Share

Chapter 62.1

“YEAH, I LIKE this one,” anang amiga ni Ginang Annalisa Tolledo habang nag-s-shopping sila sa isang mall.

Walang nagawa ang ginang nang yayain ito ng isang kaibigan na mamili at mag-shopping. Kauuwi lang kasi nito galing Switzerland at siya ang pinagkaabalahang yayain upang mamili.

Hindi na nga niya nagawang magpaalam sa asawang si Ginoong Rodrigo dahil sa pagmamadali. Ang akala niyang pamamasyal lang ay nauwi na sa pamimili kasama ang mayaman at sosyal na amiga.

Itinaas ng isang sopistikada’t maarteng ginang ang kamay nitong may suot na singsing.

“What do you think?” Nilingon nito si Ginang Annalisa na ngayon ay nakangiting tumingin sa kamay nito.

“Ruby really suits you. It’s pretty good,” kumento niya sa kasama.

Ngumiti naman ang sopistikadang ginang at lumingon sa sales lady na nag-a-assists sa kanila.

“I want to buy this,” bigkas nito sa babaeng sales lady. Kapagdaka ay nilingon siya. “Don’t you like to buy some? Choose what you love and I will buy it for you, Sis.”

Napailing-ili
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status