Share

Chapter 42.2

MADALING-ARAW NA ngunit gising na gising pa rin ang diwa ni Veron. Nakaharang pa rin sa pagitan nila ni Ynzo ang mga naglalakihang unan at ngayon nga ay mahimbing nang natutulog ang lalaki sa kabilang panig ng kama. Bukod sa hindi siya makatulog ng maayos dahil sa ginagawang paghihilik ni Ynzo ay paulit-ulit na pumapasok sa isipan niya ang senaryong nangyari kanina sa naganap na engkwentro sa pagitan ng dalawang grupo ng mga kabataan.

Hindi inaasahan ni Veron ang naging kilos na iyon ni Ynzo. Hindi man lang ito nagdalawang-isip na iharang ang sarili sa bruhang Anika na ’yon. Samantalang siya ay halos kapakanan na ng lalaki ang iniisip na baka mahagip ito ng ligaw na hampas mula sa nagkakagulo. Hindi niya akalaing napakabilis ng naging kilos ng lalaki upang sagipin ang babaeng iyon at hindi man lang yata nito naisip na baka siya rin ay matamaan ng baseball bat o naglalakihang kahoy.

Hindi niya mapigilan na mag-isip ng malalim. Nakakagulat lang na mula sa pagkakatulala ni Ynzo ay bigla
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status