Share

Chapter 40

KUMATOK MUNA NG tatlong beses si Veron Stacey sa labas ng pinto ng library bago binuksan ang pinto niyon. Nadungawan niya si Ynzo Abraham na abala sa pagbabasa ng santambak na papeles na nakasalansan sa ibabaw ng mesa nito at panay ang pagsulyap at pagtipa sa kaharap na computer.

“What do you need?” tanong ng lalaki na hindi man lang siya nagawang sulyapan o tapunan man lang ng tingin.

Bantulot naman na pumasok ng naturang silid si Veron at alanganing ngumiti.

“Busy ka ba?” tanong niya gayong alam naman niya ang sagot sa tanong niyang iyon.

Halata namang abala ang asawa sa trabaho nito. Mula nang ihirang na C.E.O ng kumpanya si Ynzo ay naging abala na ito sa pamamalakad ng family company ng mga ito. Bihira na nga silang magka-oras sa isa’t isa ngayon dahil abala rin siya sa pag-alam ng tunay na sitwasyon ni Mr. Thurn matapos ang kabiguan nito sa buhay. Wala na siyang ibang naging balita pa patungkol sa naturang matanda. Bukod doon ay naging abala rin siya sa pakikipag-usap sa kasin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status