Share

Chapter 12

Maaga akong dumating sa office napansin ko ang pagkukumpulan ng mga office mates ko at nagbubulungan ng malakas.

Nagbulungan pa sila ehh dinig na dinig naman ang ingay nila.

Dinaanan ko lamang sila at pumasok ako sa office namin ng boss ko. Pagka-patong ko ng bag ko sa ibabaw ng desk ko ay lumabas siya ng working area niya at lumapit sa akin.

Ano

na

naman

kaya

ang

problema

nito?

"Have you heard the news?" tanong niya sa akin.

Napaisip ako kung anong balita ang tinutukoy niya.

"May nakawan bang naganap malapit sa office sir?" nagtatakang tanong ko.

Napailing siya, tila  may gusto siyang sabihin ngunit di niya masabi. Napakunot noo na lamang ako sa kinikilos niya.

Bumukas bigla ang pinto mula sa labas.

"Gabby Dear! Did you miss me?" Nanlaki ang mata ko nang marinig ko iyo.

Kung di ako nagkakamali isa lang ang taong tumatawag sa akin nun.

Pareho kaming napatingin ng boss ko sa kabuteng naglakad papalapit sa amin.

"Anong ginagawa mo dito?" di ko napigilang tumaas ang boses ko dahil sa pagka-bigla.

"You haven't told her yet?" tanong ni Nick sa boss ko.

I'm confusedanong

nangyayari? Bakit andito ang kbuteng ito, anong sasabihin sa akin ng boss ko?

"Told me what?" takang tanong ko sa kanila.

"We will be officemates, I'll be working with you dear." nakangiting sabi ni Nick.

"Ano?" sigaw ko, wala na akong pakeilam kung katabi ko ang boss ko.

Marahil ito ang dahilan ng pagbubulungan sa labas. What the hell is happening? Sinumpa ata ako ng isang ermitanyo para danasin ko ang kamalasang ito.

Wait! Di ako pwedeng basta lang pumayag sa set -up na ito. 

"You'll be working here? ano namang magiging trabaho mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Ano nga pala ulit ang position ko Xavier?" tanong niya sa boss ko.

"He will be taking your previous position, and you will need to turn over your work to him," paliwang ng boss ko.

"Ha!" sigaw ko.

"Silang, will please stop yelling." Halata ang inis sa boses ng boss ko dagdag pa ang pagtawag niya sa akin ng Silang.

Wala akong nagawa kundi ang manahimik na lang padabog akong nagpunta sa cubicle ko.

Ilang oras ang lumipas ay sumugod ako sa opisina ng boss ko.

"What's this?" tanong sa akin.

"Resignation Letter sir," sagot ko sa kanya.

"I know, but why?" tanong niya ulit.

Naka-upo siya sa kanyang swivel chair at ako naman ay nakaupo sa upuan sa harap ng desk niya.

Wala na akong maisip na solusyon, ayaw kong makasama ang Nick na yun sa trabaho. I just can't! 

"You're just being impulsive. No, I won't accept you're resignation." Seryosong sagot ng boss ko.

"You can't stop me sir." Pagtataas ko ng boses sa boss ko.

"Yes, I can." confident na sabi niya.

At paano

niya

naman ako pipigilan?

Napataas ako ng isang kilay dahil sa sinabi niya.

"I'm good at blackmailing," sabi niya.

"You're telling me that you'll stoop that low just to make me stay?" mapanuyang sabi ko.

"Yes, I've done silly things before. I won't mind doing another one." he smirked.

Dapat ba akong matuwa dahil gusto niya ako mag-stay o mainis because he thinks making me stay is a silly thing. 

"At paano mo naman 'yun gagwin?" tanong ko sa kanya.

"I'll tell everyone that you are flirting with me," sabi niya.

Natawa ako ng pilit dahil sa sinabi niya.

"As if they'll believe that," sagot ko sa kanya.

"They will if they see this." 

Inilabas niya ang phone niya at pinindot-pindot saka pinakita sa akin. Nag-play ang isang video kung saan kitang-kita ang pag-halik ko sa kanya ng mga sandaling lasing ako. Nabigla ako sa napanood. 

Pwede bang matunaw na lang ako na parang icecream or lamunin ng lupa. Nakakahiya!!!

"I took the CCTV video from the KTV bar, I have no idea that I'll be using it it in the future." Nakangiting sabi nito sa akin.

Bwisit kang impakto ka!

Di na ako nakapag-react dahil sa pinakita niya sa akin.

"I told you, i'm good at blackmailing." Di pa rin naaalis ang ngisi sa mukha niya.

"Ewan ko sayo sir! sarap mo ipa-barangay." Gigil na sabi ko sa kanya, saka padabog na lumabas ng working area niya.

Inaya ko ulit si Donna mag-lunch sa fastfood.

"What?" sigaw niya nang ikwento ang nangyari.

"H'wag ka ngang maingay, baka palabasin tayo ng guard sa ingay mo," suway ko kay Donna.

Madalas talaga ang O.A. niya mag react sa mga kinikwento ko.

"Hindi tayo palalabasin dito, regular costumer kaya tayo dito," sabi niya.

"Sa ganda kong 'to palalabasin tayo, asa," dugtong pa niya.

Napairap na lamang ako sa sinabi niya. GGSS na naman ang bakla.

"Paano niya nakuha yung video?" tanong niya sa akin.

"He have his ways, good at blackmailing nga daw siya." Inis na sabi ko at sak sumipsip sa aking iced tea.

"Asan ba siya? Gusto ko din makita 'yung video n'yo," sabi niya na tila kinikilig pa.

"Batukan kaya kita, kiligin ba naman." Inis na sabi ko.

"Gusto ko na mag-resign bakla, ayoko ko makasama si Nick. Yung boss ko kaya ko pang pakisamahan, pero siya di talaga." Nag-iinarteng sabi ko na kunwari ay nagtatantrums na bata.

"Ang arte mo! Ang swerte mo nga ehh, napapaligiran ka ng mga gwapong nilalang."

"Anong swerte ang sinasabi mo? Sinumpa mo nga siguro ako kaya ako minamalas," singhal ko sa kanya.

"Gaga! Ginawa pa akong mangkukulam nito." Irap niya sa akin.

"Anong gagawin ko bakla?" tanong ko sa kanya.

"Di pahirapan mo siya tutal ikaw naman ang boss ni Nick ngayon. Tapos pag nahihirapan na siya I'll be saving him from you." 

Langya naman 'tong si Donna, may hidden agenda pa talaga.

"Ewan ko sayo Donna."

Napa-iling na lang ako sa mga sinabi niya.

"Kaya mo yan, sa ating dalawa ikaw ang matalino remember? Makakaisip ka din ng dapat mong gawin." Seryosong sabi niya.

Kaibigan ba talaga kita?

"Sige bakla, lalarga na akez. Baka ma-late na ang beauty ko," paalam niya sa akin.

"Okay, gumora ka na" Pagtataboy ko sa kanya.

Nagpalipas lanag ako ng ilang minuto bago umalis at bumalik sa office.

Pagbalik ko sa office ay naka-upo na si Nick sa tabi ng desk ko.

"Gabby Dear, anong kinain mo for lunch? Hindi mo man lang ako hinintay para sabay tayo." Kunwari'y nagtatampo niyang sabi.

Lalo tuloy akong nabwisit sa kanya. Hindi naman kami close para yayain ko siyang mag-lunch.

"Pwede ba tigil-tigilin mo ang pag-tawag sa akin ng Gabby Dear, nakakairita, alam mo yun?" Inis na sabi ko.

"But it's cute. I heard girls like cute things," sabi niya sabay pungay ng mata niya.

"Cute mo mukha mo! Don't act cute we both no you're not. Kaya tigil-tigilan mo ako!" Pambabara ko sa kanya.

Bahala na talaga kung matanggal ako sa trabaho dahil sa pag-uugali ko. Mas maganda 'yun para hindi ko na sila makita ng boss ko.

"So you don't like it, when I act cute?" he smirked.

Nag-iba ang expression ng mukha niya.

Nabwisit na ata ang bata sa akin.

End of Chapter Twelve

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status