mapakali dito sa kwarto ko. Nagdadalawang isip pa din ako kung tutupad ba akong pagbigyan ang batang yun.Yun na nga.. Si Renzo ang sadya ko pero balisa pa din ako dahil andun si Jezra. Malamang nanay niya yun. Isa pa yun naman talaga ang gusto ng bata. Ang magkita kami ng mommy niya. Para pasayahin si Jezra. Dahil nga lang ba talaga sa pakiusap ni Renzo o may parte sa akin na gusto ko din siyang makita? Napailing, pikit mata ako sa bagay na yun. That can't be. Sadya ko din ang annulment papers namin kaya ako pupunta. Para matapos na ang dapat natuldukan na. Ang pag upo ko sa kama ay agad ding sinundan ng pagtayo para magtungo ako sa closet ko. Nagtingin tingin ako ng susuotin. Wala akong mapili hanggang nailabas ko na ata lahat ng damit ko. Napakamot ako sa ulo ko na tila sumakit pa nga ata. Bakit ako nahihirapan sa simpleng pagpili lang ng isusuot sa pagpunta dun? "Come on! Mau! Malalate ka na!" Pagkausap, pangaral ko saking sarili. Nagtaas baba n
[3RD PERSON POV] Kasalukuyang inire ready ni Rara ang dining table, katuwang si Mau. Akma naman ang pagpasok ng dalawa nagbabangayan sa may living area. Nagsanhi ng ingay ang pagbukas ng main door, hindi kalayuan sa dining kaya nakuha nito ang atensyun ng dalawang abala lang kanina roon. "Mommy you are home!" Sigaw na may galak ni Renzo. Nagmula siya sa living room. Hindi naituloy na salubungin ang ina dahil may kasama itong bago sa kanyang paningin. "Andito na pala sila." Sambit ni Rara kasunod ang pagtigil sa kanyang ginagawa. Bahagya itong lumapit na siyang sinundan naman ni Mau. Nagkatinginan ang dalawang main character ng tagpong ito na animo'y binabasa ang kaloob looban ng bawat isa. "The hell she's doing here?" Tanong ni Jezra sa likod ng kanyang utak. Natagpi ang tingin niya sa babaeng hindi sumagi sa isip niyang dadatnan ngayong gabi sa kanilang bahay. Nasa kanan niya si Juno dala ang ibang gamit niya, habang siya naman okupado ang magkabilang kamay buhat ng bulaklak
Pwersahan siyang kumawala sa yakap saka hinarap ng buong tapang ang huli. "Then what taking you so long?" Natigilan si Jezra sa tanong ng hindi niya ito agad naunawaan. "Sign the papers I need para matapos na to." Buong diing binitawan niya. Napalunok si Jezra. Tila ba dinaanan din ng el niño ang kanyang lalamunan. Pakiramdam niya tumigil ang pag ikot ng kanyang mundo. Pilit niyang pinapa tatag ang kaloobang wag bumigay. "Ohh.. Anong problema?" Tarak sa kanyang dibdib, bawat salitang lumabas sa labi ni Mau. "..You'll do everything diba?!" Matatalim ang mga matang tinatapon sa kanya. "...Just grant what I want, Jezra." Nanatili siyang walang imik dahil sa oras na ibuka niya ang kanyang labi, walang dudang isang pag hikbi ang kakawala. "Ano?? Talk!! No! Puro ka lang pala salita! Kulang naman sa gawa. Tama??" Gusto ng tumulo ng mapapait niyang luha ngunit pinipigilan niya to sa abot ng makakaya. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan kay Mau. Sa kanyang isip, pinaninindigan niyang dap
Wala ng tao sa dining o kahit saang tanaw ng mata ng dalawa ng makabalik sila. 'Where the hell are they?!' Sa isip isip ni Mau. Hindi nawawala ang simangot sa mukha niya dahil napilitan itong mag paubaya sa nais ni Jezra. "Halika-" Humawak siya sa braso ni Mau. "Don't.." Na agad tinanggihan ng huli. "..touch me. Kaya ko!" Iritang boses nito."Tara sa kwarto ng makapag bihis ka." Pagpapatuloy ni Jezra. Nauna na siyang lumakad ng may lihim na pag ngiti sa labi dahil tagumpay siya sa unang hakbang ng kanyang mission. Ramdam naman niya ang pagsunod nito sa kanyang likuran kaya napuno ng kasiyahan ang kanyang kalooban dahil ngayong gabi isasa katuparan niya ang balak. Wala sa vocabulary niya ang maging desperada ngunit lahat handa siyang gawin para muling maging parte ng buhay ni Maureen. "Doon yung banyo." Sabi niya sa naka kunot pa din ang noong si Mau ng makapasok sila ng kwarto. Gumalaw ang mata niyang dumako sa tinuro ni Jezra tsaka walang imik na tumungo roon. Mabigat ang bawa
"Ano?!!" Buong diing nasabi ni Maureen. Kumuyom ang mga palad nitong nasa gilid niya. "What?!" Tila nayanig naman ang mundo ni Jezra.Ito ang mga salitang sabay na naibulilas ni Maureen at Jezra ng i-anunsyo ng mga magulang nila ang kanilang engagement sa pinag sabay na birthday party ng mga ito sa buong bisita. "This can't be happening!!" Nanggagalaiting sambit ni Jezra. Nanlilisik ang mga mata. Ngitngit ang kaloobang nilisan ang Mansion. Alam niyang masisira ang postura niya kapag nagtagal pa. Plano niyang kausapin na lang in private ang ina. Hindi kasi siya yung tipo ng taong kaya gumawa ng eksena sa harap ng mga taong wala namang ambag sa buhay niya. Si Maureen naman ay kabaliktaran nito. Lumapit siya agad sa kanyang ina ng bumaba ito ng stage. "Ma.. Ano to?? Anong kagaguhan to? Ma? Please... Tell me namali ako ng dinig." Nangingiyak na sambit niya. "You know that I have a girlfriend, diba? Ma naman.. Ang tagal na namin ni Margaux." Halos magpa padyak siya sa yamot. Wala siyan