Share

Chapter 52.2

Kanina pa nagtitimpi si Veron. Sa dinami-dami ng masasakit na salitang binitiwan ng matanda ay wala siyang nagawa kundi ang pakinggan lamang iyon. Kumukulo ang dugo niya at nais nang paulanan ng bala ang katawan ng matanda ngunit kailangan nilang mag-ingat lalo na ngayong halos nakatutok sa kanila ni Ynzo ang lahat ng nguso ng baril na hawak ng mga tauhan ni Mr. Thurn. Kaunting galaw lang ay maaari silang maligo sa sarili nilang mga dugo.

Sinenyasan ang mga ito ng matanda na ibaba ang mga armas at baril na hawak ng mga kalalakihang nakasuot ng purong itim na suit.

“Hayaan niyo siyang magalit sa akin ngayon,” utos ni Mr. Thurn at muling humalakhak. Napipilitang ibinaba ng mga tauhan ang kanilang mga armas ngunit nanatiling mailap ang atensyon at pakiramdam ng mga ito kung sakali man na kumilos sila ng hindi kanais-nais sa harapan ng mga ito. Umiling-iling si Mr. Thurn. “Sayang ka pa naman, Ynzo. Kung sana ay ginagamit mo ang utak mo. Dito ka pa nagpakasal sa babaeng wala man lang maiha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status