Share

Chapter 34.1: Trap

“PUWEDE BA, WIFEY, maupo ka muna? Kanina ka pa palakad-lakad diyan, e,” reklamo ni Ynzo dahil sa paglakad ni Veron ng paroon at parito.

“Kanina ko pa kasi hinihintay na tumawag ang demonyo. Magtatanghali na pero hindi pa rin siya tumatawag. Talaga bang nailagay mo sa bulsa niya ang papel na may contact number mo?” nagdududang tanong ni Veron.

Nakita niya rin naman ang eksenang iyon pero nag-aalala talaga siya dahil baka naiwala o naihulog iyon ni Mr. Thurn kung kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag.

Maya-maya lang ay tumunog ang telepono sa sala ng kanilang bahay. Halos takbuhin ni Veron iyon at dali-daling sinagot na ipinagtaka naman ni Ynzo.

“Hello?” she asked excitedly.

“Veron, Anak! May gagawin ka ba ngayon? Let’s go shopping!” kaagad na bungad ni Ginang Tolledo mula sa kabilang linya.

Bigla ay nanamlay ang buong mukha ng babae at bagsak ang mga balikat na napabuntong-hin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status