Share

Chapter 49.2

“YNZO BABY, PLEASE let’s talk!” pangungulit ng malanding impakta sa labas ng bahay ng mag-asawang Ynzo at Veron.

Halos tatlong araw ring hindi pumasok sa opisina si Ynzo dahil sa pagkahilig nito kay Veron. Walang ibang ginawa si Ynzo kundi ang pahigain ang asawa at haplusin ang tiyan nito. Tila ba naadik na si Ynzo sa pag-alon ng tiyan ni Veron. Halos maubos ang oras ng lalaki sa pagkausap sa munting anghel sa sinapupunan ng asawang babae na tila ba totoong may sanggol sa tiyan nito.

Kaya naman gano’n na lang ang pagtawag at paghahanap dito ni Anika. Halos araw-araw itong bumibisita sa bahay nila at tila ba eskandalosang kabit na panay ang pagsisigaw sa labas ng kanilang gate.

“Nand’yan na naman ang baliw mong secretary,” nakataas ang kilay na untag ni Veron sa asawa.

“Hayaan mo lang siya diyan, magsasawa rin ’yan,” tila balewala lang na tugon ni Ynzo at muling ngumiti sa kaniyang tiyan na para bang nakikita rin ng sanggol sa loob ang reaksyon nito.

“Para kang baliw diyan. Sige na,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status