Share

Chapter 44.2

ILANG ARAW NA ginulo si Veron ng isiping iyon. Natatakot siya na baka magbago ang sariling nararamdaman. Naging malimit na rin ang komunikasyon nila ng kasintahang si Skyler. Humingi ito ng tawad dahil magiging abala na raw ito sa family business ng mga ito. Gaya ni Ynzo ay abala na rin ang kasintahan at magiging madalang na rin ang komunikasyon nilang dalawa. Nakaramdam ng lungkot si Veron hinggil sa bagay na iyon. Nasasaktan siya at bago lang ang damdaming iyon sa kaniya. Noon pa man ay ganoon na rin naman sila ni Skyler sa isa’t isa ngunit ni isang beses ay hindi nila naisipang hiwalayan ang isa’t isa. Masyado nilang nilawakan ang pang-unawa sa isa’t isa at inisip na pareho silang may pagkukulang. Pero bakit ngayon ay tila ba naghahanap siya ng higit pa roon? Bakit nasasaktan na siya tuwing walang oras sa kaniya ang kasintahan? Alam niyang mali ngunit hindi niya maiwasang magduda kay Skyler.

Pero sa kabilang banda ay napag-isip isip niya. Si Skyler nga ba ang may problema o siya? B
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status