Share

Chapter 67

HINDI ALAM NI Veron kung saan nagmumula ang galit ni Agent Blue nang mga oras na iyon. Tila ba sinapian ito ng isang demonyo na bigla na lang nag-alboroto sa harapan niya.

Samantala ay abot tainga naman ang pagkakangiti ni Mr. Thurn habang nakaangat ang noo na nakamasid sa pamangkin. Tila ba ipinagmamalaki nito ang ipinapakitang kademonyohan ng lalaki.

“Ang lalaking iyan ang sumira ng lahat ng plano! Lahat-lahat ng plano namin ay nasira magmula nang makilala mo ang gag*ng ’yan!” pagpapatuloy ni Agent Blue.

Kataka-takang wala man lang naging reaksyon si Ynzo hinggil sa mga pinagsasabi ng lalaking nakasuot ng maskara. Tanging lihim na pagtagis lamang ng kaniyang mga bagang ang nagagawa ni Ynzo habang matamang nakikinig sa lalaki.

“Bakit, may karapatan ka bang pigilan ako? Wala naman, ’di ba?” tanging nasabi lang ni Veron habang matamang pinagmamasdan ang lalaki.

Sa wakas ay humarap din ito sa direksyon niya. Ngunit hindi pa rin niya makita ang kabuuan ng hitsura nito. Maging ang mg
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Shaira
aw si ex nya yun... ang sakit sa part no Veron...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status