Share

Chapter 65

“SALAMAT SA DIYOS at nagising rin ang ating bida!” Umalingawngaw ang tinig ni Mr. Thurn sa pandinig ni Veron nang magkamalay siya. Kasunod niyon ay sinundan nito ng sunod-sunod na pagpalakpak ang sinabi na tila ba nasa gitna ito ng isang palatuntunan.

Inilibot ni Veron ang paningin at kaagad na nakita ang sarili na nakagapos ang mga kamay at paa sa isang kadenang bakal. Nasa gayunding sitwasyon si Ynzo na nasa di-kalayuan lang, wala rin itong malay na nakasalampak sa sahig. Maya-maya lang ay tila ba naalimpungatan rin si Ynzo at unti-unting idinilat ang mga mata upang magkamalay. Pilit na rin nitong inaalis ang sarili mula sa pagkakagapos sa kadenang bakal.

“Wala na kayong magagawa, lovebirds! Kahit na anong gawin ninyo ay mamamatay lang din kayo pagkatapos nito!” humahalakhak na sigaw ng demonyong matanda.

Halos mapuno ng usok ang kinatatayuan nito gawa ng tabakong binubuga nito maya’t maya. Halos maubo pa ang matanda dahil sa ginawang pagtawa at malulon ang usok na hinihithit nito.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Shah
bakit feeling ko ito yubg ex niya? ang sakit naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status