Share

Chapter 11


Hindi ko inasahan na makakasabay namin mag-lunch ni Donna ang boss ko at si Nick. Paano ba naman kasi itong si Donna makakita lang ng gwapo bumibigay na. 

Nagulat ako nang mapansin ko ang pagpasok ng boss ko sa pintuan ng  fastfood chain kung nasaan kami ni Donna. Kasama niya pa rin ang lalaking kabute, napansin niya akong naktingin sa kanya kaya dire-diretso silang naglakad patungo sa table namin. 

"Hi, I'm Nick." Sabay lahad ng kamay kay Donna.

Parang naulit na ang scene na ito. yan din ang linya niya nang magpakilala siya sa akin. 

"Can we share with your table?" tanong niya.

"No." Mabilis kong tanggi.

Mabilis pinalo ni Donna ang balikat ko.

"Sure." Inirapan lang ako ng bakla.

Ano ba Donna?

"Thank you," sagot niya sa kaibigan ko habang nakangiti.

Akmang uupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko, kaya mabilis kong tawag sa boss ko.

"Sir, dito ka na umupo sa tabi ko." Offer ko sa boss ko na katayo sa tabi ni Nick.

"Okay." 

Mabuti na lang talaga at di siya tumangging maging human sheild ko. Minsan talaga ayos din ang boss ko nakikisama sa akin. 

"Ako na ang o-order ano gusto niyo, pero siyempre KKB ha." Pagvovolunteer ni Donna na agad ding tumayo.

"It's on me," sabi ng kabute habang nakangiti sa akin.

Anong nginingiti niya?

Kabute ang itatawag ko sa lalaking ito dahil bigla-biglang na lang siyang sumusulpot. 

"One piece Chicken with fries and Iced tea," sabi ko kay Donna at inabutan siya ng pambayad sa pagkain ko.

"I said it's on me," sabi ng kabute.

"Hindi ako nagpapalibre sa masamang tao," mariing sabi ko.

"Ayy, grabe ka girl ang harsh maka masamang tao ka naman diyan," patawa-tawang sabi ni Donna habang pinandidilatan ako ng mata.

"Why do I feel some hostility here," sabi ng kabute

Ngayon niya lang napansin na ayaw ko siyang makasama?

"Gusto mong maupo dito kaya mag-tiis k." Pagtataray ko sabay taas ng isang kilay.

"Okay Dear." Nakangising pag-sang-ayon niya, sabay ngiti.

Nakakabwisit talaga siya, Arabo ba siya? ang hilig niyang tawagin akong dear.

Sira

ulo

talaga tong kabuteng 'to ehh.

Pailing-iling lang si Donna wala pa ring ideya kung bakit ganito ko itrato ang kabute. Kinuha na lang niya ang inabot kong pera. Nag-sabi na rin ang dalawang kasama namin ng order nila, saka pumila sa counter si Donna. 

Inilabas ko ang cellphone ko at kinuha na rin ang earphones ko. Isinuot ko sa tenga ko at nagpatugtog ng malakas, ayaw kong makipag-usap sa kahit sino sa kanila. Akala ko matatahimik na ang buhay ko, nang mabigla na lamang may nag-text sa akin agad ko naman iyong binasa.

12:16

Unknown

Hi! 

Number lang iyon kaya di ako nag-abala na magreply. Muli na naman akong na kareceive ng text message.

Hi! Pansinin mo naman ako. 

Hindi ko pa rin iyon pinansin iyon.

Hi! Gabby Dear! 

Nang mabasa ko iyon ay agad akong napatingin sa kabuteng naka upo sa tapat ko. Ayun na naman ang ngisi niyang nakaka bwisit, pinandilatan ko lang siya ng mata.

Block number ka sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang number ko at wala na rin akong balak pang alamin. Nawalan na ako ng gana makinig ng music kaya tinanggal ko ang earphones at itinago sa bag ko kasama ng aking cellphone. Sakto din namang dumating si Donna dala ang tray ng  mga order namin. 

Itinuon ko ang atensiyon ko sa pagkain. Nagpaka-abala ako sa paglantak ng fries ko at nagpapanggap na lamang akong walang nakikita.

"Nick, friends ba kayo ni Sir Xavier," tanong ni Donna.

"No, we're not." Mabilis na tanggi ng boss ko.

Hindi ba talaga sila magkaibigan? Bakit parang close naman sila, sabay pa nga silang nagpunta rito para kumain. Mukhang di lang ako ang sumusuka sa kabuteng ito. 

"We just happened to know each other from the past," sabi pa ng boss ko.

"Bestfriends kami nung elementary," sabi naman ng kabute.

"You just assumed," sabi naman ng boss ko.

Kaya pala kahit papaano ay civil sila sa isa't-isa

"Ehh kayo, mag-ano kayo?" tanong naman ng kabute kay Donna.

"Kami ni Gabriela? bestfriends, alangan naman mag-jowa over my dead sexy beautiful body."  Maarteng sagot ng loka-loka kong kaibigan. Napailing na lang ako sa naging sagot niya. 

"So anong ginagawa mo dito, bakit kayo magkasama eh hindi naman kayo friends ni Sir Xavier?" tanong naman ni Donna.

"I happen to have some business here and paid him a visit," sagot ng kabute.

"Pero hindi lang 'yun ang dahilan." Habol pa nito.

Malamang may iba pang agenda ang kabuteng ito di siya mag aaksaya ng panaghon dito kung wala.

"It happened na dito rin pala nagtatrabho ang babaeng  ilang araw ko ring hinanap," sabi nito tsaka tumingin sa direksyon ko.

Ako ba ang tinutukoy niya? Bakit niya naman ako hinahanap, para asarin?

"Sino naman 'yon, bakit mo siya hinahanp may utang ba siya sayo?" tanong ni Donna na wala pa rin ka-ide-ideya. 

Pareho lang kami ng boss kong kumakain. Bahala kayong dalawa diyan mag-usap.

"She just punched me on the face," sagot ng kabuti at sumilay na naman ang ngiti sa labi niya.

"Cause you deserve it," sagot ng boss ko sa kanya. 

Di ko akalain na sasabihin iyon ng boss ko ngunit tama siya, dapat lang suntukin ang kabuteng ito.

"Kasalanan mo pala, ano ba kasing ginawa mo at sinuntok ka niya?" tanong ni Donna.

"I can't resist it, she's too cute. I kissed her, it was just a kiss. I don't know why she's making a fuss about it."

Just a kiss mo yang mukha

mo!

Napataas ng kilay si Donna at napatingin sa direksyon ko. Napangiti siya nang mapag dugtong-dugtong niya ang mga nangyari at nanilawan sa kung sino ang tinutukoy ng kabute.

"So Hinahanap mo siya para mag-sorry?" tanong ni Donna.

"Hindi, bakit ako magsosorry sa paghalik sa kanya. I'm not regretting what I did." Confident pa na sabi nito na parang walang kasalanan.

Lalo akong nabwisit sa kanya.

"Ehh bakit ka nandito at hinanp siya?" takang tanong ng bakla kong kaibigan.

"Secret, malalaman mo rin yun." Nakangiting sabi nito na parang may binabalak.

Tuluyan nang natapos ang pag-uusap nila at nagpatuloy sa pagkain. Natapos kaming kumain ng walang imikan. 

"Mauuna na ako," pagpapaalam ni Donna matapos niya kumain.

"Sabay na ako sa'yo," sabi ko naman.

Hinablot ko ang bag ko at handa ng tumayo nang pigilan ako ng boss ko.

"You can go, Gab will stay here," sabi nito.

"Okay," sagot ni Donna sa boss ko.

"See you next time," paalam ni Nick sa kanya.

"Sige, bye." Nagpatuloy na sa pag-alis si Donna. Tinanaw ko na lang ang likod niya hanggang sa hindi ko na siya makita. 

"You should go too," sabi ng boss ko sa kabuteng kasama namin.

"Ayaw dito lang ako." Parang batang sabi nito.

"You sure?" tanong sa kanya ng boss ko.

"Yepp." tipid na sagot nito.

"Okay, Ms. De Guzman let's take our leave." Utos ng boss.

Tumango ako bilang pag-sang-ayon sa kanya at tumayo na rin ako. Sabay kaming naglakad palabas roon at iniwang nag-iisa ang kabute. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa Elevator. Mabuti naman at di na sumunod ang kabute sa amin, matatahimik na ang buhay ko.

End of Chapter Eleven

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status