Share

Chapter 51

ILANG ARAW RING nanatili sina Ginoo at Ginang Tolledo sa bahay nina Ynzo at Veron dahil maging ang mga ito ay nalibang na rin sa pakikipag-usap sa tiyan ng huli. Kitang-kita sa hitsura ng dalawang matanda kung gaano kasabik ang mga ito na magkaroon na ng apo upang may makalaro na rin naman at may mag-ingay sa malaking bahay ng mga ito. Sinulit ng dalawang matanda ang ilang araw na pananatili sa kanila bago umuwi ang mga ito. Laking pasasalamat ni Ynzo dahil umuwi na rin ang mga magulang bago pa man dumating ang araw ng imbitasyon ni Mr.Thurn.

Sakay ng kulay itim na kotse ay magkatabing tinahak ng mag-asawa ang daan patungo sa isang five-star hotel. Nakasuot si Veron ng kulay itim na dress at flat sandals. Habang binabaybay ang daan ay iniisip ni Veron kung ano na naman ba ang bagong pakulo ng demonyong iyon. Tinitigan niya si Ynzo at seryoso lang itong nagmamaneho. Mahusay siyang mangilatis ng reaksyon ng isang tao ngunit hindi niya mabasa ang anumang reaksyon sa kabuuan ng asawa. Nan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status