Share

Chapter 57.1

“HALINA KAYO AT saluhan ninyo ako,” pag-imbita ni Veron sa mga katulong na nagbabantay sa kaniya.

Nagluto ang mga tagapagsilbi ng napakaraming putahe at talagang naiinip siyang kumain nang mag-isa. Gulat na nagkatinginan sa isa’t isa ang mga ito.

Binigyan sila ni Veron ng matamis na ngiti. “Boring naman kumain ng mag-isa. Hali kayo at saluhan niyo ako. Wala namang masama. Ayaw ko lang kumain nang nag-iisa.”

Nang hindi pa rin kumikibo ang mga tagapagsilbi ay naglungkot-lungkutan si Veron. “Okay, hindi na lang ako kakain. Kahit na umuwi pa ang asawa ko, hindi na ako kakain.”

Akma siyang tatayo na sa upuang kaharap ng hapag-kainan nang magpulasan papalapit ang mga tagapagsilbi at isa-isang nagsiupo sa mga upuang naroroon.

“Naku, Ma’am. Kakain na po kami, basta kakain ka rin po ng madami,” wika ng isa sa mga tagapagsilbi.

Napangiti siya ng malawak at kaagad na lumingon sa labas.

“Oh, ano pa’ng hinihintay ninyo? Yayain ni’yo ring kumain ang iba. Mas masaya kung marami tayo at sama-sama,”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status