“GOOD MORNING, Ma’am!” bati ng mga empleyadong nakakasalubong ni Veron sa daan.Tanging isang tipid na ngiti at pagtango lamang ang isinusukli niya sa mga pagbating iyon.“Totoo ngang napakaganda at sexy ni Ma’am.”“Kaya nga, e. Nakakainggit naman siya. Sobrang pinagpala sa mukha at katawan.”“Tapos may pogi pang asawa na sobrang gwapo, macho at yummy.”“Simple pa ang pananamit niya sa lagay na ’yan pero hindi maipagkakait na angat ang ganda niya.”Ilan lamang iyon sa mga usapang umalingawngaw sa pasilyo ng kumpanya ng mga Tolledo nang dumaan si Veron. Hindi na niya kailangan pang itanong sa front desk kung anong palapag naroroon ang opisina ni Ynzo. She has ways to know about everything.Nang makita kung gaano karami ang natirang pagkain sa mga niluto ni Ynzo ay napagdesisyunan niyang lutuin muli ang mga iyon upang dalhan ng tanghalian ang asawa. Baka kasi makain pa siya nito kung makita ni Ynzo na hindi niya naubos ang mga niluto nito.Nagsuot lang siya ng simpleng maternity dress a
BINALOT NG NAKABIBINGING katahimikan sina Veron Stacey at Ynzo Abraham nang mga oras na iyon. Hindi alam ni Veron kung paano ba maaalis ang nakakaasiwang atmosperang pumapailanlang sa kanila. O marahil ay siya lang itong nakararamdam ng ganoon at balewala lang sa lalaki ang mga sinabi nito.Napatikhim si Veron.“Hayaan mo, ipagluluto kita at dadalhan lagi ng tanghalian kung gusto mo,” alok ni Veron na mas ikinaaliwalas ng mukha ni Ynzo dahil sa narinig.“Really? No regrets?” parang bata na tanong nito. Biglang napahalakhak si Veron dahil sa cute na gesture ni Ynzo.Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya ang tila maamong bersyon ng isang Ynzo Abraham Tolledo. Iyong tipo ng bata na nagpapaawa at tila ba humihiling ng isang bagay na nais nito. Ang madalas niya kasing makitang bersyon nito noon ay iyong mapang-asar, ayaw magpatalo at nakakainis na si Ynzo. He’s cute while showing his puppy eyes.“Uhuh! Bukal sa loob kitang ipagluluto basta may bayad ang delivery,” tugon ni Veron haba
ILANG ARAW NA ginulo si Veron ng isiping iyon. Natatakot siya na baka magbago ang sariling nararamdaman. Naging malimit na rin ang komunikasyon nila ng kasintahang si Skyler. Humingi ito ng tawad dahil magiging abala na raw ito sa family business ng mga ito. Gaya ni Ynzo ay abala na rin ang kasintahan at magiging madalang na rin ang komunikasyon nilang dalawa. Nakaramdam ng lungkot si Veron hinggil sa bagay na iyon. Nasasaktan siya at bago lang ang damdaming iyon sa kaniya. Noon pa man ay ganoon na rin naman sila ni Skyler sa isa’t isa ngunit ni isang beses ay hindi nila naisipang hiwalayan ang isa’t isa. Masyado nilang nilawakan ang pang-unawa sa isa’t isa at inisip na pareho silang may pagkukulang. Pero bakit ngayon ay tila ba naghahanap siya ng higit pa roon? Bakit nasasaktan na siya tuwing walang oras sa kaniya ang kasintahan? Alam niyang mali ngunit hindi niya maiwasang magduda kay Skyler.Pero sa kabilang banda ay napag-isip isip niya. Si Skyler nga ba ang may problema o siya? B
NAPATAAS NG KILAY sa isa’t isa sina Anika at Veron. Nais mapailing-iling si Ynzo dahil para sa kaniya ay natural nang may mga babaeng nag-aaway sa harapan niya ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Alam ni Anika na kasal na sila ng kaniyang asawa ngunit heto’t todo kapit pa rin ito sa kaniya. Kanina pa niya ito nilalayuan at sinasaway ngunit balewala lamang ang mga kilos at pantataboy niya para sa babae.“Good for you, b*tch! Don’t you dare to trust me ’cause I will get whatever you have... now...” bigkas ni Anika kay Veron.“Halika na. Go home, Anika. Nakakaabala ka na,” bigkas ni Ynzo at hinila ang braso ng babaeng nanggugulo ngayon sa kanilang bahay.Ang kanina’y matatalim na mga matang kakikitaan sa hitsura ni Anika ay biglang naging maamo at tila ba kaawa-awa na ngayon.“But Ynzo... I don’t have a car. Nasiraan ako ng kotse, remember? Will you please take me home?” kagat ang pang-ibabang labi na pakiusap ng malanding babae.Halos tumikwas na ang kilay ni Veron dahil sa labis na pagkak
PAKANTA-KANTA PA SI Veron habang nagluluto ng putaheng ihahatid kay Ynzo para sa tanghalian. Ewan ba niya at ang gaan-gaan ng pakiramdam niya ngayon. Nasasanay na siyang ipagluto ang asawa para sa tanghalian nito at araw-araw na niyang naging routine ang pagluluto at pag-aasikaso ng bahay. Tila ba isa na siyang totoo at dakilang house wife sa lagay niyang iyon.Sakay ng sasakyan ni Ynzo ay hinatiran niya ng tanghalian ang asawa. Halos lakad-takbo na ang ginawa niya dahil na-late na siya ng kaunti para sa oras ng tanghalian ng asawa. Paniguradong nagugutom na iyon dahil nalibang siya sa pagbabad ng katawan sa shower kanina. Nakapag-relax siya ng kaunting oras habang naliligo.Binati si Veron ng mga manggagawang nakakasalubong niya sa pasilyo ng naturang gusali. Ngunit pakiramdam ni Veron ay may kakaiba sa bawat kilos at tingin ng mga nakakasalubong niya.“Di hamak naman na mas maganda at sexy si Ma’am kumpara sa kaniya.”“Oo nga. Pero nakita niyo ba kung paano niya titigan si Sir? Para
NAIWAN SI YNZO na halos mahulog ang panga sa sahig. Kitang-kita ang pag-usbong ng galit at pagkainis sa buong sistema ni Veron. Nang makalabas siya sa pribadong opisina ni Ynzo ay naabutan niya ang malanding si Anika na matamang nakaupo sa mesang inookupahan ng sekretarya ng asawa. Nakapatong pa ang isang paa sa kabilang hita nito kung saan halos makita na ang panloob nitong suot. Hawak-hawak ang isang salamin ay mataman itong naglagay ng lipstick sa labi.“Who are you?” bungad ni Veron nang makalapit sa babae.Bigla ay napataas ng kilay si Anika at sumulyap kay Veron. “Threatened, huh?”“Why should I? I’m just asking here who the hell are you. What’s wrong with that?” nakahalukipkip na turan niya.Napangisi si Anika at inilagay ang hawak na lipstick at salamin sa sariling bag“Well, let’s say that I’m your beautiful nightmare,” mapang-asar na turan pa nito.“You’re just a nightmare who’s not even beautiful,” ganting pang-aasar ni Veron.“Really? With the face and body I have, I’m sur
MAIKLING ORAS LANG ang inilaan nina Veron at Skyler para sa isa’t isa dahil tumawag ang sekretarya ng kasintahan upang ilapag ang kung anumang kailangan at problema nito sa opisina. Nasanay na rin naman si Veron na laging abala ang kasintahan kaya matapos itong humingi ng paumanhin sa kaniya ay nagmamadali na itong umalis. Nagpaiwan lang siya sa private restaurant na iyon upang makapag-isip. Hindi niya alam kung napansin rin ba ng kasintahan ang biglang pagbabago ng reaksyon niya o sadyang balewala lang dito ang simpleng bagay na iyon. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang siya kung maapektuhan. Tila ba balewala lang sa kaniya ang mga sinabi ni Skyler. Higit pa nga yata siyang apektado ng babaeng lumalakantari sa asawa kaysa ang malaman na uuwi na ang mga magulang ni Skyler upang makilala siya.Natigilan si Veron nang biglang tumunog ang sariling cellphone. Nang tingnan ang screen niyon ay nakita niyang ang sariling obgyne ang tumatawag.“Hello?” tinatamad niyang sagot.“Are you b
HALOS MANLAKI ANG mga mata ni Veron Stacey nang matapos ni Doktora Sweet ang paglalagay ng advanced realistic baby bump sa katawan niya. Pakiramdam niya’y totoong may sanggol na biglang sumipot sa kaniyang sinapupunan. Maganda ang pagkakalapat niyon sa kaniyang tiyan dahil aakalain ng kahit sino na totoo ngang buntis siya. Saktong-sakto lang iyon sa tiyan niya. Pakiramdam ni Veron ay may malaking bolang may lamang tubig sa loob ng kaniyang tiyan.“There.” Sa wakas ay bigkas ng doktora. “Hindi mo na iyan maaalis pa sa tiyan mo, di-gaya ng artificial baby bump na gamit mo nitong mga nakaraang buwan. You can take a bath or swim kahit pa nasa katawan mo iyan but make sure na aalagaan mo ang sarili mo ngayon at mag-doble ingat ka sa iyong kalusugan,” mahabang paalala pa nito na ikinakunot ng noo ni Veron.“Bakit naman gano’n, Doktora? Hindi naman ako totoong buntis,” pag-angal niya ngunit nagulat si Veron nang maramdamang tila umalon ang kaniyang tiyan.Napatingin siya kay Doktora Sweet na