Share

Chapter 42.1

HINDI NGA NAGKAMALI SI Veron dahil sakto sa kinatatayuan nila ni Ynzo ang pagsalubong ng dalawang grupong nais magsagawa ng isang ‘riot’. Wala nang iba pang naisip ang mga kabataang iyon kundi ang hampasin ang makakasalubong—kakampi man o hindi dahil may kadiliman rin sa kinaroroonan nila. Wala nang pakialam ang iba basta makahampas lamang ng taong makikita.

Naging malikot ang buong sistema ni Veron at ang tanging naiisip ay si Ynzo na tila hindi pa rin natatauhan sa mga oras na ito. Halos manlaki ang mga mata ng lalaki at matulala habang titig na titig sa mga kabataang naghahampasan sa kanilang harapan. Ilang metro lang ang layo ng mga ito mula sa kinauupuan nila at kaunting-kaunti na lang ay maaari na silang madamay sa kaguluhang iyon.

Hindi alam ni Ynzo kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon samantalang si Veron naman ay nakahanda na sakali mang atakehin sila ng isa sa mga nagkakagulong kabataan. Nakita nila kung paano bumagsak sa matigas na aspaltong sahig ang ilan sa mga nasobr
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status