Share

Chapter 62.2

“Huwag lang siyang magkakamaling saktan si Mom dahil ako mismo ang magpapaulan ng bala sa katawan ng hay*p na ’yon!” nanggagalaiti sa galit na bulalas ni Ynzo.

Nabigla naman si Veron nang makita ang nag-aapoy na mga mata ng asawa. Ngayon niya lang ulit nakita ang nag-aapoy na mga mata ni Ynzo matapos ang gabing iyon na kumain sila kasama ang matanda. Ngayon lang ulit nagalit ng ganoon si Ynzo. Halos magsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Pakiramdam ni Veron ay nakatatakot na galitin ang asawa anumang oras.

“I hope so, Son. Sana lang ay huwag nilang saktan ang mommy ninyo dahil ako mismo ang maghahatid sa kaniya sa impyerno,” nagtatagis ang mga bagang na bulalas ni Ginoong Tolledo na ikinabigla ni Veron.

Kung si Ynzo ay katakot-takot na ang hitsura kapag nagagalit, mas katakot-takot at makapanindig balahibo ang awra ng ama nito. Nang tingnan niya ang mag-ama ay tila ba nais na rin niyang mahawa sa mga ito. Ngayon pa nga lang ay nag-iinit na ang buo niyang katawan sa labis na ga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status