Papasibol na ang liwanag nang magkarating ako sa Top Hill Park. Higit pala na mas maganda magtungo dito kapag mag-uumaga na dahil walang tao.
Umihip ang malamig na simoy ng hangin. Dinala nito ang ilang hibla ng aking buhok sa mukha ko kaya inipit ko ito sa likod ng aking tainga. Niyakap ko ang aking sarili nang muling umihip ang hangin.
Bumuntong hininga ako kasabay ng pagpikit. Napakapayapa ng aking pakiramdam. Para ba'ng wala akong kakaharapin na panibagong problema ngayong araw.
"Gutom ka na ba?" ang malambing na boses ng paborito kong tao ang nagpadilat ng aking mga mata.
Hindi pa ako makalingon sa kan'ya dahil abala itong itali ang aking buhok.
"Saan ka kumuha ng panali?" Hindi ako madalas magdala ng pang-ipit sa buhok.
"I have it inside my car." Napasimangot ako at lumingon sa kan'ya gamit ang matalim na tingin.
"Bakit mayroon ka n'yan? Kaninong babae 'yan?"
Sa halip na matakot sa reaksyon ko ay tumawa ito at muli akong
Kayumanggi ang kutis at may katamtamang laki ang pangangatawan ng babaeng nahuli ng mga pulis. Hindi ko man nakita ang itsura ng suspek na nagtangka sa aking buhay ay sigurado akong siya iyon, base na rin sa mga sugat na mayroon ito sa kamay."Nakipag-agawan ako ng kutsilyo sa kan'ya kaya sigurado ako na mayroon siyang sugat sa mga kamay," kwento ko sa pulis nang ipasalaysay nito sa akin ang nangyari.Matalim na tingin ang ipinukol sa akin ng babae na nakaposas na. Pamilyar ang kan'yang mukha ngunit hindi ko maalala kung saan ko ito nakita.Sa una'y itinatanggi niya ang ginawa sa akin ngunit hindi naglaon ay umamin rin ito."Sino ang nag-utos sa'yo? Si Veronica ba?" Malaki ang posibilidad na si Veronica nga ang nag-utos rin dito upang pagtangkaan ang buhay ko at kung totoo man iyon ay mabilis ang magiging proseso ng paghahanap dito at pagsampa ng kaso."Hindi mo na ba ako maalala?" tanong nito gamit ang matalim na mga titig at nangangalaiting boses
Hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng mga oras at araw sa dami ng mga bagay na inaasikaso namin sa kompanya at sa paghahanap ng hustisya para kay Mateo.Sa kabila ng pagiging abala, hindi pa rin ako pumapalya sa pagbisita sa kan'ya."Good news mahal, umamin na si Ligaya na tumatanggap siya ng pera mula kay Veronica simula ng mawalan siya ng trabaho. Sinisiraan din ako nito sa kan'ya kaya lalong tumindi ang galit niya sa akin. Kaya niya nagawang pagtangkaan ang buhay ko. Mayroon na tayong ebidensya laban sa kapatid mo." Hinawakan ko ang kan'yang kamay at minasahe.Hindi pa maiuugnay si Veronica sa nangyari kay Mateo ngunit makakatulong ang sinabi ni Ligaya upang mapalakas ang kaso na isasampa namin laban dito."Ikaw? Siguro ang layo na nang nilalakbay mo d'yan? Nag-e-enjoy ka ba? Well, let me tell, mas masaya dito. I apologize for being rude to you, but I promise to be kind and gentle to you once you open your eyes. Hindi na ako magpapa-bebe, gumisin
Nawala ang antok ko ng gabing iyon. Panay ang pagkwento ko kay Mateo ng mga masasayang pangyayari sa loob ng isang buwan niyang pagkaratay sa kama. Ito'y kahit pa nabanggit ko na iyon sa kan'ya noong wala pa siyang malay. Sa susunod ko na lamang ikwekwento ang nangyari sa akin ng nakaraan at kaganapan sa paghuli sa suspek na nagtangka sa kan'yang buhay, kapag magaling na siya.Mahinang mga tango ang isinasagot niya sa akin. May mga sandaling sinusubukan niyang magsalita at matiyaga ko siyang pinapatapos at iniintindi iyon. Hindi niya man maipakita sa mukha ang kagalakan ay alam kong masaya siya."I am sorry Mateo. Magpagaling ka na dahil pangako ko sa'yo babawi ako." Tumayo ako at hinagkan ang kan'yang noo.Inayos ko ang pagkakalagay ng kumot sa kan'yang katawan nang lamunin na siya ng antok. Epekto iyon ng gamot na itinurok sa kan'ya.Sumisibol na ang araw sa labas nang dapuan ako ng antok. Mayroon pa akong pasok sa trabaho ngunit hindi ko yata kayang iw
"Say Cas-san-dra. Cassandra." Ang pagtuturo kay Mateo ay parang pagtuturo sa batang nasa unang baitang sa eskwela.Mula sa pagbabasa hanggang sa pagsusulat ay tinutukan ko ito.Malaki ang ngiting pinagmasdan niya ang labi kong bumubuka habang sinasabi ang salitang nais kong ipabigkas sa kan'ya.Natutuwa akong makita ang ngiti niyang iyon. Sa loob ng mahigit isang buwan ay nagkakapaglabas na siya ng emosyon sa mukha. Naigagalaw niya na rin ang ilang parte ng kan'yang katawan at nakakapaglakad na nang mag-isa.Sa katunayan ay hindi na kami pinapabalik ng therapist niya sa ospital. Magaling na raw si Mateo.Tinakpan ko ng isang supot ng chichirya ang aking bibig, pagkatapos ay muling nagsalita."Say Cas-san-dra."Sumimangot siya at tinanggal iyon. Walang pag-aalangan niya akong pinatakan ng halik sa labi.Mabilis akong pinamulahan ng pisngi at lumingon sa paligid.Nasa pandalawahang lamesa kami, na mayroong maliit na
Malaki ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang diamond ring sa aking daliri.Naalala ko nang una akong ayain noon ni Mateo ng kasal. Wala siyang inihandang singsing para sa akin at kapwa pa kami walang saplot sa katawan, tila ba bigla niya lamang naisipan na itanong iyon at um-oo na din ako bilang pagsang-ayon.Regardless, it was all genuine emotion. Alam ko sa puso ko na totoo ang sayang naramdaman ko nang mga panahon na iyon.Subalit, mas panatag at mas masaya ako ngayon.Nagiging maayos na ang lahat sa aming buhay. Isa na lamang ang aming pinoproblema, si Veronica.Napagkasunduan namin na kapag nadakip at naipakulong na ang kan'yang kapatid ay saka na kami magpapakasal. Ayokong bumuo kami ng pamilya hanggang hindi ko nasisiguro ang kaligtasan namin."Baka matunaw 'yan." Pagbibiro ni Lesie nang pumasok ito sa aking opisina.Binigyan ko siya nang ngiti. Hindi na yata mawawala iyon sa aking mga labi."Maaga
Hindi ako pinatahimik ng senaryong nakita namin ni Mateo sa sementeryo ng ilang gabi. Subalit hindi niya ako pinabayaan at palaging ipinaparamdam sa akin na nasa tabi ko lamang siya.Matapos ang pag-iimbestiga ng mga pulis ay wala silang nakuhang matinong ebidensya na magtuturong si Veronica ang may gawa noon. Gayunpaman, ay pinaigting pa din ang paghahanap dito.Hindi na nasundan ang pananakot na iyon ngunit naging mas maingat pa din kami.Ang plano kong bumalik na sana sa sarili kong bahay ay hindi natuloy dahil sa nangyari.Si tatay ay nasa probinsya at binilinan ko itong doon muna manatili. Ayokong pati siya ay madamay sa kasamaang idinudulot sa amin ni Veronica.Lumipas ang sumunod na mga araw na hindi kami nagpaapekto sa ginawang pananakot at pagbabanta ni Veronica. Hatid at sundo pa din ako ni Mateo sa opisina pero nang nakaraan ay si Kuya Joel ang nagmaneho para sa akin dahil naging abala siya sa negosyo, bagay na naiintindihan ko."
We drove straight home after dinner. Mabagal lamang ang pagmamaneho ni Mateo dahil panay ang pagsagot nito ng mga tawag, kaya hindi ko napigilan ang pumikit. Dumilat lamang ako nang natahimik siya, subalit hindi niya pa man naibababa ang telepono ay isang panibagong tawag muli ang dumating.Kumunot ang kan’yang noo nang makita ang numero doon bago bumaling sa akin.Attorney Sheldon was calling him. Madalang na tumawag ito nang gabi sa kan’ya, maliban na lamang kung mahalagang bagay ang sasabihin nito.“Hello Sheldon, napatawag ka?”Inilagay niya sa loudspeaker ang telepono kaya naririnig ko ang ingay sa kabilang linya.“Where are you?” Humihingal ang boses nito.Tiningnan ako ni Mateo bago siya sumagot. “We’re heading home.”“Alright, keep your guards up. Kumikilos na naman si Veronica.”Humina ang pagmamaneho ni Mateo. Ako na ang sumagot kay Attorney. I know the
“Manang, nand’yan na po ba si Mateo?” tanong ko kay manang Dory nang salubungin niya ako sa pungad ng mansyon.“Wala pa hija,” sagot niya.Kagaya nang nagdaang mga araw ay malalim na ang gabi kung umuwi si Mateo. Hanggang ngayon ay pilit niya pa din na nilulutasan ang problemang kinakaharap ng kan’yang negosyo.Ang mga materyales na ipinadala sa kanila ay mababa ang kalidad taliwas sa nakasulat sa kontrata. Mariin na itinanggi ng supplier na sa kanila nagmula ang mga produkto. Kilala ang supplier ni Mateo na mayroong mga de-kalidad na materyales. Inimbestigahan ngayon ang pagkakaroon ng anomalya sa transaksyon.Kinuha ko ang aking cellphone. Mayroong mensahe doon si Mateo, ipinapaalam na pauwi na siya. Napangiti ako.“Ipaghahanda na kita ng hapunan.”Kahit na maraming ginagawa ang aking nobyo ay hindi pa din ito pumapalya na ipaalam sa akin kung nasaan na siya at kung ano ang kan’yang gin