Share

Chapter 35.1: The Clash

HALOS PAGPAWISAN si Veron ng malapot nang masubok ang kakayahan ni Mr. Thurn. Bawat pagsuntok at pagsipa niya ay halos nasasalo ng matanda ngunit minsan ay sinuswerte rin siyang matamaan ito at ganoon rin si Veron. Mabuti at natauhan si Ynzo at kumuha ito ng pepper spray mula sa suot na bag at hindi inaasahang i-spray sa mga mata ng matanda. Nagpakawala kasi ang matanda ng isang malakas na suntok at nasalo ni Veron ang kamao nito, saktong nag-spray si Ynzo sa direksyon ng matanda na nagulat na napalingon sa kaniya.

Ang pepper spray kasi na iyon ay hindi ordinaryo lamang sapagkat kaya niyong makapag-spray kahit na dalawang metro man ang layo ng target.

Napahawak sa mga mata si Mr. Thurn at ninakaw nila ang pagkakataong iyon upang makatakbo palabas. Maya-maya lang ay nagsidatingan ang mga tauhan ng matanda na pawang mga nakaitim na suit. 

“Hulihin ninyo ang dalawang iyon! Patayin ninyo hanggat maaari!” nanggagalaiti sa galit na utos ni Mr. Thurn.

M

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status