Share

Special Chapter: The day when JG met Berry

Pumunta si Cranberry kasama ang mga staff niya sa isang orphanage. Ang utos kasi sa kanya ay magperform sa harap ng mga ulilang bata roon. Dahil nga sikat siya, siya ang kinuha para roon. Ayaw man niyang gawin iyon ay hindi siya makatanggi. Una, may contract siya sa management na nag-settle ng program. Pangalawa, kailangan siyang ma-built up para lalo siyang sumikat, at pangatlo bayad na siya, bawal nang tumanggi.

Sinsisi niya ang manager niya dahil kinuha agad ang talent fee niya. Mukhang pera talaga ito at hindi man lang inalala ang feelings niya.

Matapos siyang mag-perform kahit wala siyang talent sa pagsayaw ay naglahad ang mga bata ng mga kanya-kanyang experience, umiyak pa siya sa harap ng camera dahil hindi na niya makayanan ang paghihirap ng mga bata bago pa sila makuha ng social welfare.

Pero siya si Cranberry Hopkins. Isa siyang artista. Plastic siyang makitungo sa mga tao sa paligid niya. She doesn't want to bond with other people but she needs to. Kung hindi masisira ang career niya. Ang career niya na mukha at talent nya ang pinuhunan.

"Nakakalungkot naman," sabi nya pa habang nagpupunas ng luha. Niyakap niya ang batang babae. "Sana mabait at mapagmahal ang susunod na mag-aampon sa iyo."

Nag-iyakan ang lahat. One.two. five seconds. Five seconds niyang niyakap ang bata na parang hindi naman naliligo. Maraming press ang nakapaligid sa kanila at kinukuhanan siya ng picture.

"Aw. Ang bait talaga si Ms. Berry. Ika-caption ko ang luha niya. The empress' tears," komento ng isang photographer as he took photos of Berry crying.

Napangiti si Berry. Kung minsan ang dali lang utuin ng press.

"Huh, sigurado ka ba talaga sa sinabi mo? Baka nga kahit pagbihisin lang siya ng isang bata mag-inarte na 'yan," komento ng isa pang media na babae.

Narinig niya iyon at kahit gusto niyang irapan ito ay hindi niya magawa. Hay nako, ang hirap maging mabait sa mata ng ibang tao. Matapos niyang yumakap ay tinakpan niya ang kanyang mga mata. Ito na ang tamang panahon para umarte ng todo.

Nagtanong ang mga media kung okay lang siya. Pagkatanggal niya ng kamay sa mukha ay sinadya niyang pinatulo ang luha niya. "Hindi ko na kaya." Tuluy-tuloy siyang lumabas ng orphanage hanggang sa malayo na sa mga tao. Hindi na sumunod pa ang mga press dahil hinarang na ito ng manager at staff niya.

Bigla siyang ngumisi habang pinapahid gamit ng daliri ang tumulong luha sa pisngi niya. Hinawi niya rin ang kanyang long blonde hair.

"The empress's tears? Not bad."

On the walk to the park, she couldn't stop smiling. Mahal ang luha niya pero para siyang si Santa Claus na ibinigay lang iyon sa kanila. Ang swerte nila.

Before she entered the van, she first called her manager, who was left inside the orphanage.

"Mauuna na ako sa van," sabi niya agad rito. Alam ng manager niya na may kagaspangan ang ugali niya pero pinagpapasensyahan na lang ito ni Miss Belinda dahil kumikita ito sa kanya at sikat pa ang malditang ito sa mga teenagers. Bashers and supporters, parehas lang iyon sa kanila sikat pa rin sila kahit saan man doon. Remember, good and bad publicity is still publicity.

"Bago ka pumasok. Can you go to the church near the park and take the fruit basket to the representative of that church? Nakalimutan ko kasing ibigay eh," sabi ni manager sa kabilang linya.

Hindi alam ni Berry na itinitirik na ni manager ang mga mata sa sobrang inis sa kanya. Akma pang susuntukin ang telepono upang maibsan ang inis.

Nagpapadyak siyang sumagot, "Why me? Sa iba mo na lang iutos. Nakakainis naman."

Her manager rolled her eyes. Sa isip niya, ang arte talaga ng batang ito.

"Sige na. Mas maganda kung IKAW ang magbibigay no'n. Para naman purihin ka nila and one more thing mas okay nga yon para kahit papaano makatapak ka sa simbahan," pang-aasar ng manager na nagpipigil ng tawa.

"F*ck. Akala mo banal ka. Kung makalait ka sa akin," nanggigil na sagot niya.

"Isipin mo na lang ikaw ang magbenefi--"

Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin nito at in-end call na niya. Nagdadabog na pumasok siya sa van at kinuha ang fruit basket. Hinanap ng mga mata niya ang malapit na church. Mabibigat ang kanyang mga hakbang na pumasok, tuluy-tuloy sa loob pero wala namang tao.

"Tao po," magalang siyang nagsalita habang hawak sa dalawang kamay ang basket. Ilang beses na siyang nagtawag pero wala namang tao. In the end, she decided to leave the place. She made a call with her manager pero hindi ito sumasagot. Dahil busy sa loob ng orphanage ang mga tao, Wala kang makikita sa labas kaya naman libre siyang maglakad-lakad.

She texted her manager.

'Go to the garden, now.'

Pumunta siya sa garden para maghintay sa manager niya. Uupo sana siya sa bench nang makita niyang marungis ito. Kaya naman tumayo na lang siya at naghintay roon.

Nakatalikod siya nang may marinig siyang humahakbang of of papalapit sa kanya mula sa likod. Sa wakas naman, dumating na ang manager niya. Nauurat na siya roon.

Ang hindi niya alam, hindi naman ang manager niya ang lumapit at hindi naman talaga ito lalapit sa kanya kun'di dadaanan lang sana at dahil assuming siya ay napagkamalan niyang si manager ito.

"Sa wakas naman dumating ka," sabi niya na hindi lumilingon dito. Naramdaman niyang huminto ang taong iyon sa paglalakad. Ipinatong ni Berry ang fruit basket sa bench and she crossed her arms above her chest. "Next time, I don't want to do this again. Can't you see how they touch me? Eww baka may mga sakit pa, mahawa pa ako." She felt goosebumps everytime na maaalala niya ang sitwasyon kanina.

"Nakakainis 'yong isang bata. She pulled my hair! Oh my gosh, baka madumi ang kamay niya. Masira pa ang buhok ko! Ayoko nang gawin ito. Ako si Empress Berry hindi mo dapat pinagagawa sa akin ito.”

Nagtaka si Cranberry kung bakit hindi nagsalita ang manager niya. Kaya naman nagsalita uli sya. "Oh, bakit ‘di ka makasagot dyan?"

"Wow," the guy annoyingly said.

He is John Gervie Buenaflor. Student representative of Xerxes Academy.

Pumunta siya sa orphanage para mag-donate sa charity at mag-sponsor na rin sana sa church nila ang kaso mali ang timing niya dahil may event pa lang ginagawa sa loob kaya naman ibinigay na lang niya sa head nun ang donation ng school. Pauwi na sana siya nang mapadaan siya sa garden, napahinto siya sa likod ng isang matangkad na babae dahil bigla itong nagsalita. Akala niya siya ang kinakausap nito.

Nanlaki ang mga mata ni Berry nang marinig na boses ng lalaki iyon. Ibig sabihin, hindi ang manager niya ang kausap niya. Lumingon siya agad only to find a guy with a blank expression looking at her.

"W-who are you?" she stuttered because of his aura. Strict and very manly ang tindig nito. Parang kaedad lang niya pero mukhang matured mag-isip and in fairness he's handsome.

Ngumiti siya rito para magpa-cute. Hinawi niya pa ang buhok niya at binigay sa lalaki ang matamis niyang ngiti. No one can resist her charm. "Hi. What's your name?"

Kung ito ang nakarinig ng pinagsasabi niya kanina dapat niya itong mauto para hindi nito ichismis ang mga pinagsasabi niya.

"Tsk. Do you need to know me?" masungit nitong sagot.

Naangasan siya rito ngunit pinakita ni Berry na hindi siya apektado. "Of course. By the way, my name is Berry. Tagarito ka ba? Maganda ang orphanage niyo ah," puri niya.

"Tsk." The guy look at her annoyingly. Her smile faded. This guy is not easy as she thinks. "Pwede ba 'wag ka nang magkunwari."

"What do you mean?" She turned her smile back.

"I have ears. I heard you." Itinuro nito ang tainga.

Nagkunwari siyang natatawa. "Ano ka ba, nagpa-practice lang ako para sa upcoming project ko. I'm an actress."

"Empress. Tch. Mahirap bang um-acting na mabait sa harap ng ibang tao?"

Yumuko siya nang sabihin iyon ng lalaki. Kinagat niya ang labi. Wala na siyang kawala, malamang hindi na ito maniwala kaya bakit kailangan niya pang magpanggap? Hinawi ni Berry ang blonde hair niya. She smirked and look at him. She guess she can't hide anyway. "You heard it right," Inikutan niya ang lalaki. "Sobrang hirap. Lalo na kapag ayaw mo naman talaga sa mga taong iyon. Bakit? Hindi ka ba gano'n?"

The guy’s aura darkened. "I'm not an actor so I can't relate with you."

Nawala ang ngiti niya pagkaharap niya sa lalaki. Magkaharap na sila at nase-sense niyang hindi sila magkakasundo.

"Kapag hindi ko gusto ang isang tao. Hindi ko siya papansinin, kesa naman makipag-plastic-an ako sa kanya tulad ng ginagawa mo."

Cranberry hardly laughed. Ilalabas na niya ang pagiging mataray sa lalaking ito. "Edi ikaw na perfect. Alam mo kahit saang anggulo tignan, kailangan mong makisama kahit pa ayaw mo, huh. Remember that."

"Wala kang kwenta."

"Ano?!" Pakiramdam ni Cranberry, umuusok na ang ilong niya sa galit.

He just smirked at her. "Uulitin ko pa, baka lalo kang masaktan. Ha, plastic."

"Plastic?" hindi makapaniwala niyang ulit.

"Plastic ka. Dapat hindi Empress Berry ang tawag sayo kun'di Plastic Berry tutal that suits your personality." Nilagpasan siya nito. Nakakuyom ang kamao niyang sinundan ito ng tingin.

"Sino ka para sabihan ako ng ganyan. Ang kapal ng mukha mo. Sikat ako no! Hoy, lumingon ka rito!"

He glance but never turn his body towards Berry. Sinulyapan din nito ang basket na nilapag niya sa bench. "Ibibigay mo ba 'yan sa church?"

Nilingon din niya ang basket. "Oo. Bakit?"

"Huwag mo nang ibigay iyan. Kung galing din naman sa iyo, ‘wag na lang. Baka manakit pa ang tiyan ng inalayan mo," sabi nito saka tuluy-tuloy na umalis.

"Aba't, hoy, bumalik ka rito! Hindi pa ako tapos sa iyo! Siraulo ka, buwisit!" Ginulo-gulo niya ang buhok dahil sa pagkainis. Naiirita siya sa lalaki at pinangako niya na kapag nagkita uli sila, ito naman ang susupalpalin niya.

---->>> end of special chapter.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status