Share

Chapter 22.2: The Plan

NAKASUOT NG MALAKING shades at may hawak na digital camera ay sinundan ni Veron ng tingin si Mr. Casiño habang naglalakad papasok sa isang subdibisyon. Isa ito sa mga tapat na kakampi ni Mr. Thurn at ito ang unang natipuhan ni Veron na sundan. Kung sino ang pinakamalapit sa demonyo ay siyang uunahin niya.

Sa tapat ng isang malaking bahay sa loob ng mamahaling subdibisyon ay sinalubong ito ng isang batang-bata at sexy’ng babae. Inihanda ni Veron ang hawak na digital camera at itinutok sa dalawang target na ngayon ay naghahalikan na sa labas ng bahay.

Kasalukuyan siyang nasa loob ng kotseng ipinahiram ni Ynzo upang magamit niya sa pagsunod sa kaniyang target. Ipinagpapasalamat niyang tinted ang salamin ng sasakyan ni Ynzo kung kaya’t walang kaalam-alam ang mga ito na may kumukuha na ng litrato sa kanilang dalawa.

Matapos ang mainit na halikang pinagsaluhan ay nagpalinga-linga sa buong paligid ang dalawa at nang masigurong walang ibang tao na nak

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status