Share

Chapter 61.2

“A hearing device.”

Nagulat si Ynzo sa sinabi niya at napaisip siya. Paano nagkaroon ng hearing device sa katawan niya? Wala siyang ibang nakasama sa buong maghapon kundi si Ynzo lang at si Skyler. Bakit magkakaroon siya no’n?

“Huh? Bakit ibang-iba ang hitsura no’n sa hearing device na ginamit natin noon?” bigla ay tanong ni Ynzo.

Nilukob ng kaba ang dibdib ni Veron. Muli niyang inisip kung ano ang hitsura ng hearing device na iyon at iisang tao lang ang alam niyang may ganoong klase ng device pero imposibleng makalapit sa kaniya ang taong iyon.

Napatitig siya kay Ynzo. May inililihim ba ito sa kaniya?

HALOS MAGKASALUBONG ANG mga kilay ni Mr. Thurn nang makita ang resulta ng buwanang antas ng kumpanya. Nananatili pa rin sa pinakamababa ang antas nito at ngayon nga ay nag-iinit na naman ang kaniyang ulo. Sa dinami-dami ng mga taong nais kumalaban sa kaniya, sino ang dapat niyang tutukan na siyang tuta ng Solomon Ace Nazareno na iyon?

Walang ibang sumasalo sa mga sinuka niyang empleya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status