Share

Chapter 63.1

NAGKATINGINAN SINA Ynzo Abraham, Veron Stacey at Ginoong Tolledo nang biglang tumunog ang telepono sa munting sala ng bahay ng mag-asawa. Ramdam na nila kung sino man ang tumatawag sa mga oras na iyon.

Napatayo silang tatlo at halos mag-unahang lumapit sa tumutunog na telepono. Akmang kukuhanin na iyon ni Ginoong Tolledo ngunit nauna si Ynzo sa paghablot sa naturang aparato.

“Hello?” bungad na tanong ng asawang lalaki.

Sa halip na tumugon ay isang nakabibinging halakhak ang bumungad sa pandinig ni Ynzo. Naikuyom niya ang kamao at halos magtagis ang kaniyang mga bagang sa labis na galit na nararamdaman. Ang halakhak na iyon. Sino nga ba ang hindi makalilimot sa klase ng pagtawa nito? Huli niyang narinig ang ganoong klase ng pagtawa noong mangyari ang trahedya sa kaniyang asawa at sa sana ay magiging anak nila.

“Mr. Thurn...” tugon ni Ynzo. Hindi na kailangan pang itanong kung sino iyon. Sa tono pa lang ng pagtawa nito na tila ba pang-demonyong nasusunog sa impyerno ay alam na ng kahit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status