Share

Chapter 45.2

PAKANTA-KANTA PA SI Veron habang nagluluto ng putaheng ihahatid kay Ynzo para sa tanghalian. Ewan ba niya at ang gaan-gaan ng pakiramdam niya ngayon. Nasasanay na siyang ipagluto ang asawa para sa tanghalian nito at araw-araw na niyang naging routine ang pagluluto at pag-aasikaso ng bahay. Tila ba isa na siyang totoo at dakilang house wife sa lagay niyang iyon.

Sakay ng sasakyan ni Ynzo ay hinatiran niya ng tanghalian ang asawa. Halos lakad-takbo na ang ginawa niya dahil na-late na siya ng kaunti para sa oras ng tanghalian ng asawa. Paniguradong nagugutom na iyon dahil nalibang siya sa pagbabad ng katawan sa shower kanina. Nakapag-relax siya ng kaunting oras habang naliligo.

Binati si Veron ng mga manggagawang nakakasalubong niya sa pasilyo ng naturang gusali. Ngunit pakiramdam ni Veron ay may kakaiba sa bawat kilos at tingin ng mga nakakasalubong niya.

“Di hamak naman na mas maganda at sexy si Ma’am kumpara sa kaniya.”

“Oo nga. Pero nakita niyo ba kung paano niya titigan si Sir? Para
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status