Share

Chapter 59.1

TILA MGA BATANG nagtampisaw sa ulan sina Ynzo at Veron. Wala silang ibang iniisip nang mga oras na iyon. Ang tanging iniisip lamang nila ay ang kasalukuyan. Hindi pa man malinaw sa isa’t isa ang tunay nilang nararamdaman, ang importante ay nakatitiyak na sila hinggil sa kanilang damdamin para sa isa’t isa.

Hindi pa man maayos ang lahat, nais lang ni Veron na lubusin ang pagkakataong ito na makasama ang asawa sa gitna ng ulan. Nagtakbuhan at naghahabulan sa kabila ng paunti-unting bugso ng ulan habang nakasilay ang sinag ng araw.

“May trivia ako sa ’yo, Wifey,” bigla ay bigkas ni Ynzo nang mahuli siya sa gitna ng pagtakbo.

Napangiti si Veron nang malawak. “Ano ba ’yon, Hubby?”

Inakay siya ni Ynzo na maupo sa isang bermuda grass sa isang parke. Doon na sila dinala ng kanilang mga paa matapos ang mahabang pakikipaghabulan sa isa’t isa. Nagsialisan na ang mga tao na namamasyal sa parke at naghanap ng masisilungan samantalang silang dalawa ay mas piniling magpaulan upang mas matamasa ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status