Share

Chapter 54.1

“NAKU, MA’AM, ako na po diyan.” Natatarantang inagaw ng isang maid ang hawak ni Veron na vacuum cleaner.

Nagtatakang napatingin siya sa mga katulong na paroon at parito sa loob ng kanilang bahay. Ilang araw na rin ang nakalilipas simula nang maganap ang hindi inaasahang pangyayari sa buhay niya at heto’t pag-uwi nila galing sa klinika ni Doktora Sweet ay sinalubong sila ng sampung katulong sa loob ng kanilang pamamahay. Lahat ng iyon ay pinadala ng ina ni Ynzo nang sa gano’n ay hindi na raw kailangan pang kumilos ni Veron sa paglilinis at pag-aasikaso sa bahay.

Kanina pa siya nagtatangkang tumulong sa mga gawaing-bahay ngunit tuwing may hahawakan lang siyang bagay na panglinis ay may katulong nang lalapit sa kaniya upang agawin ang kaniyang ginagawa. Nauna na ring linisin ng mga ito ang loob ng silid nilang mag-asawa kung kaya’y wala nang kailangan pang linisin doon.

Nagtungo si Veron sa kusina at gaya nang inaasahan ay tambak rin ang katulong doon na abala sa pagluluto at kung ano-an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status