Share

Chapter 61.1

“HEY! KUMUSTA ANG meet up? Ano ang ganap?” bungad na tanong ni Ynzo nang umuwi si Veron.

Hindi alam ni Veron kung matutuwa ba siya o malulungkot dahil sa pagkikita nilang iyon ni Skyler. Wala man lang itong binitiwan na masasakit na salita sa kaniya at halos ito na ang nagbukas ng saloobin at hindi siya. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng sundot ng konsensiya dahil sa kabutihan ng dating kasintahan. Ngayon ay tapos na ang ugnayan at relasyon nilang dalawa ni Skyler, dapat lang na maging masaya siya sa piling ni Ynzo. Pero dahil sa ginawa ng dating kasintahan, para bang nahihiya na siya kay Ynzo ngayon. Hindi niya maintindihan ang sarili. Lumilipad ang isip niya patungo sa kinaroroonan ni Skyler ngayon.

At nang dahil na rin sa pangungulit ni Ynzo ay kinuwento dito ni Veron ang lahat ng naganap sa pagkikita nila ni Skyler. Lahat ng ginawa nila ay nasabi niya maliban sa isa...

“For old time sake, can I have a one last favor, Babe?” bigla ay tanong ni Skyler sa kaniya na ikinangiti ni Veron.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status