Share

21: She sees dead people

Flare Joshel's POV

KINABUKASAN, pinagkukumpulan ang bulletin board ng mga students. Hindi na dahil sa mga pictures, kung hindi dahil sa result of examination.

Walang gana akong pumunta roon. Pinagtitinginan nga ako ng iba at naglalayuan na parang mayron akong malubhang karamdaman.

Hanggang ngayon,lutang pa rin ako sa sinabi ni Vice Pres kahapon. Nagsulat nga ako sa notepad ko. Inilagay ko roon ang sinabi ni vice pres, ang tungkol sa nangyari sa old building at kung bakit galit siya kay Kean.

Kaya nga ba talagang gawin iyon ni Kean?

Iwinaksi ko ang iniisip ko. Kailangan kong mag-move on. Hindi dapat ako magpadala sa mga sinabi nya.

Tiningnan ko ang result sa bulletin.

300 lang ang Grade 10 students kaya naman madali lang para sa akin na makita ang pangalan ko. May kanya kanyang bulletin board ang mga grade level kaya naman hiwalay kami sa iba. Iba’t iba din ang building namin. Sa grade 7;Hades building. Grade 8; Hera, sa grade 9; Perseus building at kami; Artemis building.

Para sa seni
Mystshade

Hi, after this chapter, I will upload a special chapter. Thank you for reading.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status